Chapter 17: How they meet

2K 67 0
                                    

Nadine's POV

After namin magkita ni Chandria ay gabi na din kami nakauwi ni James.

Anong expect mo diba? Bestfriends that haven't seen each other for a month yun! Kulang pa nga yung oras ng pagkikita namin eh.

Tas naiisip ko nga na baka makasama kay baby kapag nag pagabi pa ako.

Si Chandria naman may rehearsals sila para sa gaganaping fashion show nila dito. Binigyan niya nga ako ng ticket para mapanuod daw namin siyang rumampa.

Tinanong niya nga rin sakin kung boyfriend ko na ba si James.

Nung una nagdadalawang isip pa akong sagutin, kasi diba hindi ko naman siya boyfriend, siya kasi ang daddy ng anak ko.

Pero nung nagtagal ay sinabe ko nalang na boyfriend ko si James.

Inasar asar pa niya ako na akala niya daw hindi na ako makaka move on sa ex ko.

Na tatanda daw akong dalaga kasi yung love life ko daw baon na baon sa past.

Masaya siya para sakin kasi, finally! Ariel happen to me one wash clean sa labada for just 7.50!

Joke! Endorse pa more!

Okay, back to reality.

Masaya siya para sakin kasi finally, I already found someone who'll replace the stupid guy in my heart.

Kinuwento niya din na miss na miss niya daw ako pag nasa London siya or sa kung saan man sila nagpupunta. Chereret nung babaeng yun! Pero sweet talaga siya. May pagka loka loka lang.

Yung tungkol naman sa kanila ni Daniel, naging ka school mate kasi namin si Daniel nung college kami.

2nd year college kami ni Chandria sa University na pinapasukan namin samantalang si Daniel ay transferee.

Their first meeting was a blast! A total blast I must say! Haha

*Flashback*

"Naririnig mo ba yung mga pinaguusapan ng nga estudyante ngayon Chandria?"

Nagkayayaan kami ni Chandria na pumunta sa Canteen kasi syempre, kakain kami.

"Ah. Yung transferee? Ano naman?"

"Wala lang. Sabe kasi nila, apo daw siya ng may ari ng University natin."

Pumila na kami para makabili kami ng pagkain namin.

"So ano namang paki ko sa isang transferee na apo ng may ari ng University natin? Babayaran niya ba tuition fee ko? Pakakainin niya ba ako araw araw?"

Sabay kaming naglalakad ngayon ni Chandria habang bitbit ang tray namin na may laman na pagkain.

"Alam mo ang OA mo! Kaya ko lang naman sinasabe kasi baka mamaya nakakasalubong mo na pala di mo pa rin kilala! Tara na nga lang dun para makaupo na tayo!"

Palakad na sana kami ng may bigla makabangga kay Chandria at tumapon ang laman ng tray niya.

Uh-oh. Be careful what you wish for cause your friend might get it! Haha

"Hoy lalaking naka head phone na baka wala namang tugtog at pamporma lang! Na naka jacket kahit mainit sa Pilipinas! Na naka shades kahit na hindi naman tirik ang araw! Na may bit bit na skate board di naman ginagamit kasi siguro hindi marunong!"

Sigaw ni Chandria dun sa lalaking nakabangga sa kanya.

Hindi man lang kasi nagsorry yung lalaki. Pogi pa naman. And yes, siya yung transferee.

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon