29

11.5K 195 1
                                    


"SHIT! Shit! Shit!" Myka chanted as she raced through the dead of night in a borrowed motorcycle. Ayaw niya kasing gamitin ang salitang "nakaw" kaya "hiram" na lang. But that's the least of her concerns for now. Ang importante ay makarating siya on time. Kahit na nasa bakasyon siya ay minomonitor pa rin niya ang nangyayari sa syudad, more specifically ang mga nangyayari kay Luke. Nang mabalitaan niya na may tangka nanaman sa buhay nito ay mabilis na naghanda at umalis siya sa cottage na tinutuluyan niya sa isang beach sa Batangas.

"Fairview should be renamed as Farview," Myka muttered under her breath. Bakit ba kasi napakalayo ng Fairview? Hindi niya inaasahan na ganoon katagal bago siya makakarating doon. She prayed that she wasn't too late. Kahit pa alam naman niyang hindi pababayaan ni Stone si Luke, gusto pa rin niyang makasiguro.

Binagalan ni Myka ang pagpapatakbo sa motorsiklo nang makita ang nakatigil na mga sasakyan sa di kalayuan. Tuluyan na siyang tumigil sa gilid ng kalsada at inilabas ang night vision scope upang i-scan ang paligid. Napamura si Myka dahil hindi niya nagustuhan ang nakita. Ang lugar na iyon ay perfect na lugar para gumawa ng mga hindi kanais-nais na bagay. It was one of those places that was perfect for dumping dead bodies. Matataas ang mga damo. Walang malapit na mga gusali o bahay. It would probably take weeks or months before someone could find the body here. Maliban doon ay masyado ding tahimik ang lugar.

Myka really had a different feeling about this. Kaya dahan-dahang bumaba siya sa motorsiklo saka hinila iyon para itago sa likod ng mataas na damo. She positioned the motorcycle so that it would be accessible in case of immediate evacuation. Then Myka slowly approached the vehicles. Isang itim na van, isang itim na kotse, at dalawang motorsiklo ang naroon. Dinama niya ang mga makina ng bawat sasakyan. They were all cold except for one of the motorcycles. Ibig sabihin ay kanina pa nakaparada doon ang mga sasakyan maliban sa motorsiklong mainit pa ang makina. Then before Myka could move, she heard a ring. Nanggagaling iyon sa isang cell phone na nasa bubong ng kotse. Nagpalingon-lingon muna si Myka sa paligid bago kinuha ang cell phone at sinagot.

"Hello?"

"Myka, ikaw ba yan?"

Myka'sbody almost shook with relief. "Luke," she breathed his name. "Nasaan ka? Okay ka lang ba?" Pero wala na siyang narinig na sagot dahil naputol na ang linya. Mulingsinalakay ng takot at kaba si Myka. Binitiwan niya ang cell phone at inilabasang kanyang baril. But before she could move, she was blinded by a really, really bright light.


*





S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon