Chapter 19

459 28 15
                                    

Deanna's POV

Nandito na kami ngayon sa condo na nabili ko ng sarili kong pera. Kasama ko ang love of my life ko ngayon na nanunuod ng movie dito sa kwarto.

"So, kamusta love? Anong naramdaman mo nung makita mo ulit sya?" Tanong sa akin ni Jovz.

"What kind of question is that? Syempre wala na love. Matagal na yun." Agad kong sagot sa kanya.

"Baka kasi magbago na isip mo sa akin. Na marealize mong hindi mo pala ako mahal kasi nakita mo na ulit si Jema." Malungkot na saad nya.

"Hindi mangyayari yan. Mahal na mahal kaya kita." I kissed her lips and humiga na ng maayos sa kama. "Let's sleep na love. I'm too tired na."

























Nandito kami sa restaurant ngayon para paghandaan ang celebration party namin with the squad. Sabi ng love ko hindi sya makakasama dahil may aasikasuhin daw sya kaya naman nalungkot ako.

At 7:00PM nagsidatingan na ang mga college friends ko. Pinaasikaso ko naman sila sa mga staffs ko.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Tinanong lang nila ako sa mga nangyari sa buhay ko sa loob ng apat na taon.

Masaya naman talaga ang naging buhay ko. Pagkatapos kong makamove-on sa nangyari sa amin ni Jema, Jovi was always there for me. Hindi nagtagal minahal ko na talaga sya.

Sa kanya ko naramdaman yung tanggap talaga ako kung sino ako. Tinanggap nya lahat ng side sa pag-uugali ko.

Si Jema naman, alam kong may puwang pa din naman sya sa puso ko. Napatawad ko na din talaga sya. Ang kaibahan lang ngayon, she's a special friend nalang talaga. And Jovz, my love, is the only one I want to spend my life with.

"So Deanna asan na si Ate Jovz?" Tanong ni ate Bea.

"Actually kanina ko pa nga sya tinetext." Sagot ko. Nag-aalala na din ako.

"Hi, love. Looking for me?" Biglang dating naman nya sabay kiss sa cheeks ko. Hay. Kinabahan talaga ako. Akala ko naman may iba ng nangyari.

Nagpatuloy ang masayang dinner naming magbabarkada. Napansin ko namang walang imik si Jema. Naiintindihan ko naman sya. Wala din kaming proper closure after ng mga nangyari.

----------
Jovelyn 's POV

Pagkakuha ko ng engagement ring na pinagawa ko ay agad akong pumunta sa restaurant. Excited na ko sa oo ni Deanna. I know she loves me so much kaya she will answer yes to me.

Nandito na nga ako sa restaurant. Nasa isang long table kami habang nagkukwentuhan lang. Maya maya lang ay nagpaalam si Jema na magCR. Siguro ito na ang oras para makausap sya kaya naman agad ko syang sinundan para makausap.

"Hi Jema." Bati ko sa kanya pagkalabas nya ng cubicle.

"Oh Hi Ate Jovz?" She smiled awkwardly at me. Syempre naman, Deanna is her ex na ngayon naman ay akin na.

"I would like to tell you something. Bilang pagrespeto na din sana sa iyo kasi alam kong wala namang break up na nangyari sa inyo ni Deanna right?" I said.

"Exactly. Wala nga pero ano ba yun at pinag-aaksayahan mo ako ng oras ngayon." Kahit kelan talaga may pagka mataray tong ex ni Deanna na to eh.

"I will ask her later after this celebration to marry me." Mayabang na pagkakasabi ko kay jema.

Nakita ko ang pagkagulat nya. Medyo naluluha na din ang mga mata nya. Alam kong mahal nya pa din si Deanna. Kaya nga gusto ko ng ibakuran ang love ko.

"Congratulations. Hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit." Paunang salita nya.

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon