"DAMN it, Jared! Wala na bang paraan para mahanap natin ang babaeng 'yun?" napapamurang hinampas ni Luke ang mesang kinapapatungan ng keyboard ni Jared.
"Pare, ingat naman, you don't wanna hurt my babies," sagot ni Jared habang inaalis ang pagkakapatong ng kamay ni Luke sa mesa.
Kasalukuyan silang naroon sa condo ni Jared. Doon dumiretso si Luke matapos magdisappearing act ang babaeng sinusundan niya kanina. "Hindi mo ba siya pwedeng i-track gamit ang... gamit ang... damn! I don't know, maybe you can hack into some sort of a system or network or whatever." Wala na talagang maisip na paraan si Luke.
"Pre, nasa Pinas tayo, wala tayong iha-hack na system o network. I mean, not the kind of network that would allow us to find her. Pero teka, bakit ba ganyan na lang ang pagmamadali mong mahanap ang babaeng yun at ma-confirm ang tungkol sa organisasyong yan?"
Nag-iwas ng tingin si Luke. "Muntik na akong mamatay kagabi. Siguro naman ay sapat na dahilan na yun." And then his phone started ringing. Basta na lang niya iyong inilabas at sinagot. "Hello?"
"Manila Film Center in thirty minutes," wika ng isang boses babae saka biglang naputol ang linya. Nagtatakang inilayo ni Luke ang cell phone sa tenga at tinitigan iyon. Hindi niya kilala ang number. Sinubukan niyang tawagan ang numerong rumehistro sa kanyang cell phone pero hindi na iyon macontact.
"Sino'ng tumawag?"
"I think it's her," hindi makapaniwalang sagot ni Luke.
"Her?"
Tumango si Luke. "Si Myka."
"THIS is a bad idea, Stone." Pang-ilang beses nang wika ni Myka habang naghihintay sila ni Stone sa loob ng kotse na ipinarada niya sa gilid ng ManilaFilmCenter. Walang masyadong sasakyang dumadaan doon. And it was just past noon so she was sure that not a lot of people would wander in the area. Pero para sigurado, nanatili pa ring alerto si Myka habang hinihintay nila si Luke.
Maya-maya pa ay may namataan na si Myka na kotseng medyo mabagal ang takbo. Nakilala niya si Luke na nakaupo sa driver's seat. Pero may kasama ito. "Stone," nilingon niya sa backseat si Stone. Tinulungan niya itong lumipat sa likod ng kotse kanina para mas maging komportable ito. "Sigurado ka ba talaga dito?"
"Yes."
That's the only thing Myka needed to hear. Naalala niya ang mga sinabi ni Gideon kanina. At kahit hindi nito sinabi ang mga iyon ay alam niyang mapagkakatiwalaan niya si Stone. So she took out a pair of sunglasses and put it against her eyes before driving toward Luke's car.
Nang mapatapat si Myka sa kotseng sinasakyan ni Luke ay ibinaba niya ang bintana. All STAID cars were heavily tinted so she was sure that Stone couldn't be seen in the back. Sumenyas si Myka na ibaba din ni Luke ang bintana nito. Hindi pa man iyon tuluyang naibababa ay nagsalita na siya. "Kailangan nating pumunta sa bahay ng mga magulang mo. We need to get there as fast as possible, kaya bilisan mo ang pagmamaneho."
"Teka-"
"No talking. Just drive." Akmang isasara na ni Myka ang bintana nang iharang ni Luke ang isang kamay.
"Wait-"
"I'll try to answer your questions when we get there." At dahil matamang nakatitig sa kanya ang magagandang mga mata ni Luke ay hindi niya napigilang idugtong, "I promise."
MYKA'S eyebrows furrowed when Luke's car turned toward a posh subdivision. "Stone, may problema tayo." Hindi sumagot si Stone kaya nagpatuloy lang si Myka. "We're about to enter a high class subdivision." Umungol lang si Stone bilang sagot. "Sa tingin ko ay hindi tayo basta-basta makakapasok sa front gate, Stone. Mukhang mahigpit ang security. They will search the car."
"Don't worry about it, Myka."
Myka saw on the mirror that Stone was trying to get up. "Stay down, Stone."
"Kailangan kong lumipat diyan sa harap." Kahit na may injury ay matigas pa rin ang pagsasalita ni Stone. Kaya naman hinayaan na ito ni Myka. At ilang sandali pa ay nakapwesto na si Stone sa tabi niya. Nilingon ni Myka ang backseat upang masigurong walang kaduda-dudang bagay na makikita doon ang mga guwardiya. Good thing all STAID cars were also equipped with jet black leather seats. Kung may dugo mang tumulo doon ay hindi na iyon mapapansin. But there was still the matter of Stone's appearance. Pero nang pasadahan ito ni Myka ng tingin ay naayos na nito ang sarili.
Saradong-sarado na ang itim na leather jacket ni Stone. Natatakpan na ang lahat ng traces na may injury ito. Nakasuot ito ng gloves na hindi pa rin nito hinuhubad mula pa kagabi kaya hindi makikita ang mga stain ng dugo doon. "Okay, now let's see how good that lawyer really is."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...