Jema's POV
Umaga na ng magising ako at laking gulat ko ng maayos na ako nakahiga sa kama at napalitan na din ang damit ko. Medyo masama pa ang pakiramdam ko pero kailangan kong bumangon at maghanda ng almusal ni Deanna. Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at inilabas nito ang isang Deanna Wong na may dalang food tray.
"Goodmorning Jema, here's your breakfast and medicine. How are you? May masakit pa ba sayo? " Tanong ni Deanna habang ibinababa yung dala nyang tray sa side table nitong kama.
" I'm fine. Kumain ka na ba? Sorry hindi na ako nakapagluto. " Nakita ko naman sa mata ni Deanna ang pagkalungkot.
" Don't worry about me Jema. May sakit ka, you must rest. I can handle myself. Sa ngayon, need mo munang magpagaling. " Nakatitig lang ako kay Deanna. Totoo ba to? Inaalagaan ako ni Deanna?
"Hey. Jessica, ahhh. " Nagulat naman ako at nag Ahh nalang at biglang sinubuan ako ni Deanna. Namula naman ako.
Nang makatapos na akong kumain ay niligpit agad ni Deanna ang pinagkainan ko. Bago sya umalis ay hinalikan nya ako sa noo ko at inayos ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ko.
Bigla kong naalala na malamang si Deanna ang nagpalit ng damit ko. Medyo namula naman ako sa idea na yun.
Biglang nagring ang phone ko na nasa side table at agad ko naman itong sinagot.
"Hello po. Sino po 'to" I politely asked who's the caller.
"Hi Jema, this is Engr. Athena. Tatanong ko lang kung kaya ba sa Monday ung As Built na nakaplot sa schedule mo ngayon. By the way nasa office ka na ba? Tinanong ko si Engr. Jade kung nandun ka sa area mo pero wala ka daw." Mahabang sabi ni Engr. Athena. Si Engr. Athena at Engr. Jade ang mga engineer na may hawak sa akin sa office. Sa kanila ako nakaassign kaya naman komportable ako dahil parehas kaming mga babae.
"Sorry Engineer. May sakit po kasi ako. Baka hindi ko po magawa yung pinapagawa nyo." Sagot ko naman dito.
" Oh, my bad. Dalawin ka namin ni Engr. Jade mamaya, alam mo naman yun, sobrang close sayo. Saan nga pala address mo? " Tanong naman nya sa akin.
" Ahm, wait po. May kasama po kasi ako sa bahay . Itatanong ko lang muna sya kung pwedeng may bumisita sa akin.. after that po I will send you a message nalang for the address po. " I said.
" Okay Jems, get well soon. " And she ended the call.
I immediately look for Deanna, nasa sala pala sya at nanunuod ng tv.
" Ahm, Deanna? " Napalingon naman sya sa akin.
" Oh? Jema bakit ka tumayo, dapat magpahinga ka muna. " Napatayo si Deanna at lumapit sa akin.
" Itatanong ko lang sana kung pwede akong tumanggap ng bisita. Ahm, mga engineer na kawork ko lang. " I asked her.
" Oh, mga so madami sila? Okay okay no problem. Mahiga ka muna.. I'll check if may stocks pa tayo for their merienda. " And then Deanna opened the pantry to look for some foods.
I smiled at her. Deanna's sure a bit different now but she's thoughtful pa din like dati. I went back to my bed and hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
Nagising ako bandang 2pm. After ko masend yung address dito ay nakatulog na pala ako. Agad naman akong bumangon para hanapin si Deanna.
Naabutan ko naman syang nakaupo sa sala habang nanunuod pa din ng TV. Nang lapitan ko ito ay nakatulog na pala. Napangiti naman ako sa pwesto nya ngayon. Nakasandal kasi ang ulo nya sa gilid ng sofa habang ang mga kilay ay salubong na naman. Hay Deanna, ang cute cute mo pa din.
BINABASA MO ANG
Start of Something New
Fanfiction"I know that somethings have changed never felt this way and right here tonight this could be the start of something new" Gaya nga ng sabi nila, ang buhay ay parang isang libro, bawat pahina ay nagbibigay ng mga bagong bagay na matututunan mo. At du...