Chapter 44: J's

1.1K 26 2
                                    

John's POV

"Hayop ka Josh! Pakawalan mo na ako dito!"

Tumigil siya sa paglalakad at biglang tumawa.

Shit! Nababaliw na talaga siya!

"Nasaan na ba yung dating magaling na John? Bakit hindi mo ipakita ngayon?"

Bumuntong hininga ako.

"Josh, bakit mo ba 'to ginagawa? Hanggang ngayon ba may galit ka pa din ba sa akin kasi pakiramdam mo mas mahal ako nila mommy kaysa sayo? Hindi yan--"

"Manahimik ka!"

Napahinto ako sa pagsasalita ng bigla niyang ibato sa direksyon ko ang cell phone niya na agad ko din namang naiwasan.

Sinundan ko ng tingin kung saan bumagsak ang hinagis niya, ayun sa dulo, basag.

*Flashback*

"Mommy! Look may nakuha akong star! Highest po ako sa quiz!"

Lumapit kaagad si mommy sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Very good John! O nasaan na ang kapatid mo?"

Lumingon ako sa bandang likuran ko at saka tinuro si Josh na dahan dahang naglalakad.

"May problema ba siya anak?"

Tanong ni mommy sakin.

"Lowest po siya sa quiz mommy. Napag-compare na naman po kaming dalawa ni teacher."

Bumuntong hininga si mommy. Alam ko ayaw niyang naipag-kukumpara kami ng kambal kong si Josh.

Identical twins kami, at ang tanging palatandaan lang namin ay ang balat namin sa likod.

May balat si Josh sa may likod sa may kanang balikat, yung sa akin sa kaliwa.

"Josh!"

Tawag ni mommy kay Josh at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Okay lang 'yan anak, hindi ba sabi ko may next time pa?"

Tumango lang si Josh kay mommy at sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

*End of Flashback*

"Josh, mahal tayo parehas nila mommy! Alam mo yan."

Nakita ko kung paano niya niyukom ang kamao niya.

"Sila? Mahal ako? Kailan pa? Mahal lang naman nila, yung magaling na John!"

Nagulat ako ng bigla niyang suntukin ang pader na katabi niya.

"Ikaw lang mahal nila, John."

Nakita ko kung paano unti-unting tumulo ang dugo mula sa kamao niya.

Gusto ko siyang pigilan, sinasaktan niya lang ang sarili niya. Mahal kami parehas nila mommy, yun ang totoo.

"Josh, itigil mo na yan."

Kalmado kong sabi sa kanya. Walang mangyayaring maganda kung parehas kaming papairalin ang init ng ulo.

"Pati siya, ikaw ang pinili. Ikaw pa rin."

*Flashback*

"John, mauna ka na umuwi may pupuntahan pa ako!"

Tumango ako sa kanya. Lalakad na sana ako paalis ng may narinig akong ingay.

"Ikaw na naman! Hindi porket ikaw yung apo ng may-ari hindi ka mag so-sorry sa akin!"

Pamilyar na boses, lumingon ako.

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon