"Ten years ago, kinidnap ang kapatid kong si Adam. Wala ako nang mangyari yon. Wala din sila mama at papa." Sumulyap uli si Luke sa direksiyon nina Striker at Tita Rose. "Ang naiwan lang dito ay si Adam at ang bunso naming si Raelyn."
"Luke—"
"It's okay, Ma," pagkatapos ay tipid na ngumiti si Luke. Si Myka ay nanatiling nagmamasid. Hindi pa rin niya nakukuha kung ano ang koneksiyon niyon sa STAID. "I was supposed to be here that night."
"Here?"
Tumango si Luke sa tanong ni Myka. "My brother was taken from this house and I wasn't here when it happened. Tumakas kasi ako dahil victory party ng basketball team namin nang gabing iyon. Ako ang captain ng team tapos graduating na ako sa college, pero ni minsan ay hindi ako naka-attend ng victory party." Walang halong galit o pait ang tinig ni Luke. There was just pure sadness in there—sadness and regret. "So I said, srcrew my parents, no offense, Ma, Pa." Tumingin ito sa mga magulang na parehong nagkibit lang ng mga balikat. "Anyway, tumakas ako at iniwan ko ang dalawa kong nakababatang kapatid dito sa bahay. Hindi ko naisip na pwede palang may mangyaring masama sa kanila."
"Ilang taon ka nang mangyari ito?"
"Twenty-one."
Napatango si Myka. "Kahit pa nandito ka noon, hindi mo pa rin mapipigilan ang mga kidnapers. I'm sure they had weapons. Wala kang laban sa kanila."
Umiling si Luke. "I could have at least tried. Seventeen years old lang si Adam noon." Naroon nanaman ang pagsisisi sa boses ni Luke. "At si Raelyn naman ay thirteen lang. Mabuti na lang at nakapagtago siya. But she had a hard time dealing with what happened. Lumala pa iyon nang hindi naging successful ang pagrescue kay Adam. He died. Pero sigurado akong hindi lang si Adam ang namatay noon. I'm pretty sure a part of all of us died that day."
Nang tapunan ng tingin ni Myka sina Striker at Starlight ay hindi niya nakita ang pagiging STAID agents ng mga ito. Ang tanging nakita niya ay sina Abel at Rose na nawalan ng anak. Pero hindi pa rin talaga makuha ni Myka kung ano ang kinalaman ng kwentong ito sa kasalukuyan. "So ano'ng kinalaman nito sa STAID?" untag ni Myka kay Luke. Pero wala na sa kanya ang atensiyon ng binata.
Nakatingin na si Luke sa mag-asawang Abel at Rose. "Pagkatapos ng libing ni Adam ay narinig ko kayong nag-aaway dito mismo sa library. Iyon ang unang beses na narinig ko kayong mag-away, Pa, Ma. The only reason I heard you was because you broke a vase. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba, but so what if I eavesdropped a little? Nag-alala ako nang marinig kong may nabasag. At noon ko nalaman ang tungkol sa STAID." His parents remained quiet as Luke continued. "Narinig ko kayo. Humingi kayo ng tulong sa STAID para bawiin si Adam. Tapos ikaw, Ma, sinisisi mo si Papa dahil pumayag siyang wag kayong sumama sa rescue operation. Si Papa naman ay nagagalit dahil hindi nagtagumpay ang STAID sa pagbawi kay Adam."
"That can't be true," singit ni Myka na siyang dahilan para bumaling sa kanya si Luke.
"Alin doon ang hindi pwedeng maging totoo?"
"Yung parte kung saan hindi nagtagumpay ang STAID," puno ng kumpiyansang sagot ni Myka. "Alam mo nang isa akong STAID agent, so there's no point in denying. And I'm telling you, as a STAID agent, hindi acceptable sa amin ang hindi magtagumpay. Our missions don't always go the way we planned. Pero marunong kaming mag-improvise. Hell, we were trained to improvise. And we're good at it. Kaya kahit na ano pa ang mangyari, we always make sure that we finish the mission. Failing was not an option."
"I know." Hindi inaasahan ni Myka ang sagot na iyon ni Luke. "That's when I started asking more questions about STAID. And the more I learn about STAID, the more I'm convinced that something else happened during that rescue operation. Nagkaroon din ng panahon na naniwala akong buhay pa si Adam. And honestly, a part of me still wishes that he was alive. Pero masyadong matagal na panahon na ang lumipas. And right now, I just want to know what happened to him. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman. Hindi ito dahil nagi-guilty ako. I'm way past that already. At this point, I just want to know. And it took me ten years to finally come this close to finding out what really happened to my baby brother. Ten long years, Myka. Sampung taon ko itong pinagplanuhan at pinaghandaan. I'm not gonna back down even if I put my life on the line."
"Sa tingin mo ay may koneksiyon ang pag-iimbestiga mo sa STAID at sa tangkang pagpatay sa'yo?" tanong ni Myka.
"Yes, I'm sure of it. Wala na akong ibang maisip na dahilan," Luke answered with an intense voice and an intense look.
And for the first time since she became a STAID agent, Myka willingly let her emotions show. Sa harap ni Luke ay hinubad niya ang maskarang laging nakatakip sa kanyang buong pagkatao. Iyon lang kasi ang kaya niyang gawin. Kahit pa gustuhin niya itong i-comfort ay hindi niya alam kung paano. The only thing that she knew was that Luke deserved a little bit of sympathy and a lot of respect. Hell, she admired the man for the kind of dedication that he was demonstrating.
"That's enough, Luke," maawtoridad na singit ng papa ni Luke. "Myka, lumabas ka muna. Ikaw din, Jared. Kailangan naming kausapin si Luke."
Awtomatikong bumalik ang pagiging poker faced ni Myka. Naiintindihan niya ang kagustuhang iyon ni Striker. This was a family matter after all. Kaya tumango si Myka at naglakad palabas. Pinauna niya si Jared bago hinila pasara ang pinto. Pero bago pa iyon maisara ni Myka ay tinapunan muna niya ng tingin si Luke. Nakatingin pala ito sa kanya kaya naghinang ang kanilang mga mata. Myka gave him an understanding smile. Naiintindihan na niya ngayon si Luke. Wala naman itong masamang binabalak. He's just a guy who wanted closure. But closure was a real bitch. Masyado itong hard to get.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...