[Now Playing: Who am I to say - Hope]
Bryan's POV
"Nadine, sandali lang. Kumalma ka!"
Kanina ko pa pinipigilan ang pagtulo ng mga luhang namumuo sa mata ko.
Kasi t*ngina naman! Ano ba itong kag*guhang pinasok ko?!
P*kshet lang!
Oo t*ngina nasaktan ko si Nadine noon pero hindi ko kayang makitang nasasaktan siya ngayon ng ganito.
At ano pa yung mas masakit? Yung nasaktan na naman siya ng sobra dahil sa akin.
T*ngina talaga!
Napakamot ako sa ulo ko habang pilit na pinipigilan si Nadine sa gagawin niya.
"Nadine, makinig ka sa akin! Please!"
Umiiyak siya habang nakatayo sa pinakasulok ng kwarto na ito ngayon sa hospital at hawak hawak ang isang kutsilyo.
"Hindi Bryan, ayoko na! Ayoko na!"
Lalong lumakas ang pag-iyak niya.
Sinusubukan kong lumapit ng paunti-unti pero tuloy pa din ang pag atras niya.
"Huwag kang lalapit!"
Hindi ko kaya na makita si Nadine na nasasaktan ng ganito, hindi ko kaya!
Kahit na nagawa ko siyang saktan noon. Oo alam ko sobra ko siyang nasaktan, pero ang hindi niya alam, nasasaktan din ako ngayon. Oo alam kong masyado akong nagpakag*go noon.
T*ngina sobrang sakit! Yung sakit na makita mo yung taong dati mong mahal na ngayon may mahal ng iba, na ngayon mas masaya kapag wala ka, na ngayon okay na at hindi ka na kailangan, na ngayon pinagtatabuyan ka na, at higit sa lahat magkakaroon na ng anak.
Sobrang sakit para sa akin ng lahat ng iyan, pero wala eh, g*go ako, masyado akong nagpakaduwag. Hindi ko man lang siya ipinaglaban.
*Flashback*
"Bryan, you choose. Ang kababata mo o si Nadine."
Napakamot ako ng ulo ko sa sinabi ni Mama.
"Ma, you know how much I love Nadine! Alam kong alam mo ma!"
Halos naiiyak na ako sa nangyayari ngayon.
Mahal ko si Nadine kaya hindi ko siya kayang iwan, hindi ko siya kayang ipagpalit, hindi.
"Bryan, I know anak. I know how much you love Nadine. Pero nag-aalala din naman ako kay Carmeine."
Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong tumulo mula sa mata ko.
"Ma, alam mong 3rd anniversary na namin ni Nadine by next week. Ma, tatlong taon na kami!"
Yumuko ako at ihinilamos ang kamay ko sa mukha ko.
"I know Bryan. I'm so sorry. Pero nasabi ko na kasi sa Tita Lauren mo na pumayag ka na. And right now, Carmeine is waiting for you."
Hindi ko na alam kung magagalit ba ako o ano. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari ngayon.
Bakit ba 'to nangyayari sa akin? Bakit kailangan naming masaktan ni Nadine ng ganito?
"Ma..."
Inangat ko ang ulo ko at tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha mula sa mata ko.
"I'm so sorry anak. Bukas naka-book yung flight mo. Lalabas muna ako. Nandun lang ako sa kwarto anak pag kailangan mo ako."
Pagkalabas na pagkalabas ni Mama sa kwarto ay hindi ko na talaga napigilan lahat ng luha ko.
Parang bigla kong naramdaman lahat ng sakit, pakiramdam ko pasan pasan ko ang buong mundo sa balikat ko.Para akong sinasaksak ng ilang beses sa puso, sa tiyan tagos sa likod. Sobrang sakit!
Umupo ako sa sahig sa bandang paanan ng kama ko at tiningnan lahat ng patak ng luha ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang picture namin ni Nadine.
Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Tita Lauren,
"I'm so sorry Bryan, iho. Pero kailangan ka talaga ni Carmeine ngayon. I don't know how to calm her down Bryan. Please Bryan, help me, help Carmeine. She is so depressed. She even want to abort her baby. Please Bryan, please! I do beg you. Kahit na hindi sinasadya ang bata sa sinapupunan niya, I still don't want her to abort the baby..."
Tuloy tuloy na sinasabi yun ni Tita Lauren habang tuloy tuloy din ang pag-iyak niya na dinig na dinig ko sa telepono.
"...Bryan, please I'm begging you. As a mother."
Bakit ko ba kailangan maranasan 'to lahat? Bakit?!
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Mababaliw na yata ako sa nangyayari ngayon.
Ano nga bang pipiliin ko?
Dalawang buhay ang sasagipin ko o yung taong mahal ko?
*End of Flashback*
At siguro halata naman kung ano ang pinili ko.
Mas pinili kong magpaka-g*go, ang talikuran at saktan si Nadine. Napakalaki kong t*rantado.
Kinabukasan noong pag-uusap namin ni Mama, nagpunta ako ng London without saying any word to Nadine. Akala ko, it would be better, akala ko mas mapapadali sa kanya kung aalis ako ng walang pasabi, akala ko mas mapapadali sa aming dalawa na kalimutan ang isa't-isa.
Pero t*ngina, akala ko lang pala lahat yun.
Kabaliktaran pa ang nangyari, ako pa ngayon yung hindi pa rin makalimot.
Pagdating ko sa London tulad nga ng sabi nila sa akin, kinausap ko si Carmeine, napakalma ko siya at napigilang ipalaglag ang batang dinadala niya.
My everyday life in London feels like hell. Everyday without her by my side, no messages from her, no calls and I damn miss her voice so much.
Pero wala akong magawa. T*ngina wala akong magawa.
Sa araw araw na 'yon habang nagpapasaya ako ng isang tao, mayroon akong nasasaktan at yun ang taong mahal ko.
Nalaman kong sobrang nasaktan ko si Nadine, naisip ko noon na siguro nga kinamumuhian niya na ako. Na baka tulad ko, ibinabaon niya na rin ako sa limot.
Sa ilang taon kong pamamalagi sa London, natahimik ang buhay ko. Sinubukan kong gumimik at mambabae para makalimutan ko si Nadine pero wala, siya pa rin talaga ang laman ng puso ko.
Hanggang sa ipinanganak na ni Carmeine ang anak niya at pinangalanan niya ito ng Tyron.
Isa si Tyron sa nagpasaya sa akin, ako din ang kinikilalang tatay ni Tyron dahil hindi nga pinanagutan si Carmeine nung lalaking nakabuntis sa kanya.
Si Carmeine, kababata ko siya at matagal ko na siyang kaibigan, at alam kong habang sabay kaming lumalaki ay nahuhulog siya sa akin.
Pero noon pa man din ay sinasabi ko na sa kanyang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.
At oo, aaminin ko minsan kong sinubukang mahalin si Carmeine, kaso si Nadine talaga ang nag-iisa sa puso ko.
Siguro kung hindi ako nagpaka-duwag, sana ngayon kami pa rin, pero hindi kasi wala na.
At ngayon napaka-t*rantado ko para guluhin na naman yung bubay niya, at umabot pa sa ganitong punto.
Kung nagawa kong iligtas si Carmeine at si Tyron, hindi ako papayag na hindi mailigtas si Nadine, ang babaeng mahal ko at ang anak niya.
Kahit na hindi ako ang ama.
T*ngina talaga! Mahal na mahal pa din kita Nadine.
×××××
A/N: Happy saturday! ❤ If you have questions about the story, you can ask me directly through message. :)Play the music guys, para mas dama habang nagbabasa. Haha
Words ni Author:
"You must believe in yourself in order to make others believe in you."
BINABASA MO ANG
Indestructible Love [EDITING]
Roman pour AdolescentsJADINE Edition #1 Once in our lives, we'll encounter something that will almost, just almost, turn our everything into nothing. But no matter how hard they try to destroy us, no matter how many tears and pain we have to endure, we will. For we are...