Chapter 35: Mahal Kita

1.5K 49 7
                                    

Third Person's POV

"You'll help me?"

Pagtatanong ni James kay Ericka nang may bahid ng pagka-sarkastiko sa boses.

"Definitely."

Tumango si Ericka bilang pagsagot. Halata sa itsura at sa tono ng pananalita nito na kaya niya ngang panindigan ang sinasabi niya at siguradong sigurado siya.

"How can I be sure? After what you have done to me? You will help me? Damn that Ericka! This ain't no game!"

Bakas sa boses ni James ang pagkakairita sa presensya ni Ericka.

Habang patuloy pa rin niyang pinag-iisipan sa utak niya kung dapat ba siyang maniwala kay Ericka o dapat niyang pilitin na mahanap si Nadine sa sarili niyang kakayahan.

"About that, I'm so sorry. I was just taken away by my foolish heart and stupid emotions. They can not move on."

Tumawa si Ericka ng mahina.

Napakunot ang noo ni James sa inaakto ni Ericka, pakiramdam niya ay may iba rito.

"I'm leaving."

Tatalikuran na sana ni James si Ericka pagkatapos magsalita.

Ngunit agad ding napaharap si James ng may marinig siyang pamilyar na boses mula sa isang cellphone.

"James! James!"

Pagharap ni James ay nakita niyang nakataas ang isang cellphone na hawak ni Ericka kung saan nanggagaling ang boses.

Boses iyon ni Nadine, sigurado si James.

Agad siyang napalapit kay Ericka at nahawakan niya ito sa magkabilang manggas.

"Where the fvck is Nadine?!"

Makikita sa mga mata ni James ang galit at inis. Samantalang si Ericka ay hindi alintana ang nararamdaman ni James.

"Come with me and you will know."

Tumaas ang kabilang parte ng labi ni Ericka, konti nalang kakagat na si James sa sinasabi niya.

Bumuntong hininga si James.

"I'll come with you then."

Sinagot ng binata sa kalmadong paraan na labis na ikinataka ni Ericka. Kahit na nagtataka ay hindi niya ito ipinahalata at nanindigan sa kanyang emosyon.

"Well, let's go."

Nadine's POV

"Hanggang kailan ko ba kailangan manatili dito?"

Tanong ko kay Bryan na nakaharap sa kabilang pader dito sa loob ng kwarto habang nakaupo sa isang upuan.

"Hanggang nandyan pa siya at mahal ka pa niya, kailangan mo pang manatili. Hanggang mahal mo siya, mahalin mo rin siya para parehas kayong manatili sa isa't isa."

Napakunot ang noo ko sa sinagot niya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nakatitig lang ako sa likuran niya habang hinihintay ang sagot niya.

Napansin ko lang, pati pala likod niya nagbago na din, kasabay ng pagbabago niya.

"Nadine, bilisan mo!"

Sigaw niya sa akin na nasa unahan ko at mabilis na naglalakad.

"Teka lang naman diba! Ang haba kaya ng binti mo! Tingnan mo naman yung akin."

Narinig ko ang pagtawa niya habang naglalakad.

"Male-late na ako sa game! Nakalimutan mo na bang captain ball ang boyfriend mo?"

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon