Nadine's POV
"Do you still remember?"
Ramdam ko ang init ng hininga niya na umabot hanggang sa mukha ko dahil sa pagtatanong niya.
"Ang alin?"
Sinasabayan ko ang galaw ng kamay niya habang hawak niya ang kamay ko.
Nakahiga kami ngayong dalawa sa damuhan, habang nakatingin sa mga ulap.
Nakapatong ang ulo ko sa balikat niya habang ang isa naman niyang braso ay nasa ilalim ng ulo niya bilang suporta.
"How we meet."
Sandali akong napa-isip sa mga tinatanong niya.
Paano nga ba kami unang nagkita?
"Alin ba? As in kita lang or yung nagkasama?"
Ang sarap pala sa pakiramdam yung ganito.
Sa isang lugar, wala kang ibang iisipin, wala masyadong problema, tapos nasa tabi mo pa yung taong mahal mo.
Yung taong kukumpleto sayo, taong alam mong ipaglalaban ka, kahit na mahirap kakayanin niya kasi mahal ka niya.
"Both."
Pinikit ko sandali ang mga mata ko at inalala ang bawat pangyayari sa buhay ko.
"Both... Hmm. Syempre sa Viva tayo nagkikita. Diba?"
Dama kong tumango siya kahit hindi ko nakikita bilang sagot.
"Tapos una tayong nagkasama na project, doon sa music video mo na alam niya ba."
Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang kumanta.
"Alam niya bang paboritong kulay mo?"
Tumawa ako at sinagot ang tanong sa kanta niya.
"Oo!"
Sabay kaming tumawa ni James.
"Remember when we shoot our first kissing scene on cam? That was too unforgettable."
Pakiramdam ko ay biglang umakyat ang mga dugo ko sa mukha ko.
Bakit kasi kailangan pang ipaalala ang pangyayari na yon.
"Still remember that?"
May bahid ng tawa ang pagtatanong niya.
"Oo naman. Isa yata yun sa pinaka-epic shooting ever sa buong buhay ko."
Muli nanamang tumawa si James.
Yung mga tawa niya bigla biglang nagiging music to my ears ang dating, nakakaloko.
"It took 7 shoots, just for us to perfect that kiss."
*Flashback*
"Ano ba?! Take 8 na natin to! Please umayos na kayong lahat! James, Nadine, focus! Focus okay?! Eye contact! Tas yung mga ilaw diyan, camera ha! Lights, camera, action!"
Pagkasigaw nun ni direk ay agad kong niyakap si James. Hep! Part yun ng script wag kayong ano.
Pagkatapos kong yumakap ay dahan dahan kong hinarap ang mukha ko kay James at ngumiti.
Hinawakan naman ako ni James sa mukha, at di tulad kanina, ibinaba niya ang kamay niya hanggang sa mahawakan niya ang baba ko. Dahan dahan niyang inangat ang ulo ko at sabay naming pinikit ang mata namin. And there! We felt our lips touched!
Parang iba to sa mga na-take namin kanina kasi ito it seems deep and full.
Sa takot ko na baka madala ako sa kiss namin ni James ay humiwalay ako at ngumiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love [EDITING]
Teen FictionJADINE Edition #1 Once in our lives, we'll encounter something that will almost, just almost, turn our everything into nothing. But no matter how hard they try to destroy us, no matter how many tears and pain we have to endure, we will. For we are...