Chapter 27

574 31 75
                                    

Deanna's POV

Habang nakapikit ako, ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Para bang binugbog ako. May naririnig din akong tunog ng aparato sa paligid ko. May mga bulungan ng taong tila nag-uusap.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nasisilaw ako hanggang sa unti-unting lumiwanag ang paligid.

Nakita ko naman sila Ate Bea, Jema at Ate Jho na nagkukwentuhan sa may couch sa bandang gilid ng room. Halata mo sa mukha nila ang pagod.

Maya-maya naman ay biglang may nagbukas ng pinto kaya naman napunta ang mga mata ng mga tao sa room sa babaeng dumating.

"Jade. Andyan ka na pala." Sabi ni Jema at agad sinalubong si Jade. Umiwas naman ako ng tingin sa kanila ngunit huli na ang lahat ng nakita ni Jade na gising na pala ako.

"Deanna? Gising ka na pala!" Masiglang sambit ni Jade kaya naman napalingon sa akin sila Jema.

"Deanna? Finally. Thanks be to God at gising ka na!" Biglang lapit sa akin ni Jema at bigla akong hinalikan sa labi.

Nagulat naman ako sa ginawa nya kaya agad naman akong namula. Kanina lang ay nakaramdam ako ng selos ngayon naman ay hindi ko alam kung paano ko itatago ang kilig na nararamdaman ko.

"Do you need anything? Nauuhaw ka ba? What do you want?" Aligagang tanong ni Ate Bea.

"Para kang sira Bea. Huminahon ka nga!" Saway sa kanya ni Ate Jho. Napangiti naman ako dahil sa totoo lang, namiss ko sila.

Hindi ko na alam kung paano ako nakaalis si poder ni Athena. Nawalan nalang kasi ako ng malay.

"Jema, anong nangyari? Paanong nandito na ako? Teka, nasaktan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

------
Jema's POV

Hindi ko akalain na makikita ko si Deanna sa ganong state after ng nangyari noong college palang kami with Ricci.

Flashback....

"Wag kayong papasok dyan!" Sigaw ni Athena ng mahuli nya kami pabalik sa room nya. After kasi naming marinig na parang may kumalabog ay pagkaalis nya, binalak namin na bumalik sa kwarto nya.

"May itinatago ka ba sa amin Athena?" Tanong ni Jade sa kanya.

"Wala!" Sagot naman nya.

"So if wala, bakit ayaw mo kami papasukin?" Tanong ko naman sa kanya.

Sasagot na sana sya ng may marinig akong boses.

"Help. Please. It's so cold." Sabay kalabog nya sa di ko malaman kung table ba o pinto para lamang lumikha ng ingay.

"Si Deanna!" Sambit ko.

"Wag na wag mo syang aagawin sa akin Jema!" Nagulat ako sa Athena na nakikita ko ngayon. Para bang isang demonyong Athena ito na kayang gumawa ng malulupit na bagay. Malayo sa Athena na hinangaan ko.

Nagulat na lamang ako ng suntukin sya ni Jade dahilan para bumagsak sya.

"Sige na Jema! Iligtas mo na si Deanna! Hanapin mo na sya!" Wika ni Jade.

"Maraming salamat Jade!" Agad naman akong pumasok sa kwarto ni Athena.

"DEANNA! NASAN KA? DEANNA?" Sigaw ko dahil hindi ko talaga alam kung nasan si Deanna.

"Je-Jema, I-I'm here. Please help me." Nanghihinang sigaw ng taong hinahanap ko. Agad kong sinundan kung saang gawi nagmumula ang boses na iyon hanggang sa dalhin ako ng boses na yon sa isang cabinet.

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon