Chapter 29: Green

1.9K 61 0
                                    

A/N: Photo credits sa otwolista.com and Instagram!
~~~~~

Nadine's POV

"James, okay ka lang ba?"

Nakakapagtaka naman at biglang hindi nagsasalita to si James.

Parang ang lalim ng iniisip niya. Baka tungkol sa pag uusap nila ni Ate Ca? Ano nga kayang nangyari?

"James?"

Muli kong tawag sa kanya. Napatingin siya sa akin na may bahid ng konting pagkabigla.

"W-what?"

Utal niyang tanong sa akin.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo diyan? May nangyari ba?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, nagulat ako ng ilakad niya ang kamay niya sa batok ko at dahan dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

Hangin nalang ang namamagitan sa labi naming dalawa nang bigla akong magsalita.

"Anong problema?"

Pero bago niya ako sagutin ay naramdaman ko na ang paglalapat ng labi naming dalawa.

Bakit ba hindi ako makalaban kapag hinahalikan na niya ako? Nasaan ang hustisya?

Kalahating minuto ding nagtagal ang halik naming dalawa bago siya tuluyang humiwalay.

Pero hindi pa din binibitawan ng kamay niya ang batok ko.

"We will fight for this love, together. I promise you, this love's worth everything."

Muli niya akong binigyan ng isang mabilisang halik.

Dahilan para makalimutan ko ang bangungot ko.

Tama si James, hindi makakatulong sa sitwasyon namin kung aalis ako, kung lalayo ako. Mas madadagdagan lang ang bigat at hirap ng sitwasyon.

Mas mapapadali kung dalawa kaming lumalaban ni James para sa pag-ibig na alam naming tunay at may patutunguhan.

May tiwala ako kay James, at alam kong may tiwala din si James sa akin.

"I know now!"

Bigla akong napatingin kay James ng marinig ko siyang magsalita.

Nakataas pa ang hintuturo niya sa hangin, *insert ding sound* na para bang may naisip siyang napakagandang bagay.

"Bakit? Ano yun James?"

Bago sumagot at binigyan ako ni James ng ngiti. Isang nakakalokong ngiti, sa palagay ko.

"Take a bath. We're going somewhere."

Kusang kumunot ang noo ko sa sinabi ni James.

"Anong somewhere?"

Nginitian niya lang ako. It's a sweet smile.

"Just take a bath and you'll see afterwards."

Bigla niya nalang akong hinalikan sa noo at dahan dahan na itinulak papasok sa cr.

"I'll just give you the towel. Take a bath now."

Sinara niya ang pinto at narinig ko ang boses niya sa labas.

Ano naman kayang trip netong si James ngayon? Nakakagulat lang na bigla bigla siyang nagiging weird at smiling monster na hindi mo maintindihan kung anong tumatakbo sa isip niya.

Pero imbes na isipin ko kung anong problema ni James kaya siya umaakto ng ganun ay sinunod ko nalang siya.

Bago pa ako matapos maligo ay kumatok na si James at iniabot sa akin ang tuwalya tulad ng sinabi niya.

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon