Chapter 31

693 16 12
                                    

Jema's POV

Nandito kami sa beach ngayon ni Deanna. Gusto lang namin magliwaliw. Balak kasi naming bumalik sa pagwowork pero bago 'yon, magrerelax muna kami.

Nandito ako sa cottage namin, hinihintay ko si Deanna kasi nagbihis pa sya pang swimming. Nakaone piece swimsuit ako pero may white long sleeves naman dahil baka conservative si Deanna at mainis lang sa akin. Habang nagpophone ako, napalingon naman ako sa babaeng naglalakad papunta sa cottage namin.

Parang nagslowmo ang lahat at tanging sya lang ang nakikita ko. She's wearing a two piece black swimsuit, revealing her curves and abs. Napalunok naman ako dahil nakashades pa ito and she's smiling to me.




"Baby, tara na!" Aya sa akin ni Deanna.

Natauhan naman ako dahil nakatitig lang ako dito.

"DEANNA WONG! MAGPALIT KA NGA!!!!!" Ugh kainis na Deanna na to agaw eksena. Nakikita ko kasi yung mga lalaking nakatingin sa katawan nya.

"Huh? What's wrong baby? Hindi na ba tayo magsiswim?" Nagtatakang tanong naman nya sa akin.

"Ahhh! Basta! Teka nga isuot mo nalang to!" Inabot ko sa kanya ung tshirt na pinangpalit ko.

" Ehhhh! " Reklamo naman ni Deanna.

" Isusuot mo yan o hindi na tayo magsiswimming? " Pagtataray ko sa kanya.

" Eto na po madam suot ko na nga po di ba." Nakataas ang kilay ni wika nito.










1 message received.

Unknown Number
✉️: Hi Jema. Enjoy. Konti nalang, makakalimutan din nya na merong ikaw kapag nalaman nya ang regalo ko sa kanya .




Nagtataka man ay hindi ko nalang pinansin ang nabasa kong message. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng takot kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Deanna. Napansin naman nya ito.

"What is wrong baby Jema ko?" Malambing na wika nya sabay himas sa pisngi ko.

"Wala naman baby Deanna ko. Mahal na mahal lang kita. Natatakot ako na mawala ka. Magpakasal na kaya tayo?" Titig na wika ko sa kanya. Halata sa kanya ang pagkagulat.

"I love that idea baby but we need to be prepared before that. I am much willing to marry you pero dapat ako ang magpopropose sa'yo. Pero not now. I want to be the best person to you and I need to fix myself first. Promise baby, we will get there." I smiled after she said that. I know that she is willing to be my partner for this lifetime and I am willing to wait.

Habang naiisip ko yung idea na ikakasal ako kay Deanna, naisip ko bigla kung gaano kaya kasarap na paggising ko aa umaga, may Deanna ako at mga baby namin na babati sa akin ng Good Morning. Medyo sa thought pa lang na yun ay kinikilig na ako.

"Deanna?" Tawag ko naman dito.

"Ay bakit Deanna nalang? Hindi mo na ko baby?" Nakapout na wika ni Deanna.

"What if hindi na ikaw baby ko? Ayaw mo non?" Bulong ko sa kanya sabay dikit ng labi ko sa tenga nya.

Natawa naman ako ng kumunot ang noo nya pero nagtaasan naman ang balahibo nya sa ginawa ko.

"What if gumawa nalang tayo ng baby natin? Is it a good idea?" Bulong ko ulit at itong baby ko ay namula naman.

Hindi pa sya nakakareact ay sinakop na ng labi ko ang labi nya. It is a slow and passionate kiss. Binubuhos namin sa mga halik na ito ang init ng pagmamahalan namin dalawa.

"Actually baby, I love it pero hindi pwede ngayon, may red tide ako eh." Tawang tawang wika ni Deanna kaya naman napasimangot ako.

"Bwisit ka! Ang sakit mo sa puson!" Sabi ko sabay walk out.

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon