LUKE paused with confusion as Fred moved away from him. Hindi ito umatake at hindi din gumalaw. Fred just gave him a sinister look. And if Luke was a lesser man, he already probably cowered with fear because of that look. Pero bigla na lang itong tumawa at humiwalay ng tingin sa kanya. Nang sundan ni Luke ang tinitingnan ni Fred ay nahigit niya ang hininga. Overwhelming relief suddenly cursed through his body. Pero panandalian lang pala iyon. Dahil oras na bumuka ang bibig ni Fred at nagsalita ay napuno nanaman ng tensiyon ang buong pagkatao ni Luke.
"Damn, I've always hoped to have this reunion. Pero hindi ako umasa. At ngayong nangyayari na, all I can say is..." Fred's lips curled into a menacing smile. "It's so good to see you again, Adam."
"Adam?" Luke asked in a sharp tone. Gustong-gusto na niyang bumaling muli kay Stone pero ayaw niyang layuan ng tingin si Fred. "Did you just say Adam?" he demanded.
Pinanood ni Luke ang dahan-dahang pagbaling sa kanya ni Fred. "Oo."
"Patay na si Adam," mapanganib ang boses na pahayag ni Luke.
"Fred," narinig niyang singit ni Stone at mabilis na bumaling naman dito si Fred.
"Natutuwa ako at naaalala mo pa ako," ngumiti pa ng nakakaloko si Fred.
"Siyempre naman, mahirap kalimutan ang taong naging dahilan ng pagbabago ng buhay ko."
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Fred. "I'm glad to have that honor, Adam."
"Adam?" Luke demanded once again. Hindi niya nagustuhan ang pakiramdam na parang may alam ang mga ito na hindi niya alam at hindi siya makasunod sa usapan.
Bumaling si Fred kay Luke. And for some reason, Luke experienced a gut-wrenching feeling. Pakiramdam niya ay may masamang mangyayari kahit na alam niya na tapos na ang lahat. Nandito na si Stone. He brought the cavalry with him so everything should be fine now. Pero parang meron pa ring hindi tama.
"You look like you don't know shit about—" Fred suddenly stopped. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito at lalo pang sumama ang nararamdaman ni Luke. "Oh, you didn't know." Bumaling ito kay Stone at tumawa ng malakas. "He didn't know."
"Shut up, Fred," asik ni Stone.
"You know what, saka na natin ituloy ang reunion na ito. Naisip ko na mas magiging interesting ang susunod na pagkikita natin kapag nakapag-usap na kayong magkapatid."
"Ano'ng ibig niyang sabihin?" Sa pagkakataong iyon ay nagawa na ni Luke na ibaling ang paningin kay Stone.
"Wag kang makinig sa kanya, Luke."
"You know what, I've been drugged, mentally tortured, and beaten up. Ayokong magconclude ng basta-basta kaya itatanong ko na lang sa'yo," titig na titig na si Luke kay Stone habang sinasabi ang mga iyon. "May katotohanan ba ang ipinahihiwatig ni Fred?"
Nanatiling nakamasid si Stone kay Fred. "Alin sa mga ipinahihiwatig ni Fred ang tinutukoy mo?"
Narinig ni Luke ang pagtawa ni Fred. He suddenly felt like turning back to the older man and give him what he deserved. Pero may mas importanteng bagay na dapat niyang malaman. "Totoo ba, Stone, na ikaw si Adam?"
Hindi sumagot agad si Stone at nanatiling matigas ang anyo nito. Pagkatapos ng mahabang sandali ay dahan-dahan itong bumaling kay Luke. And he immediately saw the familiar eyes of his younger brother. Pero mabilis ding nagbago ang ekspresyon sa mga mata ni Stone. "I'm no longer that boy, Luke."
It wasn't a direct confirmation but still a confirmation. Parang biglang nanghina si Luke. Pakiramdam niya ay nawalan ng kakayahan ang kanyang mga binti na manatiling nakatayo. Marahil ay ganoon nga ang nangyari dahil natagpuan na lamang niya ang sarili na nakaluhod na sa lupa. All the while he was staring with disbelief at the man in front of him. Bigla ay nawalan na siya ng pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Kahit ang sakit sa balikat niya ay hindi na niya napapansin.
"All these time, Adam, you let us all believe..." hindi na alam ni Luke kung paano pa dudugtungan yon. So he just let that hanging.
"This is not the time or place for this, Luke," Stone said with finality. "I have to go after Fred."
Kung hindi pa sinabi iyon ni Stone ay hindi pa malalaman ni Luke na wala na pala si Fred sa paligid. And as much as he hated it, Luke understood that capturing Fred was the priority right now. Kaya tumango na lang siya. And everything else that happened after that became like a big blurry movie.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
AcciónMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...