Simula

2.7K 37 1
                                    

"Good evening po Kuya Baste" bati ko sa nakatayong guard sa five star hotel na pinapasukan ko.

"Blooming tayo Vanya ah" puri nito sa akin

"Maliit na bagay Kuya Baste" pagsakay ko sa binigay niyang komento.

Dumiretso ako sa locker room ko para makapagpalit ng uniform bago tumungo sa pwesto ko.

"Vanya, parelyebo muna. Nagloloko kasi tong tyan ko" sabi ni Megan na tila hinang hina. Mamaya pa sana ang pasok ko sadyang maaga lang akong pumupunta kasi minsan ma traffic.

"Sige ayos lang. Pahinga ka na muna" tinapik ko ang balikat niya at nakangiting pumasok sa restaurant.

Waitress ako sa isang five star hotel. Puro malalaking tao ang nakakasalamuha ko dito. Yung iba artista, madalas puro businessman, foreigners, saka halatang mga aristocrata.

"Oh thank god dumating na rin ang best employee ko" nilapitan agad ako ng manager namin at hinila ako sa isang gilid kasama ang ilang mga katrabaho ko.

"This is a last minute reservation pero hindi tayo pwedeng pumalpak. We will reserve the conference room dahil gagamitin yan ng mga business tycoon later. We need to be in our best shapes tonight. Naiintindihan niyo ba?" pag oorient sa amin ng aming manager.

Sabay sabay naman kaming tumango ng mga kasamahan ko bago kami nagsimulang ayusin ang loob ng conference room. Lahat kami ay natataranta dahil last minute na sila nagpa reserve.

"Wala pa man pagod na agad ako" reklamo ni Michelle.

"Di ka pa nasanay lagi naman tayong ganito" sabi ko sa kanya at sinuklay ang buhok ko bago nag retouch ng make up.

"Sabagay, sino sino na naman kaya ang makikita natin. Sana naman may gwapo para mawala ang pagod ko" kinikilig na sabi nito.

"Ikaw talaga palaging hanap ang gwapo. Hayaan mo darating din ang para sayo"

"Magdilang anghel ka sana" sabi nito.

Sabay kaming lumabas ni Michelle mula sa restroom at nakisama na rin sa iba naming ka trabaho na ngayon ay nakapila na dahil ilang segundo na lang ay darating na ang mga guest namin.

Hindi nga ako nagkamali wala pa sa sampung segundo ay isa isa na silang nagsipagpasok. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Michelle. Tinignan ko siya at halos tenga ang ngiti niya.

"May dilang anghel ka talaga. Walang tapon lahat yummy" kinikilig na sabi nito habang iniisa isa ang mga pumapasok. Napailing na lang ako sa kanya at nginitian ang mga guest namin.

Nang makapasok na ang mga ito ay nagsimula na kaming mag serve sa kanila. May kanya kanya kaming mga tao na pagsisilbihan para naman lahat ay nabibigyan ng atensyon.

Busy ako sa paglalagay ng tea sa tasa nang marinig kong may muling pumasok. Narinig ko ring binati ito ng mga kasamahan ko. Napansin ko rin na nagtayuan ang ilang nasa loob para kamayan ang bagong dating.

Nasa huling tasa na ako nang maramdaman ko ang pagdaan ng isang tao sa likuran ko. Hindi ko alam kung bakit biglang pumintig ang puso ko nang sobrang lakas sa presensya ng lalaking dumaan sa akin.

Unti unti akong nag angat ng tingin at nakita ang likuran ng lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pigura nito.

He can't be......

Kahit nakatalikod nito ay mababanaag mo pa rin ang kakisigan niya. Amoy mo rin ang mamahaling pabangong suot nito ngayon.

Naestatwa ako sa pagkakatayo ko habang hindi maalis ang tingin sa lalaking nakatalikod sa akin ngayon.

"Vanya" tawag sa akin ng manager namin. Napansin kong natigilan ang lalaki sa pagkakarinig ng pangalan ko at kahit nakikipag usap ay hindi iyon naging hadlang para lingunin ako.

