LUKE was good. Really good. Ni hindi na kasi pinatigil ng matagal sina Myka nang mapadaan sila sa gate. Sandaling sumilip lang ang guwardiya sa loob ng kotse nang ibaba niya ang bintana. Pagkatapos ay ngumiti ang guwardiya, sumaludo, at saka sila pinapasok.
"Myka?" maya-maya ay tawag ni Stone.
"Bakit?"
"Thank you." Myka almost snapped her neck when she forcefully whirled her head toward Stone. Nagthank-you ba talaga si Stone o baka imagination lang niya iyon? Masyado kasing mahina at malumanay ang pagsasalita nito. "Eyes on the road, Maya." Napailing na lang si Myka nang muling gamitin ni Stone ang natural nitong maawtoridad na tinig.
Maya-maya pa ay nakaparada na sila sa harap ng isang simpleng two-story na bahay. Parang out of place ang bahay na iyon sa subdivision. Lahat kasi ng nadaanan nilang bahay ay puro magagarbo. This one was simple, but had a trace of elegance. "Dito ka lang, Stone. I'll check in with them first."
Pero bago pa tuluyang makababa si Myka ay pinigilan siya ni Stone sa kamay. "There's no threat here."
"Sigurado ka?" nagdududang tanong ni Myka.
Tumango si Stone. "Tell them you're single."
Napataas ang kilay ni Myka pero hindi siya sumagot. Nakuha agad niya ang ibig sabihin ni Stone. It was one of the codes they used when making contact with STAID's assets. Siguro ay asset ng STAID ang mga magulang ni Luke kaya ito naging person of interest. Tama, marahil ay iyon nga. So with a nod, she climbed off the car and walked toward Luke who was waiting for her in front of the open door.
"Bago ang lahat," seryosong wika ni Luke nang makalapit si Myka. Nahigit niya ang hininga nang bahagyang yumuko ang binata saka muling nagsalita malapit sa kanyang kaliwang tenga. "Hindi ko alam kung bakit gusto mong puntahan ang mga magulang ko. Bago kita papasukin sa bahay namin para makilala sila, I want to warn you first, Myka-"
"I got it, Marasigan," putol ni Myka sa sinasabi nito. Hindi kasi niya inaasahan ang kakaibang mararamdaman sa pagkakarinig muli ng pangalan niya mula sa bibig ni Luke. She always thought that her name sounded a bit childlike and too girly. Pero ang paraan ng pagkakasabi ni Luke doon, lalo na sa unang syllable ng pangalan niya. It sounded possessive and sensual.
"Good," pagkatapos ay tumabi na si Luke para padaanin siya.
Pagpasok ni Myka sa loob ng bahay ay agad na pinagala niya ang mga mata sa paligid. It was her reflex taking over again. Unang hinanap ng mga mata niya ang mga posibleng daan para makalabas doon. Kasunod ay ang mga bagay na maaaring gamitin bilang sandata. Huli na niyang napansin ang tatlong taong nakaupo sa sofa.
"Hello," nakangiting bati ng lalaking mukhang mas matandang version ni Luke. May kaunting puting buhok na makikita sa ulo nito. But other than that, the older man looked lean, fit, and healthy.
"Halika, anak, lumapit na kayo dito at paupuin mo ang bisita mo," masayang wika naman ng katabi nitong babae. She must be Luke's mother. Mukhang bata pa ito. Maganda pa ang katawan kahit na isang simpleng bestida lang ang suot.
And then someone cleared his throat. Napatingin si Myka sa lalaking nakaupo sa isang single sofa sa dulo ng living room. Iyon ang kasama ni Luke kanina sa kotse. Hindi niya alam kung ano ang papel nito sa buhay ng mga Marasigan. Sigurado siyang hindi nila ito kamag-anak dahil ni walang pagkakapareho sa mga features nito at ng mga Marasigan.
Luke also cleared his throat beside her. "Ma, Pa, si Myka."
Ngumiti ng malapad si Myka at akmang lalapit na sa mga magulang ni Luke nang bigla siyang pigilan ng binata sa kamay. Hindi naman mapwersa ang pagpigil ni Luke sa kanya. Sa katunayan ay banayad lang ang paghawak nito pero napatigil pa rin siya. There's something in the way his fingers curled around her arm. Her skin prickled at the soft touch. Sa pangalawang pagkakataon ay halos mabali ang leeg ni Myka nang ubod ng bilis siyang lumingon kay Luke.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...