Third Person's POV
Pagkapasok ni James ay agad niyang sinunggaban si Bryan at saka binigyan ng isang malakas na suntok sa panga matapos niyang makita ang nais gawin ni Bryan kay Nadine.
"Fck off! Don't. Touch. Her!"
Galit si James, galit na galit.
Habang si Nadine sa isang sulok ay hindi makasigaw o makapagsalita man lang, nanghihina siya, idagdag mo pa ang pangyayaring nakatambad sa harapan niya ngayon.
Ang kanyang nakaraan at kasalukuyan, nag-kakagulo sa harapan niya mismo.
"Ara--"
Hindi na natuloy ni Nadine ang pagsigaw, sa halip ay napahawak si Nadine sa braso niya kung saan siya nakaramdam ng sakit.
Pagtingala niya ay nanlalabo na ang paningin niya at nakakaramdaman na siya ng hilo, na buong paligid niya ay umiikot na.
"Just a little pain sweetie. Like ant bites, you know? Sleep well."
Bago tuluyang mawalan ng malay si Nadine, narinig niya ang pagsasalita ni Ericka.
Pagkatapos nun ay tuluyan na siyang nawalan ng malay nang hindi nalalaman kung ano na ang nangyari kay James at Bryan.
Samantalang hindi naman napansin ni James agad ang nangyari kay Nadine.
Napahinto ang dalawang kalalakihan sa pakikipag-basag ulo ng biglang sumigaw si Ericka.
"James! Bryan! Si Nadine!"Agad na napatakbo si James palapit kay Nadine at agad siyang hinawakan sa may braso upang alugin ng marahan.
"Oh my gosh Nadine! What happened to you?!"
Pagsasalita ni Ericka, tumingin si James kay Ericka.
"What have you done to her?"
Kalmado niyang pagbato ng tanong sa babae.
Nagkibit balikat si Ericka bago sagutin ang tanong ni James.
"I don't know! Hindi ko alam! Nagulat nga ako, the moment I entered the room nagsasapakan na kayo and nakita ko si Nadine na walang malay."
Pahayag ni Ericka.
Napakunot noo si James, hindi siya naniniwala.
"By chance, if ever I knew you have connections with this, I'll hate you for sure. Mark that. More than hate."
Binuhat ni James si Nadine habang kinakabahan sa kalagayan niya at sa mga batang dala dala nito sa kanyang sinapupunan.
"James! We'll come with you!"
Dahil sa sobrang pagpa-panic ni James ay hindi niya na napigilan si Ericka at Bryan sa pagsama sa kanya.
"Ako na magda-drive James."
Agad na sumakay si Bryan sa driver's seat ng sasakyan. Si James naman ay ihiniga si Nadine sa likuran na upuan ng kotse.
Matapos niya maihiga si Nadine ay may naramdaman siyang kung anong kirot sa kanyang braso at tuluyan siyang nawalan ng malay.
Nadine's POV
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Nakita ko ang puting kisame, walang duda nasa hospital ako.
"James..."
Lumingon ako sa gilid, pero imbes na si James ang makita ko ay si Bryan ang tumambad sa akin.
"Nasaan si James?"
Tumingin sa akin si Bryan at saka sunod na tumingin sa pintuan.
Bakit parang ang dami yatang tao?
BINABASA MO ANG
Indestructible Love [EDITING]
Fiksi RemajaJADINE Edition #1 Once in our lives, we'll encounter something that will almost, just almost, turn our everything into nothing. But no matter how hard they try to destroy us, no matter how many tears and pain we have to endure, we will. For we are...