Deanna's POV
Kumakain kami ngayon sa isang restaurant. Treat ni Ate Jovz itong food kaya naman ineenjoy ko talaga. If tatanungin nyo ko kung sino ba si Ate Jovz, sya lang naman ang knight in shining armor ko when I was a kid. Magbestfriends kasi si mom and mom nya kaya kapag nagkikita sila, lagi kaming kasama ni Ate Jovz.
5 years lang naman ang gap namin pero ang lampa lampa ko kasi noong bata pa ako. Everytime na may mang-aaway sa akin, sasabihin ko lang sa kanila, "Lagot kayo sa Ate Jovz ko!", tapos pupuntahan ko siya sa bahay nila saka ko sya dadalhin sa mga kalaro ko na nang-aaway sa akin.
Over protective nya sa akin. Minsan nga sobrang clingy nya, lagi nya akong niyayakap, kinikiss sa cheeks hanggang sa nakasanayan ko na yun.
Noong namatay si Tita, nakita ko yung lungkot sa mga mata nya. 15 years old palang sya non. Simula non sa amin na sya tumira. Lagi ko syang nakikitang umiiyak sa room nya kaya minsan magugulat nalang sya na nakayakap na ko sa kanya saka sya iiyak. Nakakatulugan na din nya ang pag-iyak. Dumating din ang mga araw na parang nakakamove-on na sya sa pagkawala ni Tita pero lagi pa din kaming magkatabi. Nasanay na kami na magkasama. Hindi na ako nakakatulog ng hindi sya katabi.
Dumating yung nga araw na parang napapansin ko ang pag-iwas nya sa akin. Mga isang buwan din syang laging nagdadahilan kapag inaaya ko syang makipaglaro sa akin. Bata pa ako non pero ramdam ko na agad yung sakit sa ginagawa nya. Natutulog pa din naman kami ng magkatabi hanggang sa isang umaga, nagising ako ng wala na sya.
Hindi man lang sya nagpaalam sa akin noong pumunta sya ng U.S. Sobrang nagalit ako sa kanya kasi diba, paano na ako? Sabi nya sa akin hinding hindi sya aalis sa tabi ko. Nangako sya sa akin na lagi kaming matutulog ng magkatabi.
Simula ng umalis sya, nahirapan ako sa pagtulog. Minsan umiiyak ako sa gabi, kaya naman si mom nalang ang tumatabi sa akin hanggang sa makatulog ako. Kapag tumatawag sya kay mom, umiiwas ako or umaalis sa tabi nila para hindi ko sya makita at marinig.
Dumating din naman sa point na namimiss ko si Ate. Lalo na nung magcocollege na ako. Minsan, iniisip ko kung tatawagan ko ba sya, baka kasi nakalimutan na nya ako. Nawala na din yung tampo ko sa kanya ng hindi ko namamalayan.
Kaya ngayong kasama ko na ulit sya, isinawalang bahala ko nalang yung tampo ko. Masaya ako na nandito na sya.
" Bunso oh pinagbalat na kita. "
" Bes, eto oh balat na."Sabay na sabi ni Ate Jovz at Jema. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Si Ate Jovz nakangiti lang sa akin. Si Jema naman bakas ang lungkot sa mata nya.
" Wow, ang babait naman ng mga mahal ko." Pinilit kong pagaanin ang atmosphere namin ngayon. Ngumiti ako ng sobra sa kanila. Mamaya ko nalang kakausapin si Jema.
Kinain ko yung binigay nilang hipon. Naghiwa naman ako ng beef at biglang sinubo kay Jema.
" Bwishit ka Deanna nagulat ako don! " Maktol ni Jema at ako naman ay tawa ng tawa.
"Hahaha. Ang cute mo talaga." Sabay pisil ko sa pisngi nya.
" Ahm Deanna try mo tong dessert nila. Diba you love sweets? ". Nilingon ko naman si Ate Jovz at ngumanga dahil isusubo nya sa akin yung cheesecake na dessert na inorder nya.
" Hmmm. Ang sarap nga ate. The best ka talaga!" Nginitian ko sya ng todo at nagulat naman ako ng kurutin nya ang ilong ko. Napahawak naman ako dito dahil masakit.
" Ate naman eh! Kagagaling ko lang sa clinic diba? Natamaan nga ako ng bola sa ilong! Look at my nose na tuloy! " Pabebeng sabi ko kay ate. Hahaha.
" Aw. Wawa naman baby ko patingin nga." Lumapit naman si Ate Jovz sakin para tignan ang ilong ko. Nagulat nalang ako ng biglang....
BINABASA MO ANG
Start of Something New
Fanfiction"I know that somethings have changed never felt this way and right here tonight this could be the start of something new" Gaya nga ng sabi nila, ang buhay ay parang isang libro, bawat pahina ay nagbibigay ng mga bagong bagay na matututunan mo. At du...