Deanna's POV
Almost 2 weeks na simula magstart ang pagiging college student ko. Kami nila Ate Bea, Jho, Jema and Pongs ang laging magkasama. Every vacant tumatambay lang kami sa mga cafe or minsan sa law building. Naging close na din kami ni Jema. At first medyo feeling ko fc sya pero eventually nakaclose ko na din sya. Palagi nya kasi akong napapansin eh. Gaya noong nakaraan, pinagtripan nya ako. Titigan ba naman ako hanggang matawa ako sa pagtitig nya. When I laughed na sa sobrang titig nya, ginantihan ko sya. During class hours ko sya tinitigan. Kaya itong kaibigan kong 'to hindi mapakali hanggang sa tinawag sya ng prof namin.
"Ms. Galanza, are you with us?" Bati sa kanya ng prof namin. Si Jema naman biglang namutla. First time ata nyang mapahiya. Yari ako nito mamaya. Hahaha.
Nakatapos na maglecture ung prof namin. Pagkaalis na pagkaalis nya agad akong tinignan ng masama ni Jema.
"DEANNA WONG! ANO YON! KAINIS KA!"
Ayan na nga. Inis na inis na sya. Inirapan ako ng ate nyo. Tawa naman ako ng tawa pero hindi na nya ako nilingon ulit.
"Hey, Jema sorry na. Peace tayo please." Oops, ayaw pa din akong pansinin. Mukang nainis talaga sya kasi napahiya sya. Hanggang sa nakalabas na kami ng room at magpunta sa cafeteria kung saan kami maglulunch hindi nya ako kinikibo. Hay. Ang pikon naman nito. Nakakainis.
" Jema. Jema. Jema. Uyyyy. Bati na tayo. Sorry na kasi." Sabay tusok ko sa tagiliran nya. Ayaw pa din nya akong lingunin. Nakakunot pa din noo nya. Halatang badtrip na badtrip sya. Ewan ko pero para akong nanlalata. Ayaw ko talaga ng may taong nagagalit sa akin. Para hindi na sya mainis, hindi ko nalang din sya kinulit.
Umorder na kami ng foods at sama-sama kaming kumakain sa iisang table. Sila Ate Bea at Jho nagkukwentuhan lang. Si Ponggay at Jema naman parang may pinag-uusapan about sa lesson kanina sa isa naming subject. At ako, eto kausap sarili ko. Kawawa naman ako.
After namin kumain, we decided to go na sa room namin. Habang naghihintay ng prof, I used my phone muna kasi wala namang kumakausap sakin. Nagbrowse lang ako and nagcheck sa Facebook ko. Madami na palang nag-add sakin na mga classmates ko. Inaccept ko naman sila and when our professor arrived, I put my phone to my bag na at umayos ng upo.
"Okay class, this is a group activity. You need to group yourselves into 4. This is a research paper. Kailangan nyong makaisip ng topic kung paano makakatulong ang simpleng mga estudyante sa isang maliit na community. After that, magkakaroon kayo ng immersion kung saan titira kayong apat for 2 days sa napili nyong community. Don't worry, kung kaninong group ang may magandang plano for that community, the whole class will go with you and doon tayo gagawa ng program to help that community."
Napaisip naman ako bigla. In our group, we are five so possible may isang mahihiwalay.
"Hi Deanna!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. I think her name is Jen.
"Hi?" I looked at her.
"Ohh, Deanna may kagroup ka na? Tatlo lang kasi kami nila Mads and Kath sa group. Kulang pa kami ng isa. Baka gusto mong sumali samin?" Jen said while smiling widely. What I loved about my classmates are they are so friendly at hindi mo feel ung awkwardness.
"Sure. Since 5 kaming magkakaibigan I'm sure may isa sa amin na mahihiwalay and I think ako nalang." Sabay-sabay na tumingin sa akin yung apat with a 'are you serious look'.
"Ayun! Thanks Deanna. I'll put your name na sa list namin ah. I'll talk to you later nalang. Bye!"
----------
Jema's POV"Hoy Deanna Wong bakit bigla bigla ka dyang nagdedesisyon ah? Pwede naman nating hatiin yung group natin sa dalawa then mag-add nalang tayo ng iba pang members." I asked Deanna. Nakakainis kasi sya. First time na sana naming magkakabonding as a group tas humiwalay pa sya ng group samin.
"Kanina lang ayaw mo ako pansinin tapos ngayon nagagalit ka. Tsk." Deanna said while pouting at nakakunot ang noo. Nagsungit na po ang deanna nyo.
"Jema naman kasi parang ewan. Ikaw unang nang-inis kay Deanna tapos ikaw pa yung hindi namansin. Sayang tuloy hindi tayo magkakasama." Ponggay said kaya naman naguilty ako.
"Edi sorry na. Sabihin mo na sa kanila na sa amin ka pa din makikipaggroup. Samahan kita dali." Sabi ko habang nagpa-puppy eyes kay Deanna.
"No, it's okay lang naman. Malay nyo makasundo ko sila tapos lalaki na circle natin. The more the merrier di ba? Ikaw talaga Jema lagi mo nalang ako pinagtitripan." Nalungkot naman ako. Mukang decided na talaga sya na sa kanila makipag grupo.
Natapos ang class namin and nagsama-sama na yung magkakagrupo. Si Deanna andun na kasama nila Jen. Nalulungkot talaga ako kasi close na talaga kami ni Deanna dahil lagi kaming nag-aasaran. Para tuloy ang tahimik namin kapag kulang kami.
"Jema, sa bahay nyo nalang tayo gumawa ng research paper?" Bea asked me and napaisip naman ako. Mayayaman nga pala tong mga to.
"Ahm Bea pwede naman kaso maliit lang bahay namin saka malayo. Medyo bukid kasi yung bahay namin eh. Okay lang ba yun sa inyo?" Totoo naman. Hindi naman kami mayaman baka manibago sila. Saka baka hindi sila sanay sa ganon.
"Oo naman. And may car naman ako kaya hindi natin problem kung malayo man bahay nyo. Isama din natin si Deanna siguro naman pwede sya satin sumama kahit hindi natin sya ka-group." Tumango naman kami lahat sa sinabi ni Bea.
Paglingon ko sa likod ko, palapit na sa amin si Deanna. Mukang nakasundo din nya kaagad mga ka-group nya.
"Guys, gusto nyo sumama sa amin? Sa bahay namin kami gagawa ng research paper. Sa Saturday." Pag-aaya samin ni Deanna. Napangiti naman ako dahil kahit hindi kami magkakagroup, parang magkakasama pa din kami.
"Uy mukhang okay yan Deans. Ikaw na bahala sa merienda ah." Pagbibiro ni Jho kaya naman napangiti nalang si Deanna.
"Jema, bati na tayo ah?" Hay nako Deanna, parang bata.
"Oo na. Eto naman hindi makatiis na walang inaasar. Tara nga dito." Lumapit naman sya sa akin saka ako umakbay sa kanya. Sa aming lima, kay deanna talaga ako naging close. Madalas din kasi kaming nagdidiscuss sa mga lesson namin kapag hindi namin naiintindihan. Matalino din si Deanna. Kaya naman nagkakasundo kami pagdating sa pag-aaral.
Hindi muna kami umuwi. Tumambay muna kami sa isang Cafe malapit sa Ateneo para magkwentuhan. Nang may biglang tumawag kay Deanna. Ang dami namang tumatawag kay deanna ngayon. Sikat yarn?
"Deanna! Pres!" Tawag ng isang lalaki kay Deanna. Teka, bakit Pres?
"Hahaha. College na tayo Deanna pero mukhang President pa din itatawag nyan sayo ah. Well, guys si deanna kasi President ng Student Council namin nung highschool kaya madaming nakakakilala dyan." Ahhh. Kaya naman pala. Wala sa mukha ni deanna na kaya nyang maging president ng student council ah.
"Ricci? Haha. Ikaw nga. Ang ingay mo naman. Saka wag mo na akong tawaging Pres. College na tayo oy." Sagot ni Deanna dun sa lalaki. Tumabi naman yung lalaki sa tabi ni Deanna. Hmmm. Grabe naman ngumiti tong lalaking to. Tuwang tuwa ah.
"Namiss kita eh. Tapos hindi pa tayo magkaklase ngayon. Sino na magtututor sakin nito?" Ay wow. Ang pabebe ni kuya.
"Baliw. Matalino ka naman eh. By the way Ricci, this is Jema, Jho and Ponggay. And ayun, si Ate Bea no need to introduce na. Batchmates naman tayo. And guys, this is Ricci, my friend. " Nginitian naman namin sya and ganon din sya sa amin.
Siguro ang daming friends ni Deanna. Parang lahat kasi gusto syang maging friend. Pero pansin ko kay Ricci iba ang tingin kay Deanna. Mukang need kong bantayan kaibigan ko sa lalaking to ah. Mukang malagkit ang tingin kay Deanna. I'm such a protective friend pa naman. Ayoko ng naaagrabyado kaibigan ko.
" Deanna, sama ka din pala samin. Doon kami kayla Jema gagawa research paper." Ponggay said and I looked at Deanna. She's smiling while nodding.
" Sa Friday nalang tayo sa amin guys. Overnight? Para sa Saturday deretso nalang tayo kela Deanna? Okay lang ba yun sa inyo? " I suggested and they all agreed naman.
Haaay. Naeexcite naman akong mapakilala kayla nanay at tatay mga bago kong kaibigan.
BINABASA MO ANG
Start of Something New
Fanfiction"I know that somethings have changed never felt this way and right here tonight this could be the start of something new" Gaya nga ng sabi nila, ang buhay ay parang isang libro, bawat pahina ay nagbibigay ng mga bagong bagay na matututunan mo. At du...