"Sh*t" mahina kong mura. Napaatras ako ng isang hakbang nang tuluyang makilala ang binatang nakatayo ngayon sa aking harapan. Bakas sa kanyang mga mata ang pagkagulat pero saglit lamang iyon dahil napalitan agad ng galit ang mga ito.

Mabilis akong tumalikod at nilagpasan ang mga kasama ko. Inilapag ko ang hawak na teapot at tumakbo palabas ng conference room. Dumiretso ako sa locker room at kinuha ang lahat ng gamit ko. Hindi ko na inisip pang magpalit ng uniform. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na to ngayon.

Sa likuran ako ng hotel lumabas. Walang masyadong tao ngayon lalo na at gabi. Nagmamadali akong maglakad dahil ayokong magkita pa kami.

He's alive. Thank God. He's alive.

Napangiti ako sa aking naisip. Limang taon kong pinagdadasal na sana ay ayos lang siya. Sana ay buhay siya at masaya.
Walang araw na hindi siya nawaglit sa isipan ko.

Napailing ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa saya o sa pagkabigla sa mga nangyari.

Napatili ako nang biglang may humawak sa braso ko at marahas akong iharap sa kanya. Isang pares na galit na mga mata ang sumalubong sa akin.

"You really think you can run away from me this time" inis na sabi nito.

"Bitawan mo ko" nanginig ang tuhod ko nang maramdaman ang init ng palad niyang nasa mga braso ko.

"After what you did to me? After what your family did to my family Vanya?" galit na sabi nito.

"Wala akong alam sa sinasabi mo" tinulak ko siya nang buong lakas pero hindi siya nagpatinag.

"You pointed a gun at me. You shoot me that night!!!! You almost killed me that night Vanya" sigaw niya sa akin dahilan para makaramdam ako ng takot pero hindi ako nagpahalata sa kanya.

"Let me go Primo" nagpumiglas ako sa kanya kahit na mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin.

"And after almost killing me that night, anong ginawa mo sa anak natin ha? You killed him also right?" natigilan ako sa sinabi niya.

"W-what do you mean?" naiiyak kong tanong dito

"Don't play that innocent girl card to me Vanya! I know now your true color. Your family killed my mother! You almost killed me and you killed my child!" puno ng galit ang mga mata niya at nakita ko kung paanong tumulo ang kanyang mga luha sa pagbanggit sa anak naming nawala.

"YOU. ARE. A. MURDERER." may diin niyang pagkakasambit. Namuo ang galit sa aking dibdib matapos niyang bitawan ang mga salita.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya dahilan para mabitawan niya ako. Nakipagsabayan akong makipagtitigan sa kanya ng matatalim.

"I am not my family" napalunok ako nang marinig ko ang panginginig ng boses ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo.

"Think all the bad words to describe me I won't stop you. You have the right to curse me, to be mad at me, to hurt me cause yes, I shoot you that night" nag iwas ako ng tingin sa kanya matapos kong maramdaman ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko ito at muli siyang tinignan.

"But don't ever mention my child. I loved him more than anything in this world at wala kang karapatang kwestyunin ang pagiging ina ko." Lumapit ako sa kanya at taas noong tinignan siya ng diretso sa mga mata.

"Hate me all you want, the hell I care. YOU. ARE. GOOD. AS. DEAD. TO. ME." may diin kong sabi sa kanya bago ko siya talikuran at maglakad palayo. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagtakas ng mga hikbi ko.

"You cannot run away from your sins Vanya. I'll make sure you'll feel what I've felt. You'll pay for what you've done." sigaw nito. I smirked upon hearing what he said. Huminto ako para harapin siyang muli.

"Arrest me then. I'll patiently wait for you" sagot ko sa kanya at muling tumalikod. Buong tapang na tinahak ang daan pabalik sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin.

Pinunasan ko ang mga luhang nag uunahang tumulo mula sa aking mga mata.

"Why do I need to suffer for the things I did not do? Why do we have to hate each other this much? Why?" Napaupo ako sa isang bench dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman.

I wish that night did not happen. The night where everything started to change........

Monteverde Series #1: Journey to ForeverWhere stories live. Discover now