Chapter 25

561 24 15
                                    

Jema's POV.

Nagising akong wala akong katabing Deanna Wong kaya naman nakasimangot akong bumangon mula sa pagkakahiga. Nakakainis kasi. Hindi man lang ako ginising.

Bumalik ako sa kwarto ko to do my morning rituals. After that I went to the kitchen to prepare our breakfast. Ang aga aga umalis ni Deanna. Hindi ko naman alam kung saan sya nagpunta kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang pagluluto hanggang sa may narinig akong nagbukas ng pinto.

"Saan ka galing?" Nakapamewang na tanong ko sa taong pumasok. Sino pa nga ba edi si Deanna.

"Nagkape lang. By the way Goodmorning Jema. Pasok lang ako sa kwarto. I'll just take a bath." Walang ganang saad ni Deanna. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali talaga sa kanya kagabi pa.

"Ah okay. Bilisan mo malapit na 'tong maluto." Sagot ko nalang sa kanya.

"Okay, thanks." Sabay pasok na nya sa kwarto nya.

Nandito kami ni Deanna sa dining table at tahimik na nagbebreakfast. Huhuhu. Ang awkward. May kasalanan ba ko kay Deanna? Huhu.

"Ahm, Jema aalis nga pala ako. Makikipagkita ako kay Ate Bea mamaya. Wag mo na akong hintayin, baka late na din ako makauwi." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"At saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"We're going to have fun lang. Matagal na din kaming hindi nakakapagbonding. Hmmm. Thank you for the foods, ako na magliligpit. " Agad naman syang tumayo at niligpit ang pinagkainan namin.









Nandito ako ngayon sa office. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung bakit parang biglang nawala yung sigla ni Deanna. Parang noong nakaraan lang ang sweet sweet nya sa akin. Hmmmp. Nakakatampo na sya nakakainis.

"Hoy Jema! Sabi ko mali yung pagkakasolve ko dito! Ano ba yan. Hindi ka naman nakikinig eh." Nakapout na wika ni Jade habang chinecheck nya yung sinagutan kong questionaires na niready nya for my review.

"Ha? Asan? Bakit mali? Ano ba yan!" Pagrereklamo ko.

"Paanong hindi ka magkakamali nasa kabilang mundo ata isip mo. Itigil na nga muna natin to. Tara lunch na muna tayo!" Sabi ni Jade sabay hatak sa akin. Wala naman akong nagawa kundi sumunod at magpatangay nalang sa kanya.









"Jemalyn!" Sigaw ng babae sa akin. Nandito nga pala kami sa Mcdo para maglunch. Tinitigan ko muna yung babae na tumawag sa akin hanggang sa mamukaan ko na kung sino sya.

"Ate Jia? Omg! Ate!" Sabay takbo ko naman sa kanya at niyakap sya.

"Miss na miss lang? Haha. Oh ano? Kamusta naman? Nakakatulong ba yung reviewer ko? Balita ko nagrereview ka na for the board exam this October ah.?" Tanong ni ate Jia sa akin. Luh? Paano nya nalaman na nagrereview ako? Reviewer? Ano daw?

"Paano mo naman nalaman na nagrereview ako Ate? Ngayon lang tayo nagkita kaya." Curious na tanong ko sa kanya.

" What do you mean? And where's Deanna nga pala? Akala ko ba tinutulungan ka nyang magreview? Bakit hindi mo sya kasama. And ahm. Hi? Jema may kasama ka pala bakit hindi mo man lang ipakilala? " Sabay nguso ni Ate Jia kay Jade.

" Ah, si Jade nga pala ate. Colleague ko. Sya din ate nagrereview sa akin. Jade, si Ate Jia nga pala. Senior namin ni Deanna nung college. " Pagpapakilala ko naman sa dalawa.

" Ah. Okay. Weird. Niloloko lang siguro ako ni Deanna. " Bulong ni Ate Jia pero narinig ko pa din.

" Anong niloloko ate? "

"Ah wala. Sige Jema. Mauna na ako. See you around." Pagpapaalam naman samin ni Ate Jia.







After working hours ay agad kaming dumeretso ni Jade sa isang cafe para ipagpatuloy ang pagrereview ko. Matyaga naman nya akong tinuruan. Sobrang komportable ko na din naman kay Jade. Para ko na nga syang kapatid kung ituring. Bukod sa mapang-asar, she's also dedicated to teach me. So I owe her a lot.

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon