26.1 - Updated

10.5K 228 0
                                    

"DAMN it, why don't you stay down?" Myka muttered in a frustrated tone as she aimed her gun at the man who was trying to sit up. Binaril na nga ni Luke ang magkabilang binti nito at pati na ang kaliwang balikat nito pero nagpupumilit pa rin itong tumayo. Hayun tuloy at hindi nakapagpigil si Myka na balikan ito at tuluyan nang barilin sa dibdib para hindi na makabangon pa. Ang mas nakakainis pa doon ay kailangan niyang magpaputok ng dalawang beses para masigurong tatama sa dibdib nito ang bala. Pero ang pinakanakakainis sa lahat ay nagsayang siya ng dalawang bala. She really hated wasting bullets with stupid morons.

"Easy, hon," bulong ni Luke malapit sa tenga niya na agad nagparelax kay Myka.

"It's his fault. Pinapayagan na nga siyang mabuhay, matigas pa rin ang ulo niya. Gusto yata talaga niyang mamatay. So I granted him his wish."

Luke chuckled. "I realized just now how cruel you are."

Ngumisi si Myka. "You have no idea."

Ilang sandali pa ay nakarating sina Myka at Luke sa dulo ng isang masikip na hallway. Kung hindi lang trained ang mata ni Myka na maghanap ng mga sikretong pinto o sikretong pindutan ay baka hindi niya nakita ang maliit na button sa pader. Pinindot niya iyon at agad na bumukas ang pinto ng isang elevator.

Papasok na sana si Myka nang pigilan siya ni Luke. "It has a biometric system."

Tumaas ang kilay ni Myka pero hindi siya sumagot. Pinanood niya ang dahan-dahang paglalakad ni Luke palapit sa isa sa mga guwardiyang nakahiga sa sahig. Napansin niyang nilampasan ni Luke ang lalaking binaril niya sa dibdib. "Bakit hindi na lang siya?" tanong ni Myka habang tinuturo ang patay nang lalaki.

"Kailangang buhay siya para gumana ang elevator." Pagkasabi doon ay hinila ni Luke ang isa sa mga lalaking buhay pa pero wala nang malay. Pinanood ni Myka ang pagpasok ni Luke sa elevator habang hila ang lalaki. Mabilis na sumunod din siya sa pagpasok. Then Luke inserted one of the man's hand in some sort of a circular opening just beside the elevator buttons. "I think that's it," wika ni Luke saka nagpipindot sa mga buttons.

"Paano mo nalaman yan?" tanong ni Myka nang umaandar na ang elevator.

"Narinig ko."

"Saan? Kanino?"

"Kapag may ibang tao doon sa kuwartong kinalalagyan ko, pinipilit ko laging manatiling gising. Ipinipikit ko lang ang mata ko at hindi ako gumagalaw para hindi ako makaramdam ng sakit." Masuyo ang pagsasalita ni Luke. But Myka saw the haunted look in his eyes. "You have no idea how talkative those guards were. Lagi silang nagrereklamo tungkol sa elevator na ito."

"Bakit?"

"Dahil sa biometric system." Itinuro ni Luke ang butas kung saan nito ipinasok ang kamay ng lalaki kanina. "It detects pulse and blood pressure, I think. Kumukuha din ng blood sample ang machine at ikinokompara sa database. Kapag walang match, something terrible will happen."

"Something terrible? Like what?"

"Hindi ko alam at wala akong planong alamin," sagot ni Luke pero may itinuro ito sa isang sulok ng bubong ng elevator. Para iyong maliit na air vent. Myka thought that a poisonous gas could easily be released through it.

Hindi malaman ni Myka kung ano ang ikokomento. "That's just... ewan, can I say insane? I mean, sino ang makakaisip ng ganito kakomplikatong bagay para lang sa isang elevator? Pati ang STAID ay hindi ganito ka-paranoid," pero habang sinasabi yon ay agad ding naisip ni Myka ang sagot sa kanyang tanong. "Right, si Fred."

Tumahimik lang si Luke pero maya-maya din ay nagsalita ito. "He was always there, you know. Whenever they put me through those episodes. Naririnig ko ang boses ni Fred. He kept making me angry. Sa tingin ko ay yun talaga ang purpose niya. He wanted to break me, para madali niya akong mapapasunod sa kung ano ang gusto niya."

Parang gusto nanamang madurog ng puso ni Myka sa nakikitang ekspresyon ng mukha ni Luke. "Luke, what if..." Naalala niya ang ipinangako niya kay Stone. Pero sa oras na iyon ay parang mas nangingibabaw ang loyalty ni Myka kay Luke. It was like she suddenly wanted to confess everything to him. "Tungkol kay Adam. What if he's still alive?"

Hindi na nalaman pa ni Myka ang sagot ni Luke sa tanong niya. Bumukas na kasi ang pinto ng elevator at tumambad sa harap nila ang isang malawak na kalupaan na naiilawan ng napakaliwanag na lighting system. Para iyong isang airstrip pero wala naman siyang makitang kahit isang sasakyang panghimpapawid. She stepped outside. The ground was wet and muddy. Parang katatapos lang umulan. Naramdaman ni Myka na lumabas na rin si Luke at tumigil sa kanyang tabi. Then suddenly, the lights went out.

Myka felt a chill run down her spine. Mabilis na iniharang niya ang kaliwang kamay sa harap ni Luke para pabalikin ito sa elevator. Pero nanghihina pa rin pala siya at mabilis na napigilan ni Luke ang galaw niya. Damn! Sa dinami-dami ng pagkakataon kung kailan pwedeng mangyari ito, bakit ngayon pa?

"Stop doing unnecessary movements, Myka," bulong ni Luke sa tabi niya. "You need to preserve your strength."

"Sorry, reflex." Luke chuckled and then she heard him clear his throat.

"You do know that I love you, right?"

Nahigit ni Myka ang hininga sa narinig. Nanlalaki ang mga matang siya sa binata. How could Luke say that right now? And how dare him say it in the most casual way!

"I just want you to know before this goes any further."

Kahit na madilim ay nahanap parin ng mga mata ni Myka ang mga mata ni Luke. Noon niya nakita na kahit pa ganoon ang pagsasalita nito ay puno naman ng intensidad ang mga mata nito. Right then, Myka knew that there was nothing casual about the words that Luke just said.

"Touching," biglang wika ng isa pang baritonong tinig. Pagkatapos ay muling sumindi ang mga ilaw. Pero hindi na iyon kasing liwanag na tulad ng kanina. Namataan ni Myka si Fred na nakasandal sa hood ng isang jeepney-type na sasakyan sa di kalayuan. Sa gilid nito ay nakatayo naman si Ryder. And surrounding them were a bunch of men.

Myka would have called them goons, but the men didn't look like goons. They didn't even look like the fools that she and Luke easily discarded below. Yung mga lalaking kasama ni Fred ngayon ay mukhang mga hindi basta-bastang goons lang. There was an air of knowledge and experience around them. And Myka didn't like the uneasiness that she suddenly felt. Iisa lang ang pumasok sa isip niya. She would protect Luke or she would damn well die trying.

MABILIS na pinigilan ni Luke si Myka nang subukan nitong humakbang sa harap niya. It felt good to know that Myka seemed to be hell-bent on protecting him. Pero hanggang doon na lang ang kayang tanggapin ng pride niya. Luke will never let Myka risk her life for him that way. It was now his turn to protect his woman.

Isang hakbang lang at si Luke na ang nasa harap habang si Myka naman ay nasa likod niya. He kept his left hand behind him on Myka's waist to keep her there. "Luke?"

"Diyan ka lang, Myka."

"Really touching and sweet," muling wika ni Fred sa malakas na boses. "Ano? Tapos na ba kayo sa pag-uunahan sa pagprotekta sa isa't isa?"

Nararamdaman ni Luke na gusto nang gumalaw ni Myka mula sa likod niya. But he kept a firm grip on her and focused all his attention on the man in front of him. "Hello, Fred," Luke said in the coldest voice that he could muster.

"You know, you look so much like your father when you speak like that," komento ni Fred.

"Thanks, I'll take that as a compliment."

"Hindi iyon compliment." Fred's face suddenly became furious. Pagkatapos ay umalis ito sa kinasasandalan at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila ni Myka.

Naramdaman ni Luke ang paghawak ni Myka sa kanyang damit sa likuran. It was like she was clutching his shirt like it was a lifeline. "Luke."

"Shh, don't worry, hon. This will all be over very soon."

S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon