THAT was probably the best pasta that Myka had ever eaten in her entire life.
"Gusto mo pa?" nakangiting tanong ni Luke mula sa kanyang tabi.
Naroon na sila ngayon sa dining room. Katatapos lang ubusin ni Myka ang pangatlong serving ng pasta. Yes, that's how good it was. At kung hindi lang siguro siya busog ay baka kumain pa siya. But she was so full already. Kaya umiling si Myka at itinulak palayo ang kanyang plato.
"Nabusog ka ba?" Luke sounded and looked so pleased with himself.
Tumango si Myka. "Masarap."
Nangalumbaba si Luke sa tabi ni Myka at pinakatitigan siya. Suddenly, Myka felt shy. Ni hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Luke. Damn it, she was being soft and girly. And it scared her big time. Pero hindi na siya magpapadala sa takot na iyon ngayon. Nakakapagod na kasi. Kaya naman pinilit niya ang sariling dahan-dahan na bumaling sa binata.
"Yun lang ba ang masasabi mo?" Luke gave Myka a wounded look. "Tanggap ko nang mas magaling ka sa akin sa kahit na anong klase ng pakikipaglaban. But damn! Even my best effort and asset couldn't impress you at least?"
"Anong best effort at asset?" Nahawa na din si Myka sa mood ni Luke. Itinukod din niya ang isang siko sa mesa at hinarap ang binata.
"Yan," itinuro ni Luke ang mga pinagkainan nila. "Yung secret weapon ko."
"Yung pasta?" Myka gave Luke a reassuring smile. "Alright, it was kind of impressive."
"Kind of?" Sumimangot si Luke.
Pinaikot naman ni Myka ang mga mata. "Fine, it was really impressive. Ngayon lang ako nakakain ng homemade pasta." Then she smiled at Luke more sweetly. "Thank you."
Bigla namang umayos ng upo si Luke saka naging mapanukso ang ngiti. "I don't accept the verbal kind of thank you." Pinagtaasan ito ng kilay ni Myka. "Okay, I do accept a simple thank you sometimes. Pero hindi ngayon. You know, you can thank me some other way."
Kahit pa humalukipkip si Myka at tiningnan ng masama si Luke ay na-e-excite naman ang pakiramdam niya. She had a really good idea what he meant. Pero hindi ibig sabihin niyon na bibigay agad siya. "You're such a guy."
"I'm glad you noticed," nakangising sagot ni Luke. Pagkatapos ay walang kahirap-hirap na binuhat nito si Myka mula sa kinauupuan.
"What the—Luke! Ibaba mo nga ako." Pero sa pandinig ni Myka ay parang masyado namang mahina at malambing ang pagproprotesta niya. Pati nga ang mga kamay niya ay agad na kumapit sa balikat ni Luke.
"Mamaya na kapag nakapagpasalamat ka na ng maayos."
Then Myka landed snugly on Luke's lap. Hindi fan si Myka ng pag-upo sa kandungan ng kung sinumang lalaki. Para sa kanya ay hindi komportable iyon. But then, when she came up with those opinions about sitting on a man's lap, she hadn't met Luke yet. At ngayon nga ay parang gusto na niyang magbago ng pananaw tungkol sa pag-upo sa kandungan ng mga lalaki. Well, just one man's lap in particular.
In the next second, Myka forgot all about sitting on anyone's lap completely. Hinalikan na kasi siya ni Luke. It was the same possessive and drugging kiss. And all Myka could do was kiss him back and moan in approval. Pero humiwalay din agad sa kanya si Luke. "I better take care of the dishes first."
"What?" tanong ni Myka sa nanlalabo pang isip. Did Luke really just mention the word dishes right after kissing her? Parang gusto niya itong batukan dahil doon. That was like a mortal sin. Ang paghuhugas ng pinagkainan ang pinakaayaw ni Myka na trabaho sa kusina. Mas gugustuhin pa niyang itapon ang mga iyon at bumili ng bago. Actually, nagawa na niya iyon minsan. One night after a mission, she was too tired to wash the dishes so she just threw them all away.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...