Chapter 2

23.9K 466 4
                                    

"WHERE the hell is the target?" dumadagundong ang boses ni Stone nang pumasok ito sa briefing room. Matigas ang anyo nito at halatang galit.

But Myka would not be intimidated. Tumayo siya at hinarap si Stone. "Gone."

"What do you mean 'gone'?"

"I left him for a minute to hunt down—"

"That was supposed to be my job. Ang kailangan mo lang gawin ay dikitan ang target upang masigurong walang mangyayari sa kanya."

Napansin ni Myka ang emosyong tila pilit na nilalabanan ni Stone. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon nito. "I wasn't going to stay there and wait," matatag na sagot niya. Babae nga siya pero kapantay lang niya ang mga lalaking agents pagdating sa kakayahan sa field.

"I gave you orders."

Myka flinched at that. Ayaw na ayaw pa naman niyang kinukwestiyon siya tungkol sa pagsunod sa mga utos. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya nagtagal sa pagiging pulis. Ayaw na ayaw niya iyong inuutusan siya ng mga bagay na hindi naman importante. Dahil lang babae siya ay iniisip nila na dapat ay sa kanya ibigay ang mga pambabaeng trabaho. Tulad na lang ng pagbabantay sa target. "My direct orders were to assist you and not to guard some man."

"That's enough," putol ng matandang lalaking bagong pasok lang doon sa briefing room. Si Gideon Samonte iyon—ang big boss ng STAID.

Myka immediately stood straighter. "Sir," tumango siya at saka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya. Some habits were definitely hard to break. Kulang na lang ay sumaludo siya.

"Sit down, agents. Mahaba-habang usapan ito," magaan ang boses na wika ni Gideon. Pero alam ni Myka kung gaano ito kagaling sa pagpapanggap. That skill made Gideon dangerous and deadly. He could easily pretend to be your best friend, whom you can share all your deepest and darkest secrets. Ni hindi nito kailangang gumamit ng dahas para makuha ang mga impormasyong kailangan nito.

Tahimik na naupo si Myka. Sa tabi niya ay naupo din si Stone. And immediately, she was calculating the best escape plan from the room. Hindi naman sa iniisip niyang kakailanganin niyang tumakas mula doon. Naging habit na lang talaga niya na gawin iyon kahit na nasaan pa siya.

"Bago ako magtanong, gusto ko munang marinig ang mga statements ninyo tungkol sa nangyari kagabi."

Hindi nagsalita si Myka. Hahayaan na lamang niyang si Stone ang mauna. Tutal ay ito naman talaga ang involved sa nangyari kagabi. She was just a backup. Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa ring maririnig mula kay Stone.

"Well? Wala bang gustong magsalita sa inyong dalawa?" humalukipkip si Gideon at saka pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Stone.

"She doesn't have clearance for this."

Napasinghap si Myka. "What?"

"Hindi ako magsasalita habang nandito sa kuwarto si Agent Maya."

Hindi makapaniwalang bumaling si Myka kay Stone at saka pinakatitigan ito. Stone was looking straight ahead. Walang emosyon sa guwapong mukha nito. She had always admired the man. Stone was one of those annoyingly pretty boys who could easily charm anyone with a skirt without even doing anything. Idagdag pa na magaling talaga itong agent. But he had always been so mysterious. Wala silang alam na kahit ano tungkol sa nakaraan nito. Ang tanging alam lang nila ay ni-recruit ito ni Gideon pagkagraduate nito sa high school.

"And I want all the recording devices in this room to be turned off."

Muling bumaling si Myka kay Gideon upang tingnan ang reaksiyon nito. But the old man just looked so cool. Tanging ang bahagyang paggalaw ng isang kilay nito ang tanda na nagulat ito sa demand ni Stone. Then after a moment, he nodded. Mukhang totoo nga ang mga usap-usapan na malakas ang kapit ni Stone sa big boss nila.

S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon