18.1

12.2K 269 0
                                    


NANGHIHINANG sumandal si Myka sa kitchen counter na nasa tabi niya. She wanted to scream with frustration. She was losing track of who she was and what she needed to do. Halos hindi na siya makatulog sa kakaisip kung paano ibabalik sa dati ang kanyang legendary focus. Teka, anong legendary focus ang pinagsasabi niya? Matagal nang nai-flush iyon sa toilet.

Wala sa sariling naikuyom ni Myka ang mga kamay. Pagkatapos ay tumutok ang kanyang mga mata sa pader na nasa kaliwa niya. May munting tinig sa isip niya na nagtutulak sa kanyang suntukin iyon. Sa katunayan ay ine-entertain na ng isip niya na gamitin ang matigas na pader na iyon bilang punching bag. Shit, either she was becoming psychotic or suicidal.

Napatingin si Myka sa direksiyon patungo sa kuwartong inookupa ni Luke. Awtomatikong nakaramdam siya ng pinong kurot sa kanyang puso. Sumuko ka na kasi, Myka. Kausapin mo na si Luke, bulong ng munting tinig sa kanyang isip. Pero ayaw makinig ni Myka. Umiling-iling pa siya. Iyon kasi mismo ang iniiwasan niya, ang makausap si Luke. She couldn't think straight when he's around. You couldn't think straight when he is not around either.

Ah damn! Tama naman ang munting tinig na iyon. Nasa paligid man si Luke o wala, hindi parin siya makapag-isip. Napatingin nanaman siya sa pader. Gustong-gusto na talaga niyang suntukin iyon.

Damn if you do. Damn if you don't. So what's it gonna be, Myka?

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Myka na sagutin ang tanong na iyon. Her legs moved of their own accord. Hanggang sa matagpuan na lang niya ang sariling nakatayo sa tapat ng kuwartong inookupa ni Luke. Itinaas niya ang kamay upang kumatok pero bago pa tuluyang lumapat doon ang kamay niya ay bumukas na ang pinto. Hindi na nagtaka si Myka. Sa halos isang buwan na magkasama sila ni Luke sa bahay na iyon, madali na para sa kanila na malaman o maramdaman ang presensiya ng bawat isa.

"What is it this time?" iritadong tanong ni Luke.

Kung hindi lang matibay ang loob ni Myka ay baka umatras na siya o kaya ay nagtatakbo palayo kay Luke. He looked scary like that. Ganyan siguro ito kapag nasa korte. But still, the dark look on his face didn't lessen his effect on her. Even in his most intimidating and dangerous form, Luke still took Myka's breath away.

"I... Luke-" Myka stammered. Damn it, she stammered!

"Nagpunta ka ba dito para magsorry?" sarkastikong tanong ni Luke.

Tinamaan agad ang pride ni Myka. She immediately stood straighter. "Of course not."

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Luke. "I thought so."

"Bakit ako magso-sorry? I don't have anything to be sorry about."

"Then why are you here?"

Awtomatiko ang pagkunot ng mga noo ni Myka. She wasn't really sure she knew the answer to that question. Hindi naman talaga niya pinag-isipan ang pagpunta sa kuwarto ni Luke. Basta na lang niyang natagpuan ang sariling nakatayo na sa labas ng pinto. And damn that roguish half-smile that Luke plastered on his equally roguish face. It just robbed her of the capacity to think. Ito na nga ba ang sinasabi niya eh.

"Myka?" Nag-iba na ang tono ng boses ni Luke. Hindi na iyon sarkastiko. Hindi na din galit. He just sounded wary. Siguro ay dahil napatagal ang pagtahimik niya. "Bakit ka nandito?" Pati ang ekspresyon ng mukha nito ay napalitan na din. Suddenly, Luke seemed more serious.

"I-" Myka shifted on her other foot. Sa labas ay mukhang cool na cool lang siya pero deep inside ay gusto na niyang iuntog ang ulo sa pader. Her mind was completely blank and her body was again moving on its own. Kung hindi lang dahil sa tila naguguluhang ekspresyon sa mukha ni Luke ay hindi pa niya mapapansin na napakalapit na niya sa binata. Kaunti na lang ay magkakadikit na ang kanilang mga katawan. Tuluyan nang natauhan si Myka nang tumikhim si Luke. "We should talk." She tried very hard to make her voice sound cold and indifferent. Pero kabaliktaran niyon ang kinalabasan.

Hindi agad sumagot si Luke. He just looked straight into Myka's eyes, and it looked like his eyes darkened more. Pagkatapos ay bahagyang yumuko si Luke para magkatapat ang kanilang mga mukha. "Tungkol saan?" pabulong na tanong ni Luke.

Napalunok si Myka nang maramdamang umaabot sa kanyang mukha ang hininga nito. She felt the erratic beating of her heart. Kung hindi siya nagkakamali ay parang namamawis din ang mga palad niya. Pati ang paghinga niya ay hindi na relaxed. She felt like she just ran a full marathon. That's when Myka realized that she was nervous. Nagulat siya dahil masyado matagal na siyang hindi nakakaramdam ng ganitong klaseng kaba. Ang akala niya ay nalimutan na niya kung paano makaramdam ng kaba. Habang tumatagal na nagtatrabaho siya sa STAID ay parang robot na ang tingin niya sa sarili. She didn't easily feel pain. She didn't sweat. And she normally didn't get nervous. But she was nervous now. Ni walang baril o patalim na nakatutok sa kanya pero kinakabahan siya. And all it took was to be within a breathing distance from the formidable man in front of her.

"Myka?" nagtatanong ang mga matang tawag ni Luke. Then Myka felt the feather-light touch of Luke's fingers on her chin.

Myka stood stone still as Luke's fingers traced the corners of her jaw. Ang mga mata nito ay nakasunod sa ginagawa ng mga daliri. Myka could only watch him as he gaze down on her with so much tenderness. Wala sa sariling sumunod siya nang iangat ni Luke ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang baba. Nang pisilin ni Luke ang kanyang baba ay saka niya nasiguro kung ano ang nais nitong gawin. Luke wanted to kiss her! Wait, no, that wasn't quite right. Sa paraan ng pagtitig ni Luke sa kanyang mga labi, sigurado siyang hindi lang nito gustong halikan siya. He was actually going to do it. And Myka felt thrilled at the thought.

Pakiramdam ni Myka ay dekada ang lumipas bago unti-unting bumaba ang mukha ni Luke palapit sa mukha niya. And just when Luke could easily claim her lips, he stopped. "I want to kiss you." Luke's voice was gruff and husky.

Hindi nagsalita si Myka. Hindi naman niya alam ang sasabihin pagkatapos ng statement na iyon ni Luke. Especially when she saw the pain, confusion, and uncertainty lurking in his eyes. He looked exactly like a man with a tortured past. And damn it, Myka just realized how sexy the combination of a tortured-sounding voice and tortured-looking eyes was. Kaya bago pa siya nakapag-isip ay basta na lang niyang itinaas ang dalawang kamay. Ang kaliwa ay dumiretso sa batok ni Luke at ang kanan naman ay sa ulo nito. Luke's hair had grown longer so Myka's fingers easily threaded through it. Pagkatapos ay siya na ang tumawid sa maiksing distansya sa pagitan ng kanilang mga labi.


S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon