AS MUCH as Myka wanted to pretend that everything was okay, she wasn't the type who would fool herself that way. Realistic siyang tao kaya realistic din ang mga expectations niya. She never deluded herself about happy endings. Masyado na siyang exposed sa reyalidad ng buhay para maniwala pa sa mga ganyang bagay. But being with Luke made her want to forget all about the ugliness and pain that she had ever experienced in life. Siguro nga ay may pag-asa pa ang mga tulad niya.
"Ano'ng iniisip mo?"
Nilingon ni Myka si Luke na nakasilip sa pinto ng kanyang kuwarto. "Wala naman."
"Can I come in?"
"Sure," sagot ni Myka saka nagpalinga-linga sa paligid upang maghanap ng pwesto kung saan pwedeng maupo si Luke. But every available surface in her room were full of papers and notes. Ang tanging bakante lang ay ang silyang inookupa niya. "Ahm, sorry, my room isn't fit for company."
Mukhang na-a-amuse na inilibot ni Luke ang paningin sa paligid. "I hate to ask, pero ganito din ba ang itsura ng kuwarto mo sa Manila?"
Kahit na nakikita ni Myka na nang-aasar lang si Luke ay hindi pa rin niya nagustuhan ang tanong nitong iyon. "No," pinanlakihan niya ito ng mga mata. "May kuwarto akong ginagamit bilang opisina sa apartment ko sa Manila."
"Ah, so how exactly do you sleep here? I mean, paano ka nakakatulog sa dami ng papel na nakapatong sa kama mo?"
"For your information, ngayon lang nagkaroon ng mga papel diyan." Kahit na hindi niya gusto ay lumabas pa rin na defensive ang tono ng pagsasalita niya. "Since I've been sleeping in your room, mas mabuti nang mapakinabangan naman ang—" Myka suddenly stopped. Noon lang niya na-realize kung ano ang sinabi niya. She could only hope that Luke didn't pay attention to what she said. Pero knowing Luke, siguradong aasa lang siya sa wala dahil walang nakakalampas dito.
"Good point," wika ni Luke na may satisfied na ngiti sa mga labi.
Oh how Myka would have loved to wipe that stupid grin from his face. Lalo pa siyang nangating hamunin ito na makipagsparring sa kanya nang kumindat ito. She would really enjoy kicking Luke's butt right now if only to remind herself that she wasn't completely helpless against him. Pero sino ba ang niloloko niya? Alam naman niyang wala siyang laban sa isang kindat lang ni Luke. Napasimangot siya sa naisip.
"Hey, may problema ba?" Sa isang iglap ay nakaluhod na si Luke sa tapat ni Myka.
"Maliban sa nagtatago tayo at may mga taong gustong pumatay sa'yo? Wala na."
Umangat ang isang sulok ng labi ni Luke. "You know, honey, you say the sweetest things."
Pinaikot ni Myka ang mga mata. Iyon lang ang kaya niyang gawin para hindi tuluyang mapangiti. "Whatever, bakit ka ba nandito? May kailangan ka ba?"
"Nah, gusto lang kitang makasama."
Myka scoffed. "Seriously? You're really using that line on me?"
Ngumisi si Luke at saka bigla na lang tumayo. Pagkatapos ay hinila din nito si Myka patayo. Ni hindi siya nakapalag nang agawin nito ang kanyang inuupuan at pumwesto doon na parang pag-aari nito ang silya. At dahil hindi niya inaasahan ang biglang paghila sa kanya ni Luke ay hindi din siya nakapalag nang kandungin siya nito. Dapat ay pumipiksi na siya ngayon at nagpipilit na tumayo pero hindi naman talaga niya gustong gawin yon kaya nanatili lang si Myka sa pagkakaupo.
"Relax, honey," wika ni Luke malapit sa tenga ni Myka. Noon lang napansin ni Myka na para pala siyang tuod na nakaupo doon. Her whole body was very stiff.
Napatingin si Myka sa mukha ni Luke. May maliit na ngiti sa mga labi nito. There was no judgment or anything in his eyes. Just plain acceptance and understanding. "Sorry, it's just... hindi ako komportable na—no, wait , that's not what I mean." Napayuko si Myka at nakitang nakapatong na pala sa dibdib ni Luke ang kaliwa niyang palad. Hindi naman niya natatandaang ipinatong niya iyon doon. Nang muli siyang tumingin sa mukha ni Luke ay tahimik na hinihintay lang siya nitong magpatuloy. So she mustered up all her courage to speak up. "You just surprised me, that's all. Hindi kasi ako sanay na..." her voice trailed off again. Napu-frustrate na isinandal na lamang ni Myka ang sarili sa matipunong dibdib ni Luke. It felt really nice and comfortable. "I'm sorry, I'm not good at this intimacy thing. I mean, I don't do this kind of shit. I've never been this way with another man before, so..."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...