Chapter 27: Never Go

1.8K 56 2
                                    

A/N: Dedicated to Yisha Gwyneth! Malakas ka sakin eh. Hahaha! Tanong mo na kasi siya kung KAYO na ba... Labyuteng, always. ❤️
~~~~~~~~~~~~

Nadine's POV

Mabigat ang pakiramdam ko, para bang pasan pasan ko sa likuran ko ang buong mundo, wala akong ibang naririnig kung hindi ang aking paghikbi, tuloy tuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko habang nakayuko ako.

Hindi ko sigurado pero dama kong kanina pa ako tintitingnan ng mga tao dito, kanina pa din kasi ako umiiyak, simula sa pag biyahe ko papunta dito, habang naghihintay, umiiyak ako. Na para bang isa akong batang nawawala.

Nawawala, oo nawawala ako. Hindi sigurado sa desisyong pinanghahawakan ko. Hindi sigurado sa patutunguhan ko, basta ang tangi ko lang gusto ay tumakbo, ang lumayo.

Sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko, lungkot, panghihinayang, galit, at inis. Lahat nagsasama-sama, at ang tanging kaya ko lamang gawin ay umiyak. Umiyak hanggang sa wala nang luha ang pwede pang pumatak mula sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung totoo bang mapaglaro ang tadhana, o sadyang nagkataon lang na pati ang tugtog sa airport na to ay dinadamayan ako.

"Say you'll never go, say you'll never go out of my way. Say you'll never go. For we can still go on and make it through. Just say you'll never go, say you'll never go."

Nangyari na ang kinakatakot ko, ang maglayo kami ni James. Hindi ko ito ginusto, pero ito na ang pinakamagandang solusyon na naisip ko, pinaka, tama.

Tama naman sigurong umalis ako dito sa Pilipinas, ayoko yung si James pa yung iniipit, pinapahirapan. Ayoko yung pati anak ko, anak namin, nadadamay. Kung ayaw nilang nandito ako, hindi ko sila mapipilit, hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko sa iba,hindi kailangang tanggapin ako ng iba.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tumambad sa akin ang picture ni James habang natutulog, bakit kapag nakikita ko ang picture niya lalong sumasakit ang puso ko?

Bakit parang mas may humihila sa akin at nagpipilit sa akin na wag nang ituloy ang kung ano mang balak ko.

Inilipat ko ang larawan, sunod na tumambad naman sa akin ay larawang lalong nagpa-iyak at hagulgol sa akin, larawan namin ni James, habang nagkukulitan, masaya.

Tinapat ko ang kamay ko sa dibdib ko, kailangan kong kayanin, desisyon ko to' kailangan kong panindigan.

Pero, heto nanaman ako, padalos-dalos sa mga kilos ko, hindi nanaman alam ni James, nila mama, papa, o ng kahit na sino. Natatakot ako, na baka sa susunod hindi na talaga ako nila pagkatiwalaan. Pero siguro naman maiintindihan nila kung bakit ko ito ginagawa.

Nang marinig ko na papaalis na ang eroplanong sasakyan ko ay agad akong tumayo, pinahid ko ang mga kamay ko sa mukha ko para punasan ang mga luha ko.

Kaso traydor talaga ang ang mga luhang to, walang ibang ginawa kundi tuloy tuloy na bumagsak mula sa mga mata ko.

Hinawakan ko ang malamig na handle ng maleta ko, mahigpit ko itong hinawakan at dahan dahang lumingon, huling tingin sa lugar kung nasaan ang mahal ko, kung nasaan ang tunay na kaligayahan ko.

Ngumiti ako ng tipid, masakit.

Unti unti kong hinakbang ang mga paa ko, patuloy pa rin sa pagtugtog ang kanta, dahan dahan akong naglalakad habang umiiyak at pinapakinggan ang ingay sa paligid, mga taong nag uusap habang hinihintay ang pag-alis nila, batang umiiyak dahil nasira ang laruan niya, mga teenager na excited para sa biyahe nila, masaya silang aalis.

Sana ako din, masayang aalis, pero, napaka imposibleng mangyari ng bagay na yon.

"Nadine!"

Biglang nawala ang ingay na naririnig ko. Nawala ang tugtog. ang ingay ng mga pasahero, ang pag-iyak ng bata, ang pag-uusap ng mga teenager. Huminto ang paligid ko, walang gumagalaw na kahit sino, miski ako, hindi ako makagalaw.

Isang boses na bumasag sa ingay, boses na lalong bumabasag sa puso ko.

"Nadine.."

Muli niyang tawag, mas malapit na siya sa akin ngayon. Sinubukan kong ihakbang ang paa ko, pero hindi pa ako nakakagalaw ay agad niya akong niyakap sa likuran.

Sobrang higpit na yakap, yakap na alam mong kahit kailan hindi ka gustong pakawalan, hindi ka kahit kailan sasaktan.

Muli nanamang bumuhos ang luha ko. Hinanap at hinawakan ko agad ang mga kamay niya na nakayakap sa bewang ko, pilit ko itong tinatanggal at hinihiwalay sa sarili ko ng dahan dahan, at habang ginagawa ko iyon ay unti unti ko ding pinapatay ng sarili ko.

"Nadine, pag usapan natin to."

Hinarap ko siya, umiiyak nanaman siya, napaiyak nanaman kita.

"No, James, wala na tayong dapat pag usapan pa."

Lalo siyang umiiyak sa sinabi ko, alam kong labis siyang nasaktan ng mga salitang binitawan ko.

Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya, ang hirap, pati ang sakit.

"Pero Nadine.."

Muli niyang hinawakan ang kamay ko, ipinikit ko ang mga mata ko, kailangan kong kayanin ang sakit na ito.

Pilit kong hinihiwalay ang kamay ko mula sa kanya, kahit na alam ko sa sarili ko na ayaw ko iyong bitawan at pakawalan.

"James, please, just let me go."

'Let me go'? Anong kalokohan ba tong' sinasabi ko? Please James, never let me go, I love you. Please, don't let me go, don't let go of me.

For Pete's sake! I'm really killing myself slowly.

Imbes na bitawan ang kamay ko ay mas hinigpitan niya ang hawak dito.

"I'll never let you go."

Bigla niya akong hinila papalapit na sa kanya na ikinabigla ko, naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Bakit parang hindi yata ako masaya ngayon sa halik na ito? Bakit tanging sakit lang ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko, sana di nalang niya ginawa to, kasi lalo lang akong mahihirapan na iwan siya.

Nagtagal kami ng ilang minuto sa ganoong sitwasyon. Nagharap ang mukha naming dalawa, bakas ang sakit sa mga mata niya.

"Please James, just let me go, now."

Basag na ang boses ko, hindi ko na kaya ang sakit. Ang hirap, pakiramdam ko kahit anong oras ay bibigay na ang katawan ko.

Nagdilim ang paligid, ang kaninang mga nakatigil na tao sa paligid ko ay unti-unting nawala, ang airport na kinatatayuan ko ay unti-unti ding naglalaho, pati si James, biglang nawala.

Kinain na ng dilim ang buong paligid, wala akong makita. Sinubukan kong magsalita pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Sinubukan ko ding sumigaw pero wala pa ring boses na lumalabas mula sa bibig ko.

Umiiyak ako, iyak ako ng iyak. Umupo ako sa sahig, hindi alam ang gagawin. Wala ako sa sarili ko, tuluyan ng naglaho ang lahat. Tanging dilim nalang ang nakita ko.
~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Say you'll never goooooo!
Nakaka-adik mga kanta sa OTWOL, yan tuloy LSS ako. Haha. SEMBREAK ON! Yeaaahh!

Vote. Comment. Vote. Comment.

Thank you thank you ng sobra sa lahat lahat ng reads, votes, at comments! ❤️❤️❤️

Words ni Author:
"Pagod ka, magpahinga ka. Nahihirapan ka, itigil mo muna."

Parating tatandaan na, oo hindi dapat agad agad sumusuko , pero once na napagod ka na at nahirapan ka na, magpahinga ka, itigil mo muna. Hindi naman ibigsabihin na titigil ka ay susuko ka na, magpapahinga ka lang.

Halimbawa nalang kung may sakit ka at masama ang pakiramadam mo, kailangan mo munang magpahinga. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo, kasi baka kapag pinilit mo, hindi na kayanin ng katawan mo at basta basta nalang itong bumigay. Mas mahirap.

Indestructible Love [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon