Chapter 13: Parents' Call

2.4K 77 2
                                    

Nadine's POV

Parang feel ko magpaka "Wifey" ngayon.

Yes. Wifey. We've been using that endearment for days.

Kaloka nga eh! Nung nakaraang araw, "Jame" palang nasasabi ko kiniss agad ako!

Langya yon! Pag ako nasanay sa mga halik niya! Nako siya!

"Hubby, punta tayo palengke."

Nilipat niya ang tingin niya sakin mula sa tv, nanunuod kasi siya ng Adventure Time.

"You mean market?"

Kunot noo niyang tanong. Di pa siguro siya nakakapunta ng palengke.

Eh ako nung bata ako sanay akong sumasama kay mama sa palengke.

"Yes. I mean wet market."

Nakangiti kong sabi sa kanya sabay lapit ng mukha ko sa mukha niya para mapapayag siya.

"With one condition,"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad ko siyang hinalikan.

Masyado ng Kiss Addict tong lalaking to! Jusko!

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya ng kaunti, nagkatitigan kami,

nagulat ako ng bigla nanaman niya akong halikan.

O diba sabi ko sa inyo eh! Kiss Addict! Kiss Monster! Kiss Beast! Kiss King! Lahat na ng pwedeng itawag sa kanya.

Ngayon mas malalim ang halik niya sakin kaysa sa ginawa kong paghalik sa kanya.

Siraulo to! Nadadala ako ng mga halik niya! Ano bang meron sa labi neto?!

Kinakapos na ako ng hininga sa lalim ng mga halik nitong hinayupak na to!

Agad ko siyang tinulak palayo at kumuha ng hangin.

"Siraulo ka! Muntik na akong mawalan ng hininga!"

Sigaw ko habang hinahabol pa rin ang mga hininga ko.

"You did the same thing on me."

Sagot niya habang hinahabol rin ang hininga niya.

Eh siya kaya tong nang halik ng ganun diba? Tas ako pa may kasalanan?!

"Ikaw nagsimula tas ako may kasalanan?! Tumayo ka na diyan! Tara sa palengke!"

Nilayasan ko siya at umakyat sa kwarto ko.

Langya yon! Masyado niya nang mahal ang labi ko! Parang nagugustuhan ko na din tuloy yung kanya.

Aiisshh! Ano ba tong sinasabe ko?

Nang makapagbihis na ako ay napatingin ako sa kalendaryo sa gilid ng kabinet.

Halos isang linggo na rin pala kami dito.

Ni hindi ko tinetext si mama, nag aalala na siguro yun. Pinatay ko kasi ulit ang cellphone ko para di nila ako ma-contact.

Bumaba ako sa sala at nakita ko si James na naka tayo na at bihis na.

"Let's go wifey?"

Sabay ngiti niya sakin. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

Eto nanaman, pag talaga tinatawag niya akong Wifey, bumibilis tibok ng puso ko.

Abnormal na ata!

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse niya.

Yung location netong beach house nila James, I mean hubby, malayo masyado sa kabihasnan.

Ni hindi nga kami nakikilala ng mga tao dito eh, imbes na mainis ako dahil hindi nila kami kilala, lalo lang akong natuwa.

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon