Deanna's POV
Nagising akong masakit ang katawan ko. Wala na yung tama ng alcohol kaya naman nahihiya ako ngayon dahil naalala ko yung nangyari sa amin ni Jema kagabi . I know na nadala lang sya ng mga pangyayari kagabi. Sana walang magbago sa amin.
"Hmmmmm. Ang aga mo namang nagising inaantok pa ako Bes." Pagrereklamo nitong katabi ko. Halatang napagod sya sa pag-aasikaso sa akin...
"Bes, ahm are we good right? " Jema looked at me. Mababakas mo sa mukha nya ang pagtataka sa sinabi ko until nag sink in na sa kanya yung tinutukoy ko. Agad naman syang bumangon at tumakbong CR. Hahaha. Nahiya na po sya.
After ng morning routine namin ni Jema, nagdecide kaming umuwi na. Mamayang hapon pa naman next class namin.
Pag-uwi ko sa bahay agad akong sinalubong ni Mom. I kissed her cheeks and umakyat na ako sa kwarto. Ayokong isipin yung nangyari sa amin. Pero hindi mawala sa isip ko kung paano ako dinala ni Jema sa kakaibang mundo. Ugh. I think I'm blushing again. What was that?
I tried to divert my attention sa ibang bagay. I saw my books and nagstart nalang mag advance study ng lessons namin. After that natulog ako kasi mamaya pa naman ang pasok ko.
----------
Jema's POVNang makauwi ako sa bahay ay agad kong nakita si Ethan na nag-aabang sa labas ng bahay namin. Hindi ko sure kung alam nya yung ginawa ni Luigi kagabi. May hawak sya ngayong flowers and chocolates. I think alam ko na ang pinunta nya dito.
"Hi Jema Goodmorning. For you nga pala. " Sabay abot sa akin ng mga dala nya. Tinanggap ko naman ito at pinapasok sya sa bahay.
"Nay, Tay nandito na po ako. Ahm, Ethan sandali lang ah magpapalit lang ako ng damit." Sabay pasok ko ng kwarto ko para magpalit ng damit.
Paglabas ko ay nakita ko ng nakikipagkwentuhan si Tatay kay Ethan. Close kasi silang dalawa dahil nga noong bata palang ako ay lagi ng nandito si Ethan. Mabait naman si Ethan at gwapo. Minsan iniisip ko din kung bakit hindi ko sya magustuhan. Nag-aaral din sya sa Ateneo and Architecture naman ang kinukuha nya.
"Jema, mamaya pa di ba ang pasok mo? Mamaya pa din ako gusto mong sumabay sa akin? Dadalin ko naman kotse ko." May kaya sila Ethan unlike sa akin na sakto lang talaga ang buhay. Agad naman akong pumayag tipid din sa pamasahe.
.
.
"Oh ayan na pala si Jema eh. Oh, look she's with Ethan pala." Narinig kong sigaw ni Ponggay. Sinabayan na din ako ni Ethan sa paglalakad hanggang makarating ako sa classroom namin. Sya ang may dala ng bag ko. Nakita ko naman si Deanna na nag-iwas ng tingin sa amin."Sige na Ethan dito na ako. Salamat sa paghatid." Agad ko namang kinuha ang bag ko sa kamay ni Ethan. Pumasok agad ako ng room at tumabi kay Deanna. She smiled at me naman pero I think something is wrong with her.
" Deanna, pwede ba kong umupo dito?" Biglang tanong naman ni Jen kay Deanna. She nodded naman. Ugh. Andito na naman si Jen. Naiinis ako.
" Jema muka mo nakabusangot. Hahahaha!" Panunukso naman sa akin ni Kath. Inirapan ko nalang sya.
Ang weird ni Deanna ngayon. Ang tahimik nya. Dahil ba 'to sa nangyari sa amin? Akala ko ba okay naman kami.. ayoko ng ganitong feeling. Parang may wall sa amin kahit magkatabi lang naman kami.
Nakikita ko din na panay bulong ni Jen sa kanya. Tinitignan ko naman ng masama si Jen pero wala syang pakialam. Parang wala lang sa kanya yung mga tingin ko.
" Ahm guys. Mamaya nga pala hindi ako makakasabay sa inyo. Gagawa ulit kasi kami nila Jen ng research paper may need irevise kaya mag-oovernight ulit sila sa amin. " Deanna said kaya naman napatingin agad ako kay Jen na itinatago ang ngiti.
BINABASA MO ANG
Start of Something New
Fanfiction"I know that somethings have changed never felt this way and right here tonight this could be the start of something new" Gaya nga ng sabi nila, ang buhay ay parang isang libro, bawat pahina ay nagbibigay ng mga bagong bagay na matututunan mo. At du...