"WHAT the hell were you thinking?" galit na sigaw ni Myka kay Luke nang makapwesto na ang dalaga sa passenger seat sa harap ng kotse. Hindi ito pinansin ni Luke. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho palayo sa lugar na iyon. "Hindi ba sinabi ko sa'yong 'wag kang titigil?"
Luke stole a glance at Myka. She looked completely disheveled and royally pissed. "I wasn't going to leave you there."
"Kung naiwan man ako doon, I would have thought of a way to get out," Myka argued. "Baka nakakalimutan mong isa akong STAID agent."
"STAID agent or not, hindi pa rin kita iiwan doon," may halong inis na sagot ni Luke. Sa lahat ng ayaw niya ay yung kinukwestiyon ang mga ginagawa niya.
"Eh paano kung napahamak ka dahil sa ginawa mo?" Hindi sigurado si Luke pero parang may nagbago sa tono ng pagsasalita ni Myka. "You were already shot and—" Biglang tumigil si Myka at nagpakawala ng malalim na hininga. "Damn, you just made me so angry. Muntik ko nang makalimutang may tama ka." Muli itong nagpakawala ng malalim na hininga. "Tumigil ka kapag may nadaanan tayong gas station. We'll trade places. Ako na ang magmamaneho."
Napapailing si Luke habang pinapakinggan ang napakabossy na pagsasalita ni Myka. "Sayang ang oras. Baka masundan pa tayo."
"Walang nakasunod sa atin at wala nang makakasunod pa. Your parents will take care of all of them." Puno ng kasiguraduhan ang tinig ni Myka. Napakunot tuloy ang noo ni Luke.
Luke couldn't explain but there was something unsettling about what Myka just said. Alam na niya ang katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang pero bago ang sandaling iyon, parang hindi pa niya iyon lubusang nauunawaan. It was a little disconcerting to know what his parents are really capable of.
"Luke," mas malumanay na ang pagsasalita ni Myka. "I didn't mean to—"
"Don't worry about it," putol ni Luke sa sasabihin pa ni Myka.
"I shouldn't have said that so carelessly. Hindi naman—"
"Myka," this time it was Stone's voice that cut her. "What's your ETA?" tanong nito na nais malaman kung gaano pa sila katagal na makakabalik sa condo ni Jared.
"Twenty minutes max," maagap na sagot ni Myka. Pagkatapos ay masuyong ipinatong nito ang isang kamay sa kanang balikat ni Luke. Napaigtad si Luke pero agad din siyang nagrelax. "Luke, ako na ang magmamaneho." Hindi na parang nag-uutos ang pagkakasabi doon ni Myka kaya napalingon dito si Luke. And he almost sucked in his breath when he saw the worried look on her face. "Please?"
Sumusukong tumango si Luke. Ipaparada na sana niya ang kotse sa gilid ng kalsada nang biglang magsalita si Jared. "Ahm, guys? Teka lang." Hinintay niya itong magpatuloy pero puro tunog lang ng keyboard ang narinig niya sa earpiece. Ilang beses pang tumikhim si Jared pero hindi nagsalita.
Luke didn't like it, so he continued driving. Kilala niya ang kaibigan. Jared always acted like that when something was wrong. Nababahalang bumaling si Luke kay Myka. "Mamaya na tayo magpalit ng pwesto."
Tumigas ang anyo ni Myka. Luke recognized that look as stubbornness. "You're injured. Hindi mo dapat inaabuso ang balikat mo."
"Guys?" muling singit ni Jared.
"What is it, Jared?" Myka snapped. Halatang hindi nito nagustuhan ang pagsingit ni Jared.
"Nasaan sina Tito Abel at Tita Rose?"
"We're here," sagot ng papa niya sa earpiece.
"Pabalik na kami," dugtong naman ng mama niya.
That was fast. Parang ilang minuto pa lang na nakakalayo sina Luke at Myka sa scene pero tapos na agad ang mga magulang niya sa—teka, ano nga ba ang ginawa ng mga ito?
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...