Dedicated to: shyecruz1 Happy new year! Wag na masyado ma-beastmode kay Nadine. Hahaha! Thank you for reading! :) *insert heart here*
~~~~
A/N: Ang drama ng picture ni James! Hahaha!
--------------Nadine's POV
Hindi ako mapakali dito sa likod ng kotse.
Hindi ko alam kung nasisikipan ba ako o sadyang may iba akong nararamdaman.
Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari at pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari. Ang hindi magandang nangyayari ay ang lalong paglakas ng ulan at higit pa doon ay ang pagtatagal ni James sa labas.
Gusto kong lumabas ng kotse, gusto kong sundan si James.
Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ako ni Ericka. Natatakot ako.
Ipinahid ko ang mga kamay kong nagpapawis at nanlalamig. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, pero sigurado akong hindi ito magandang senyales.
Sinubukan kong sumilip sa labas para makita kung anong nangyayari kay James, kasama ang ex niyang si Ericka.
Wala akong maaninag sa labas kung hindi ang hamog at ang malalaking patak ng ulan.
"Ang malas naman oh. James, please matagal ka pa ba?"
Pagkausap ko sa sarili ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla bigla nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Na para bang may nais itong ipabatid sa akin pero hindi ko mawari kung ano.
Muli akong sumilip sa may bintana, natanaw ko ang isang taong nakatayo.
Sigurado akong si Ericka iyon, dahil sa payat nitong katawan at hindi naman ito katangkaran.
Ano na kaya ang nangyayari kay James, anong nangyayari sa kanila?
Ipinikit ko ng sandali ang mata ko para pakalmahin ang sarili ko.
Pero sa oras na ipinikit ko ang mga mata ko, masasabi kong isang malaking kamalian pala ang ginawa kong desisyon.
"Ja---!"
Hindi ko na naituloy ang pagsigaw ko nang tuluyan ng gumuhit sa ilong ko ang nakakahilong amoy mula sa isang panyo na itinapat sa bandang bibig ko.
Wala na akong ibang nakita, wala na.
James' POV
"Ericka tigilan mo na 'to!"
I kept on telling her the same words over and over again but she seems to hear nothing.
The rain is pouring harder and all I think about is Nadine. It's not good for her and the babies to be stressed at this kind of situation. I need to get back to her.
"James! Alam kong mahal mo pa rin ako! Alam kong mahal na mahal mo pa rin ako! Yun lang naman ang gusto ko James! Ang mahalin mo ako!"
I clenched my fist, I'm about to hit her. But I remember, I do respect girls.
I tried to control all my emotions inside me, when in reality I really want to release this all to her! I want to give her what she deserves!
"ERICKA ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA HINDI NA KITA MAHAL?! HINDI NA KITA MAHAL ERICKA! WAG MO NANG IPILIT PA ANG HINDI NA PWEDE! KAHIT KAILAN HINDI NA KITA KAYANG MAHALIN PA! NAIINTINDIHAN MO BA ANG MGA SINASABI KO?!"
BINABASA MO ANG
Indestructible Love [EDITING]
Teen FictionJADINE Edition #1 Once in our lives, we'll encounter something that will almost, just almost, turn our everything into nothing. But no matter how hard they try to destroy us, no matter how many tears and pain we have to endure, we will. For we are...