Nadine's POV
"Ano ang sasabihin mo?"
Nakatitig pa din ako kay James.
"Huh? Anong sasabihin?"
Nag maang maangan ako. Please James, kahit ngayon lang.
"Diba may sasabihin ka?"
Lumakad siya papalapit sa akin.
"What is it?"
Magkalapit na kaming dalawa. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Pansin kong nahahalata na ni James ang pagiging balisa ko kaya bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Tulad ng ginagawa niya noon, kapag may show kami at kinakabahan ako.
*Flashback*
"James! Nadine! Kayo na next!"
Sigaw ng isang staff sa amin dito sa back stage. First ever guesting naming dalawa to, as love team.
Kinakabahan ako, sobra. Hindi ako gaano sanay na ini-interview, ewan ko, basta, kinakabahan talaga ako.
Pinunasan ko ang pawis ko na tumulo mula sa noo ko.
Malamig naman pero pinagpapawisan ako. Mabilis ang tibok ng puso ko.
Nakatayo kami ni James malapit sa pintuan kung saan kami e-entrance.
Kakanta muna kami bago kami interviewhin.
Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa kamay ko.
Napatingin ako kay James, nginitian niya ako.
"Just keep calm. I got you."
Imbes na makatulong, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pero, parang hindi na yata ako kinakabahan bigla?
*End of flashback*
Bigla kong niyakap si James na ikinabigla niya.
"May problema ba?"
Tinanong niya ulit ako, pero instead na sumagot, mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Niyakap niya din ako ng mahigpit, pero hindi niya masyadong pinwersahan dahil baka maipit ang tiyan ko.
"Wala."
Humiwalay si James sa pagkayakap naming dalawa, dahan dahan. Bakit parang hindi ko yata gusto yung pagbitaw niya sa yakap namin ng dahan dahan?
"Eh bakit may tissues na nakakalat diyan?"
Napatingin ako sa kama. Oo nga pala! Umiyak nga pala ako dahil kay Chandria.
"Uhh, nanuod kasi ako kanina ng video. Tapos nakakaiyak, ayun!"
Ngumiti ako sa kanya.
"Sabagay. Iyakin ka nga pala."
Ginulo ni James ang buhok ko.
Sabay kaming lumakad papunta sa kama at naupo.
"So, bakit naman ang aga mo umuwi? Halos magdadalawang oras palang ah? Mali, wala pang dalawang oras."
Bumuntong hininga siya.
"Wala naman akong gagawin don eh. Boring. Wala ka kasi."
Nginitian niya ako.
"Hindi nga? Bakit nga?"
Pangungulit ko sa kanya. Hindi kasi kapani-paniwala yung rason niya.
"Nothing baby."
BINABASA MO ANG
Indestructible Love [EDITING]
Roman pour AdolescentsJADINE Edition #1 Once in our lives, we'll encounter something that will almost, just almost, turn our everything into nothing. But no matter how hard they try to destroy us, no matter how many tears and pain we have to endure, we will. For we are...