13

14.4K 315 8
                                    

KANINA pa nakahanda si Myka. Hinihintay na lang niya ang go signal mula kay Stone. Striker and Starlight were just too happy to let them run the show. Ayon sa mga ito ay matagal na daw silang walang practice. Pero alam ni Myka na nagdadahilan lang ang mga ito. They understood that this was just a four-man operation. Kung dadagdagan pa iyon ay siguradong magiging liability lang ang dagdag na tao.

"Let's run through the plan one more time," narinig ni Myka na utos ni Stone mula sa suot niyang earpiece.

Naninibago si Myka sa suot na earpiece dahil medyo malaki iyon. Isa pa ay medyo luma na iyon. It was provided by Striker and Starlight. Hindi kasi nila pwedeng gamitin ang mga high-tech na gadgets na dati nilang ginagamit. Those gadgets belong to STAID. At hanggat hindi nila nalalaman kung may iba pang mga rogue agents na tulad ni Hector ay hindi nila pwedeng gamitin ang mga gamit ng STAID. They could be easily compromised if they did.

"Myka?" tawag ni Stone.

"Luke and I will approach by foot. We'll gain entrance through the air vents," mabilis na sagot ni Myka. "Ako na ang bahala sa pagpasok namin." Kayang-kaya nang lagpasan ni Myka ang sinasabi niyang air vents. Matagal na niyang na-canvass ang entrance na iyon at kahit nakapikit ay magagawa niyang dumaan doon.

"Pagpasok namin ni Myka," agad na dugtong naman ni Luke. "Didiretso ako sa opisina ni Gideon para ma-access ang mga security systems. Stone will talk me through the process."

Sandaling napalunok si Myka nang marinig ang gagawin ni Luke. Si Stone dapat ang gagawa ng mga iyon. But his injuries wouldn't allow him. Tumikhim na lamang siya at itinuloy ang flow ng plano. "Kapag na-disable na ni Luke ang security system ay saka ako didiretso sa ops. Supposed to be ay walang tao sa HQ ngayon. But I am still expecting some hostile company." May protocol kasi silang sinusunod in case na atakihin ang kanilang headquarters. Lahat ng agents ay magkakanya-kanya ng pagtatago at maghihintay lang hanggang mag-establish ng contact si Gideon at magbigay ng instruction. But they have a good reason to go back to HQ right now.

"And if you are outnumbered, you will call Luke to back you up," wika ni Stone. "Say it, Myka."

Napapailing na tinapunan ni Myka ng tingin si Luke na nasa tabi lang niya. "I'll ask for backup if I need it." In-emphasize pa niya ang paggamit ng salitang "if" para iparating na hangga't kaya niya ay hindi siya tatawag ng backup. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kakayahan ni Luke. Ang totoo ay ayaw lang niyang ilagay ito sa direktang panganib. Siya mismo ay nagulat nang marealize niya na ayaw niyang mapahamak si Luke. Kahit pa alam niyang kayang makipagsabayan ni Luke, kulang naman ito sa experience sa real-life combat.

"Good enough."

Tahimik na nagpasalamat si Myka sa pagsang-ayon ni Stone bago nagpatuloy. "I'll access the mainframe system in ops. Pagkatapos ay isasaksak ko sa server itong device na ibinigay ni Jared."

"Yes," masayang wika naman ni Jared. Naiimagine ni Myka na nakangisi nanaman ito. Hindi na yata nabubura ang ngisi sa labi ng Jared na iyon. "Then I'll try to access STAID's servers using my babies."

"Babies?" tanong ni Myka.

"Try?" tanong naman ni Stone.

"Yun ang tawag ni Jared sa computer system niya," nakangising sagot ni Luke sa tabi ni Myka. Napasimangot siya. Ah, damn that smile!

"Try?" It took a moment before Stone's angry voice registered on Myka's mind. "Let me make something clear, Constantino. You do not try. You do it!"

"Aw, chill, man. Chill ka lang." Tila hindi man lang tinablan si Jared sa outburst ni Stone. "I'll get it done."

"Good," mapanganib parin ang boses ni Stone nang sumagot.

"Don't worry, guys. I got it under control. Bibilisan ko ang—"

"We don't need the details, Jared," tila natatawang singit ni Luke. Hindi sigurado si Myka. Kanina pa kasi siya hindi makapagconcentrate dahil magkatabi sila ni Luke sa kotse. Ayaw niyang lumingon uli dito dahil baka tuluyan nang mawala ang konsentrasyon niya.

"Right, sorry," sagot uli ni Jared sa masayang tinig. Gustong mapailing ni Myka doon. What the hell was wrong with these two? Nagagawa pang magtawanan ng dalawang magkaibigan gayong nasa isang seryosong misyon sila. At kung si Myka ang tatanungin, ito na marahil ang isa sa pinaka-importanteng misyong gagawin niya. "Kukuha ako ng kopya ng mga files at ite-trace ko din ang nag-intercept sa huli niyong misyon para makakuha tayo ng impormasyon kung paano iyon nagawa ni Hector. It could lead us to who is behind the attempt on Luke's life. Then I'm supposed to remotely erase everything, right?"

"Yes," sagot ni Stone.

"But you see, you don't really erase anything in the digital world. Kapag nagdedelete tayo, binubura lang natin yung path. Pero ang mga files ay nandoon parin. Hindi naman talaga—"

"We got it, Jared, ilang beses mo nang naipaliwanag yan," putol ni Luke sa nagsisimula nanamang litanya ni Jared. "Kaya bilang precaution ay mag-iiwan ka ng virus kung sakaling may iba pang mag-access sa server, di ba?"

"Yes," sagot naman ni Jared. "But that's just going to slow them down. Kung magaling—"

"Stop," si Myka na ang pumutol sa sinasabi ni Jared. "Pwede bang magfocus lang tayo sa isang bagay ngayon? We'll plan another course of action once we get more information."

"Okay, sasabihin ko agad kapag tapos na ako sa trace." Kahit paano ay sumeryoso na ang boses ni Jared.

"Good," sagot ni Myka. "And assuming that we don't encounter hostile force, we'll be able to get out in less than two hours."

"We'll rendezvous here at Jared's place. Good luck," Stone said with finality.


S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon