"ANAK, tulungan mo nga akong kumuha ng meryenda sa kusina." Simple at swabe ang pagsingit ng mama ni Luke. Hindi tuloy naiwasang isipin ni Myka na siguradong napakagaling na operative ng mama nito noong nasa active duty pa ang babae. "Sumama ka na din, Jared. Nagbake ako ng chocolate crinkles kaninang umaga." Tila magic word ang pagbanggit ni Tita Rose sa chocolate crinkles dahil mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo si Jared.
"Uy, Tita, bakit ngayon mo lang sinabi?" Pagkatapos ay nauna pa itong umalis. Sa likod nito ay ang iiling-iling na umakbay si Luke sa mama nito. Bago sila tuluyang makaalis ay lumingon muna si Tita Rose. She was clearly giving them time to talk.
"So, bakit ka nandito, Agent...?"
Tipid na ngumiti si Myka. "Maya ang tawag sa akin pero mas mabuti siguro kung Myka na lang."
Tumango ang papa ni Luke. "I'm not in active service anymore. Pero Striker ang tawag sa akin noong araw."
"S-Striker?" gulat na tanong ni Myka. She was already convinced that Luke's parents used to be STAID agents but she didn't expect this.
Muling tumango ang papa ni Luke. "At ang asawa kong si Rose naman ay Starlight."
Napalunok si Myka. Kilalang-kilala niya ang mga code names na iyon. Sa katunayan ay iniidolo niya ang dalawang agents na nagmamay-ari ng code names na iyon. "Kayo ang duo na Striker at Starlight? As in the Striker and Starlight who created and developed all the operational procedures of STAID?"
"Hmm..." nagkibit ng mga balikat ang papa ni Luke. "Tumulong lang naman kami sa pagbuo niyon."
"Oh. My. God." Halos hindi kumukurap si Myka habang tinititigan si Agent Striker, aka Abel Marasigan. "Can I just say, Sir, how much I admire your work?"
"Thank you, but I'm sure that's not the reason why you're here. Mahigit sampung taon na kaming walang komunikasyon sa STAID. Why are you here now?" Malumanay ang pagsasalita ng papa ni Luke pero naroon ang hindi maikakailang talim sa bawat salita. Sigurado si Myka na isang maling galaw lang o salita mula sa kanya ay hindi ito mangangambang kumilos laban sa kanya.
Pero hindi nagpa-intimidate si Myka. Sinalubong niya ang mga mata nito at saka dahan-dahang inilahad ang mga palad. "I'm not a threat."
"Kung ganoon ay bakit ka nandito?" Kasunod niyon ay tila humulagpos ang tinitimping emosyon ng legendary agent na si Striker. "At kasama mo pa si Luke." Lalong tumalim ang mga mata nito pagkabanggit sa pangalan ng anak. "Ano ang sinabi mo sa kanya? Paano mo siya nahanap?"
"Relax," bahagyang napaatras si Myka. Ayaw sana niyang ipakita dito iyon pero huli na. Now she understood exactly why he was called Striker. Ayon sa mga nagpasalin-salin na kwento sa STAID, nakuha daw nito ang code name na iyon dahil hindi ito marunong umurong. He was always moving and pushing forward. And they were right. Napaatras nanaman ng isang hakbang si Myka.
"Walang dahilan para magrelax ako. Tayo na lang dalawa ang narito ngayon. At ikaw na mismo ang nagsabi na isa ako sa mga gumawa ng operational procedures ng STAID. I know all of its contents by heart. At sigurado akong iyong ginamit mong contact procedure ay hindi akma sa pagkikita nating ito."
"No, that contact procedure was for assets," pagsang-ayon ni Myka.
"We are not an asset. Now tell me exactly why you're here." Humalukipkip si Striker at tinitigan siya ng husto. Yung klase ng titig na ginagawa ni Gideon sa kanila kapag nasa debriefing. It was the kind of stare that made even the bravest agents flinch and break a sweat.
"Ito ang dahilan kung bakit isinama ni Tita Rose si Luke at Jared palabas, di ba? Gusto mong mapagsolo tayo para ma-interrogate mo ako." Under ordinary circumstances, Myka would have easily smiled and admired how smooth Striker and Starlight handled the situation. They certainly did it like a pro. Pero hindi ito ordinaryong pagkakataon lang at ang totoo ay hindi alam ni Myka kung paano ilalarawan ang sitwasyon ngayon.
"Wag mo siyang tawaging Tita Rose. And stop beating around the bush. Bakit ka nandito, Agent Maya? Sino ang nagpadala sa'yo?"
"Walang nagpadala sa akin. Nandito ako dahil kailangan ko ng tulong." Hindi sumagot si Striker. Tinitigan lang siya nito sa paraan na parang gusto nang mangatog ng mga tuhod ni Myka. "Look, Sir, I want to be honest with you. Gusto kong sabihin at ipaliwanag ang nangyayari. Yun ay kung alam ko. Hell, I don't even know how I got to this point. All I know is that I have an agent down and I need your help."
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Striker. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"The HQ was attacked earlier today. Isa sa mga agents ng STAID ang nasa likod ng atakeng iyon. I got out with another agent but he was injured. Iniwan ko siya sa kotse. Siya ang dahilan at nakarating kami dito."
"Dalhin mo ako sa kanya." Sa paraan ng pag-uutos ni Striker ay halatang sanay itong magbigay ng order. Myka didn't doubt that he was once a great team leader.
"Follow me." Then Myka led Striker toward the car outside. Nang makalapit siya sa passenger side ay kinatok niya ang bintana pero hindi bumukas yon. Muli siyang kumatok. Still there was no movement. Dali-daling inilabas ni Myka ang susi at binuksan ang pinto. "Damn it, Stone!" she cursed when she saw Stone lying face down on the dashboard.
"Stone?" curious na tanong ni Striker.
"Oo, siya si Agent Stone," sagot ni Myka habang magkatulong na inilalabas nila si Stone.
"Ano'ng nangyari sa kanya?"
"Gunshot wound to the shoulder and a knife wound, I think. Napilayan din siya. Iyon pa lang ang alam ko."
Tumango si Striker at saka tila bale-walang binuhat ang walang malay na si Stone. "Alam mo ba kung saan nakalagay ang GPS tracker ng kotseng yan?" Tumango si Myka. "Disable it right now."
"I already disabled it before coming here, sir."
"Good, bumalik ka na sa loob at sabihin mo sa asawa kong puntahan niya ako sa basement." Iyon lang at iniwan na siya ni Striker.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...