"Myka, what the hell?" paasik na tanong ni Luke nang dire-diretso siya sa pagmamaneho ng mabilis kahit na naging pula na ang traffic light na nasa harap nila. Mabuti na lang at walang ibang sasakyan sa intersection na iyon.
Sa gilid ng mga mata ni Myka ay nakita niyang sumilip din si Luke sa likod. Sinundan niya ang tingin nito at naningkit ang kanyang mga mata nang makitang lumalapit na ang sasakyang nasa likod nila. She blindly pushed the car to the highest gear and stepped on the accelerator. Shit! Parang hindi man lang nadadagdagan ang distansya sa pagitan ng kotse nila at ng kotseng nasa likod nila.
"Myka, give me a gun."
"Sa ilalim ng upuan mo."
Mabilis na nakuha naman ni Luke ang baril na itinatago niya sa ilalim ng passenger seat. Narinig pa ni Myka ang pagcheck ni Luke sa baril bago niya inilabas ang sariling baril. She had her gun on her left hand just in case she needed to shift gears.
"Do we have a plan?" maya-maya ay tanong ni Luke.
"Yeah, get the hell out of here."
"Maliban pa doon."
"Get this son of a bitch?"
"Hmm... I like that. But how are we going to do that?"
Mabilis na gumana ang utak ni Myka. In-assess niya ang kalsada at pati na ang mga sasakyang kasabay nila. Pero sa lahat ng taktikang pumasok sa isip niya ay wala siyang nagustuhan kahit isa sa mga iyon. "Damn it, it's too early to start shooting in public. Hindi tayo pwedeng mag-iwan ng bangkay sa kalsada at lalong hindi pwedeng magpasabog ng kotse sa kalagitnaan ng traffic. That would be too messy." And Myka didn't like messy. Makaka-attract lang iyon ng mga unwanted na atensiyon at madaming tao ang masasangkot.
Narinig niyang bahagyang natawa si Luke. "Kung ganoon ay ano ang gagawin natin?"
"Wala tayong choice kundi ang piliting makatakas nang tahimik." Damn, kahit na sinasabi iyon ni Myka ay alam niya na hindi iyon ganoon kadaling gawin. Masyado pang tirik ang araw. Kakaunti pa lang ang kasabay nila sa kalsada pero sigurado siya na sisikip na ang daan anumang oras. Malapit na kasi ang oras ng uwian ng mga pumapasok sa opisina at sa eskwelahan.
"Myka?"
"Sorry, just thinking."
"About?"
"How good are you at shooting?" balik-tanong ni Myka.
"I already told you before. Bago pa ako maghighschool ay marunong na akong humawak ng baril. That's what happens when your parents are just like mine."
Napaangat ang isang sulok ng mga labi ni Myka. "Damn, remind me not to do that to our kids."
"Our kids?" Myka didn't even realize what she said until Luke asked that.
"Sorry, slip of the tongue." At bago pa makapagkomento si Luke ay nagpatuloy na siya. "May taser gun sa glove compartment."
"Taser gun?"
"Just get it," wika ni Myka na mabilis namang ginawa ni Luke. "Aatras ako mamaya pagdating sa susunod na intersection. Kapag nakatapat na natin ang kotse ay barilin mo ang driver gamit ang taser."
"Sigurado ka?" may halong pagdududang tanong ni Luke.
"Yeah, we just need a distraction." Iyon lang at ibinalik na ni Myka ang hawak na baril sa kanyang boots at nagconcentrate sa pagmamaneho. She knew she was gripping the steering wheel so tight. She could even feel her knuckles protesting. Pero hindi niya iyon pinansin at lalo pang binilisan ang pagmamaneho hanggang sa marating nila ang intersection. "Ready?"
"Ready as I'll ever be," sagot ni Luke na ibinaba na ang bintana sa tabi nito.
Nang eksaktong nasa gitna na sila ng intersection ay biglang lumipat ng lane si Myka at tumigil sa mismong harap ng kotse na naghihintay na makaliko. Pagkatapos ay mabilis na nagshift siya ng gear at nagmaneho paatras. Ang nangyari tuloy ay nakasabay na sila sa kabilang flow ng traffic. Yun nga lang ay patalikod.
Luke didn't waste time feeling surprised. Kahit na nakatutok ang mga mata ni Myka sa likuran habang nagmamaneho ng paatras ay nakita pa rin niya nang barilin nito ng taser ang driver ng kotseng humahabol sa kanila. The window was partially open and she couldn't see inside. But she really hoped that Luke got the man.
They didn't stay around to find out. Nang makalampas sila sa kotseng humahabol sa kanila ay mabilis na iniliko ni Myka ang kotse sa unang kantong nadaanan. She knew she couldn't relax and let her guard down but she really needed to make sure that Luke was okay. Kaya naman palingon-lingon siya dito habang nagmamaneho.
Habang ginagawa iyon ay pinagagalitan ni Myka ang sarili sa isip. Hindi dapat si Luke ang tinitignan niya kundi ang kalsada at ang mga sasakyan sa paligid nila. Paano kung may iba pang nakasunod sa kanila? Stupid! Stupid! Stupid! She chanted in her head. Gusto na niyang iuntog ang ulo sa manibela. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh. Her judgment was clouded. Her emotions were all over the place. And it could definitely get them killed.
"Myka-"
"Please, Luke, 'wag na muna tayong mag-usap. I can't think straight. I need to keep my mind clear right now." And just because Myka couldn't help herself, she removed her right hand from gripping the steering wheel and reached out for Luke. Mabilis na hinawakan naman ni Luke ang kamay niya at pinisil iyon. Pagkatapos ay naramdaman niyang hinalikan nito ang kanyang palad. Iyon na ang huling naaalala ni Myka bago siya nakarinig ng malakas na tunog ng bakal na tumatama sa isa pang bakal. The loud crash was followed immediately by the sound of glass breaking. And suddenly Myka's world turned upside down. Pagkatapos niyon ay nabalot na ng kadiliman ang kanyang kamalayan.
************************
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...