Third Person's POV
Patuloy ang pag-iyak ni Nadine.
Masyado na siyang nahihirapan, hindi niya na alam kung ano ba ang dapat niyang unahing maintindihan.
Basta ang alam niya, sobrang sakit na. Ang sakit, sakit na.
Mas humigpit ang paghawak ni Nadine sa kutsilyo na lalong ikinakaba ni Bryan.
Kahit na natatakot si Bryan, desidido na siyang iligtas si Nadine.
Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung sakali man na may mangyaring masama kay Nadine at sa bata sa sinapupunan nito.
Agad na pumasok sa isip niya si Tyron, ang batang kumikilala sa kanya na ama.
Naalala ni Bryan kung gaano siya napasaya ni Tyron kahit na hindi niya ito tunay na anak, kung gaano kasaya makita ang paglaki nito.
At gusto niyang magawa iyon ni Nadine sa magiging anak niya, sa anak nila ni James.
Handang ibuwis ni Bryan ang buhay niya para kay Nadine, bilang kabayaran man lang sa nagawa niyang papanakit dito.
Bumilang si Bryan sa utak niya at naghanda sa pagsasagawa ng naisip niyang plano.
Nang tuluyan na siyang nakapaghanda ay agad siyang tumakbo at sinunggaban ang hawak ni Nadine na kutsilyo.
"Nadine tama na. Shh."
Matagumpay na nakuha ni Bryan at kutsilyo kaya agad niyang niyakap si Nadine para pakalmahin.
Hinahampas hampas siya ni Nadine sa dibdib at kahit na nasasaktan siya ay patuloy niya pa rin itong niyayakap para mapakalma.
Kahit papaano ay alam pa rin naman niya kung paano pakalmahin ang babaeng minsan siyang minahal.
"Bitawan mo ako Bryan, bitawan mo ako!"
Patuloy na umiiyak si Nadine. Hirap na hirap na siya.
Nakalimutan ni Bryan na hawak niya pa rin ang kutsilyo kaya naman pagkabitaw niya sa pagkayakap kay Nadine ay nasugatan niya ito ng hindi sinasadya sa braso.
"Aray!"
Nabitawan ni Bryan ang kutsilyo at nagmadaling maghanap ng ipangpupunas sa hiwa sa braso ni Nadine.
Malalim ang naging hiwa dahil sa mahigpit na paghawak ni Bryan sa kutsilyo.
Nakahanap siya ng isang tela at pinunasan niya ang sugat ni Nadine.
"I'm sorry Nadine, I'm sorry. Hindi ko sinasadya."
Patuloy niyang pinunasan ang dugo sa braso ni Nadine ng may biglang pumasok sa pintuan na parehas nilang ikinagulat.
"James?"
Agad na nanlisik ang mata ni James ng makita na hawak hawak ni Bryan ang braso ni Nadine.
Nagbalik din sa ala-ala niya ang lahat ng pinag-gagawa ni Bryan at Ericka sa kanila ni Nadine, naiyukom ni James ang kamao niya.
Lalo din siyang umusok sa galit ng makita niya ang sugat ni Nadine sa braso, ang dugo sa kamay ni Bryan at ang kutsilyo sa sahig.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na sugurin si Bryan.
Binigyan niya ito ng isang malakas na suntok dahilan para tumumba si Bryan sa malamig na sahig.
Ngumisi si Bryan bago punasan ang dugo sa labi niya, sa isip niya siguro nga mahal na mahal talaga ni James si Nadine. At maswerte si James dahil mahal siya ni Nadine.
BINABASA MO ANG
Indestructible Love [EDITING]
Teen FictionJADINE Edition #1 Once in our lives, we'll encounter something that will almost, just almost, turn our everything into nothing. But no matter how hard they try to destroy us, no matter how many tears and pain we have to endure, we will. For we are...