Chapter 16: Reid Alert

2.4K 72 3
                                    

Nadine's POV

"Wifey, wake up."

Naramdaman ko nanaman ang labi ni James sa labi ko.

Dinilat ko ang isang mata ko at nakita ko siyang papalapit nanaman sakin para halikan ulit ako.

Agad kong tinulak ang mukha niya gamit ang palad ko para ilayo ang mukha niya sakin.

"Masyado ka ng maraming kiss na nakukuha sakin."

Tumayo ako sa kama para pumunta sa cr. Tumayo na din siya mula sa kama ko at akmang papasok din sa cr kaya agad kong ni-lock ang pinto.

"Hubby, kiss monster ka lang. Okay?"

Nagtoothbrush ako at naghilamos.

Paglabas ko ay tumambad sakin ang isang topless na lalaki.

Oh my goosshh. Kelan pa nagkaroon ng ganito ka 'HOT' na nilalang? At talagang nasa harap ko pa.

Saglit ko siyang tiningnan habang nagapapalit ng damit.

"Are you done scanning my ever hot body wifey?"

Bigla siyang ngumisi sakin. Nakaramdam ako nang init sa mukha ko. Litsugas.

"Asa ka!"

Masyado din palang proud tong' lalaking to sa katawan niya! Di ako na inform!

Pero kasi may maipagyayabang naman kaya okay lang.

Kesa naman yung iba na kung makapag topless wagas wala namang maididisplay!

"Okay, let's go."

Hihilahin niya na sana ako palabas ng kwarto ko ng bigla niya akong pigilan.

"Teka nga! Di ka pa nag to-toothbrush tsaka naghihilamos! Mahiya ka!"

Sigaw ko sa kanya pero ngumiti lang siya.

"I'm already done."

Sabay ngiti niya sakin at talagang pinakita pa ang ngipin niya.

Bigla niyang kinuha ang kamay ko at inilapat sa mukha niya, ang kinis. Lalaki pa ba to?

"One last proof."

Bigla niya nanaman akong hinalikan. One swift kiss.

"Now, can we go down?"

***

"Kuya James, laro tayo X Box!"

"Can I, wifey?"

"Oo naman."

Ambilis ng mga pangyayari.

Parang kailan lang nasa tiyan ko palang siya, ngayon, eto na siya, nakikipaglaro pa sa daddy niya.

Charot lang! Hahaha

Nakakatuwa na nakakagulat lang na close agad si James sa nga kapatid ko.

Ngayon niyaya siya ni Zeke na maglaro ng X Box, kanina naman, sinamahan pala siya ni Mimi sa CR sa baba kasi daw nakita daw ni Mimi si James sa kwarto.

"Ate.."

Napatingin ako sa kabilang gilid ko ng marinig ko ang boses ni Mimi.

"Bakit Mimi?"

Nakatingin lang siya sakin.

"Ate, boyfriend mo na si Kuya James?"

"Bakit mo naman natanong Mimi?"

Ano naman kayang iniisip ni Mimi kaya nagtanong ng ganito?

"Wala lang. Ayaw lang namin ni Kuya Zeke na makita ka ulit na umiiyak. Na nagkukulong sa kwarto."

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon