Chapter 20

540 33 9
                                    

Before the accident..........

"Love, ready ka na? Balik na tayo ng condo." Pag-aaya ni Deanna kay Jovz na ngayon ay nakaharap pa sa salamin at nagreretouch.

"Sige love, una ka na sa kotse. Ako magdadrive ah. Sa may passenger seat ka na umupo.." Sagot naman sa kanya ni Jovz.

"If you say so love. Sige hintayin kita don ah." Sabay beso ni Deanna at punta naman sa car nila.





"Love, sure ka na ba sa akin?" Out of nowhere na tanong ni Jovz kay Deanna habang ang mga mata ay nasa daan.

"Love naman, tinatanong pa ba yan?" Nakakunot ang noo ni Deanna habang nakatingin kay Jovz.

"Alam mo love, I don't want to have a fancy proposal to you. Gusto ko if ever sa kasal natin, yun yung magiging pinaka special day sayo. Love, Deanna, are you willing to spend the rest of your life with me?" Tanong ni Jovz kay Deanna.

"Love? Are you asking me to marry you?" Hindi makapaniwalang tanong ni Deanna habang nakangiti.

"I want to take care of you. I want to have a kids na sayo magmamana. I want to build a family with you. Love, I love you. Please, will you marry me?" Tanong ni Jovz kay Deanna.

"Yes love! I would love to marry you. Hahaha. Pero seriously, totoo ba to?"  Hindi makapaniwalang tanong ni Deanna.

"Yes, love. Oh! My bad, the ring. Wait, I will get it here." Sabay yuko ni Jovz. Kinakapa nya ang engagement ring na pinagawa nya sa lower cabinet ng kotse nya. Nang mahawakan nya ito ay agad syang napangiti.

" I got it Love! " Masayang turan ng dalaga habang nakatingin kay Deanna.

Nang biglang may sobrang liwanag na ilaw na sumalubong sa kanila.

Hindi na magawang iliko ni Jovelyn ang sasakyan nila kaya naman sumalpok sa kotse nila ang isang truck na nawalan ng preno.

Gumulong gulong ang kotse nila habang silang dalawa ay magkahawak ang kamay na nakatitig lang sa isa't isa. Umaagos ang dugo mula sa ulo. Unang nawalan ng malay si Deanna.

Pilit inaabot ng mga kamay ni Jovelyn ang mukha ni Deanna at bago mawalan ng malay ay nakapagsalita pa.

" Deanna, Love, I'm sorry. I love you. " Lumuluhang sambit ni Jovelyn bago mawalan ng malay sa sobrang dami ng dugong nawala sa kanya.

----------
Jema's POV

Nandito pa din ako sa labas ng ICU. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nakatulala pa din ako habang pinagmamasdan mula sa labas ang babaeng punong puno ng aparato ang katawan. Ni hindi ko alam kung paano nya matatanggap ang nangyari sa kanyang mahal.

"Jema, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala kay Deanna. Tinawagan ko na din si Tita Judin para asikasuhin ang funeral service ni Ate Jovz." Bea said to me at halata din sa kanya ang pagod.

"Bea, paano matatanggap ni Deanna ang nangyari?" Maluha-luha kong sambit. "Kitang kita ko kung gaano kasaya si Deanna kay Ate Jovz. Bea, naaawa ako kay Deanna. Ayoko syang makitang malungkot." Dugtong ko.

"Jema, kaya nga tayo nandito dahil hindi natin hahayaang maging miserable si Deanna. Ang kailangan muna nating gawin ay manalangin para sa mabilis na paggaling ni Deanna. " Bea said and I nodded. Tama sya, hindi pa nga pala nagigising si Deanna. She's under observation pa din dahil hindi din naging maganda ang lagay ng katawan nya dahil sa aksidente.






















Days passed. Today na ang libing ni Ate Jovz. Si Deanna naman ay hindi pa din nagigising. Nandito kaming mga kaibigan ni Deanna para samahan sila tita Judin na ihatid si Ate Jovz sa huling hantungan.

"Ate Jovz, nangako ka sa akin di ba. Nangako ka na hindi mo pababayaan si Deanna. Nagparaya na ako sayo eh. Kasi nakita kong mahal mo si Deanna. Naiwan na naman si Deanna ate. Ako yung nasasaktan para sa kanya. Ate Jovz, tulungan mo naman kami. Sana sa paggising nya, mahalin pa din nya yung buhay na naghihintay sa kanya. Ate, mahal na mahal ko si Deanna, wag mo naman syang hayaang maging miserable. " Naiiyak ako habang kinakausap ko ang walang buhay na katawan ni Ate Jovz bago sya ibaba sa lupa.

" Jovz, anak, makakasama mo na si Mama mo. Ikamusta mo nalang ako sa kanya ah. Anak, maraming salamat sa pag-aalaga mo sa Deanna namin. Mahal na mahal ka namin ng papa nyo." Umiiyak na wika ni Tita Judin habang nakadukdok sa kabaong ni Ate Jovz.





























Nandito ako sa hospital para bantayan si Deanna. Nandito na sya sa regular room. Medyo stable na din sya at iniintay nalang talaga namin ang paggising nya.

"Jema, gusto mo bang umuwi muna? Tatawagan ka nalang namin agad if ever na magising na sya." Offer sa akin ni Bea. Mukhang kailangan ko na din naman ng ligo tapos babalik na din agad ako.

"Sige Bea, tawagan nyo ako agad pag may balita na ah." Tumango naman si Bea kaya umalis na din ako.

2 weeks na simula mangyari yung aksidente nila. Sa totoo lang natatakot ako pag nalaman na ni Deanna na wala na si Ate Jovz. Natatakot ako sa pakiramdam na wala na syang taong paniniwalaan at pagkakatiwalaan. Natatakot ako para kay Deanna.

Agad naman akong nakarating sa condo ko. I will take a bath nalang muna.

After ko maligo ay napansin kong may missed call si Bea. 10 missed calls din ito at may isang message na nagpatalon sa puso ko.

From ✉️: Bea De Leon
Jems, Deanna is awake.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik, agad kong kinuha ang susi ng kotse ko at wallet ko para bumalik sa hospital.



















"THAT'S NOT TRUE!!!! MAGPAPAKASAL PA KAMI! WHAT THE HELL ARE YOU SAYING ATE BEA!!!!!!!!" Rinig kong sigaw ni Deanna. Nandito ako sa may labas ng kwarto ni Deanna.

"Deans, calm down please. Ginawa na ng mga doctor lahat. Nirevive sya pero she didn't survive." Mahinahong paliwanag ni Bea.

"NO ATE BEI! KUNG GINAWA NILANG LAHAT EDI SANA NANDITO PA SYA. SHE ASKED ME TO MARRY HER ATE. I SAID YES. MAGPAPAKASAL PA KAMI ATE BEA." Ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni Deanna. Hindi ko magawang buksan ang doorknob para makapasok sa room. Nandito lang ako sa labas habang umiiyak.

"BAKIT HINDI NALANG KAMI SABAY NAWALA ATE? BAKIT SYA LANG? DAPAT SINAMA NA NYA AKO EH. PARA MAGKASAMA PA DIN KAMI HANGGANG SA HULI. ATE BEA, I WANT TO SEE HER." Iyak lang ng iyak si Deanna.

"Sorry Deans, 2 weeks ng nakalipas, nailibing na sya last week." Malungkot na sabi ni Bea..

" FUCK THIS LIFE. LAHAT NALANG NG MAHALAGA, INIIWAN AKO. PATI YUNG TAONG NAG IISANG NANINIWALA SA AKIN KINUHA PA SA AKIN. PUTANGINA! " Galit na galit si Deanna habang nagwawala.

Agad naman akong pumasok para tulungan si Bea para awatin si Deanna. Hindi ko na napagilan ang sarili ko na lapitan at yakapin si Deanna habang umiiyak.

" Jema, Jema, iniwan na ako ni Jovz. Ano ng gagawin ko? " Umiiyak si Deanna na yumakap din sa akin..

" Ssshhh. Nandito lang kami. Hinding hindi ka namin iiwan. " Sabay haplos ko sa likod nya para patahanin sya.

Agad namang may dumating na nurse para bigyan ng pampatulog si Deanna dahil sa pagwawala nito kanina.


















Promise baby, nandito lang ako kahit sobrang sakit na sya yung kailangan mo kahit nandito pa din naman ako.

*************

Kamusta guys?  Ano nga bang pakiramdam mawalan ng taong akala mo hindi ka iiwan? Paano kayo nakakausad?

Stay safe.

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon