Nadine's POV
"Months from now you'll have your baby bump Nadine. What's your plan?"
Seryosong tanong niya sakin habang papunta kami sa bahay.
Naikwento niya na sakin kung pano sila nag break ni Ericka.
Ako ang naawa kay Ericka. Feeling ko kasalanan ko kaya siya nasaktan ng ganun.
Edi sana--
"Nadine, I know what you're thinking. How many times will I tell you, you're not the reason why me and Ericka broke up?"
Napakagat labi nalang ako sa sinabe ni James.
Kahit naman sabihin niya na hindi ako ang dahilan, alam ko at ramdam ko na ako ang dahilan.
"Okay. About the plan. Seriously, hindi pa ako handang sabihin kayna mama ang tungkol dito."
Nakikinig lang siya sakin habang seryoso siyang nagdadrive.
"Can we disappear? Can we leave this place, can we fly away? Far away from here. And I dont, but all we need is me and you."
Biglang napatingin sakin si James na nakangiti.
"Where did that song came from?"
"Ewan ko."
Di ko din alam kung anong naisip ko at bigla kong kinanta yun. Ni hindi ko nga alam kung may ganun bang kanta.
"Nadine, are you sure you don't want to tell your parents about this?"
Napatingin ako sa kanya. Seryoso pa din siyang nagdadrive.
"We're here."
Nginitian ko si James at tsaka siya bumaba ng kotse para pag buksan ako ng pinto.
"Call me if you need anything."
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa noo."I'll go ahead."
Sabi ni James sabay lakad niya papunta sa kotse niya.
"Bye. Ingat."
Kinawayan ko siya bago siya umalis.
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Zeke na nasa sala habang naglalaro ng X Box.
"Sila mama?"
Tanong ko sa kanya.
"Nag mall."
Tinanguan ko lang siya at dumiretso sa kwarto ko.
In-on ko ang cellphone ko. Dalawa kasi ang cellphone ko ngayon, yung ginagamit ko ngayon, si James lang ang may alam ng number ko.
Yung isa naman, yung number ko talaga.
Nagulat ako ng tumambad sakin ang mahigit 200+ messages at 359 calls sa screen ng cellphone ko.
Simula nung may mangyari samin ni James ay pinatay ko ang cellphone ko, alam kong maraming magtetext at tatawag sakin. Hahanapin ako.
Tiningnan ko ang messages.
Yung iba random, yung iba galing kay Miguel.
Babalik pa kaya ako ng showbiz? O makakabalik pa kaya ako?
Bakit ba kasi antanga ko?! Aiissshh!
Binasa ko ang pinaka latest na text ni Miguel sakin.
From: Miguel
Nadine!! Ano? Buhay ka pa ba?! Bakit di ka sumasagot sa texts sayo?
Received.
Dapat ba akong magreply?
BINABASA MO ANG
Indestructible Love [EDITING]
Novela JuvenilJADINE Edition #1 Once in our lives, we'll encounter something that will almost, just almost, turn our everything into nothing. But no matter how hard they try to destroy us, no matter how many tears and pain we have to endure, we will. For we are...