Chapter 50: Touch Move

1.5K 28 5
                                    

A/N: Ang ganda nung edit sa vid hihiz :) Full credits sa owner ❤
---
This chapter is for Nimfaaaa_ ❤ Di pa din ako maka-move on sa regalo mo. Effort kung effort dinaig pa yung t-shirt na over sized hahaha jke :) ilovelotsyou ❤
××××

[Now Playing: Secret Love Song by: Little Mix ft. Jason Derulo]

Josh's POV

"Carmeine."

Mahinahon na pagtawag ni Bryan sa kanya.

Lahat kami tahimik lang at hindi nagtatangkang kumilos ng masama dahil isang tulak lang ni Carmeine sa hawak niyang kutsilyo ay masasaksak niya si Alexis.

Para kaming mga chess pieces. Touch move, isang maling galaw maaaring mawala sa amin si Alexis.

"Carmeine, listen to me."

Hindi pa din binibitawan ni Carmeine ang hawak niyang kutsilyo, sa halip ay mas hinigpitan niya ang hawak dito habang diretsong nakatingin kay Bryan.

"Bakit ba lahat na lang Bryan ginagawa mo? Bakit lahat kaya mong isakripisyo para sa babaeng 'to?!"

Lahat kami mas nagulat at nabato sa mga kinatatayuan namin ng biglang sumigaw si Carmeine. Napatingin ako kay Bryan, naiyukom niya ang kamao niya matapos niyang marinig ang sinabi ni Carmeine.

"Nagkakamali ka Carmeine.."

Panimula ni Bryan, pero hindi pa man niya natatapos ang sinasabi niya ay nagsalita agad si Carmeine.

"Paano ako nagkamali? Eh simula't sapul patay na patay ka sa babaeng 'to! Ako yung parating nasa tabi mo, pero bakit mas pinili mo siya?! Ano bang meron siya na wala ako ha?!"

Nakikita kong pinipilit lang ni Bryan na maging kalmado dahil alam kong alam niya din na isang maling salita niya lang ay maaaring mapahamak si Alexis.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Carmeine."

Tumawa si Carmeine, lahat kami pinapakinggan lang sila mag-usap. Inaabangan kung ano ang susunod na mangyayari.

"Pati anak ko namatay dahil sa kanya! Dahil sa kanya wala na si Tyron sakin!"

Kumunot ang noo ni Bryan sa sinabi ni Carmeine. Napatingin ako kay James, halata sa mukha niya ang kaba at takot.

"Paanong patay na si Tyron samantalang kakadalaw ko lang sa kanya sa bahay nila Tita? At isa pa, isa si Nadine sa sinakripisyo ko para sayo. Pinakawalan ko si Nadine at mas piniling ikaw yung makasama dito kaysa siya. Kahit na sobrang hirap para sa akin na iwan siya ginawa ko, para sayo. T*ngina. Kulang pa ba 'yon? Kulang pa ba yung paghihirap na naramdaman ko noon, ngayon dadagdagan mo pa? Ilang taon ang tiniis ko, ilang taon na ikaw ang kasama ko. Sabihin mo nga hindi pa ba sapat 'yon? Habang ikaw napapasaya ko, si Nadine sinasaktan ko. Kulang pa ba, ha? Kapag nawala si Nadine, hindi lang ako ang mangungulila, madami. Kaya pwede ba Carmeine itigil mo na 'to, pakawalan mo na si Nadine."

Nabigla ako sa sinabi ni Bryan. Hindi ko alam ang kwento nila ni Carmeine, ang kwento nila ni Alexis.

Pero isa lang ang alam ko, minahal at mahal pa din ni Bryan si Alexis hanggang ngayon.

Mahirap talagang kalimutan ang pag-ibig na minsang nagbigay kahulugan sa buhay mo.

Magsasalita sana si Carmeine ng biglang sumigaw si James.

"Nadine!"

Napalingon kami kay Alexis, gising na siya. Pero mas nagulat kami ng biglang siyang hinawakan ni Carmeine sa leeg at dahan dahang sinasakal.

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon