Jema's POV
"Bakit hindi mo na naman ginalaw food mo? Deanna naman. Ilang araw ka ng hindi kumakain. Paano ka gagaling nyan?" Mahinahon kong saad kay Deanna. Nakalabas na sya ng hospital. Bumalik na din sila Tita Judin sa US dahil may mga business meeting pa silang kailangang attendan. Kami namang mga kaibigan ni Deanna ang nagsasalitan sa pag-aalaga sa kanya.
Nandito kami sa condo nya. MWF and weekends, ako ang nag-aalaga sa kanya. TTH naman sila Bea at Jho. Kapag busy naman ako sa work ay si Pongs ang nag-aalaga sa kanya.
Nagwowork kasi ako habang nag-aaral. Part time lang sa isang system integrator company sa may QC. Taga gawa lang ako ng mga as built plan ng mga project nila gamit ang pag aautocad.
Nakabili ako ng condo at sasakyan bago ako grumaduate. Nagkataon kasi na need ng kaibigan ng pinsan ko ng pera kaya binenta nya yung kotse at condo nya sa akin kahit hulugan. Dahil mura lang yung offer ay tinanggap ko agad.
"Deanna, please kahit konti lang sumubo ka na. Kailangan mong kumain para makainom ka na ng gamot." Tinignan lang ako ni Deanna pero agad din naman syang umupo at inalalayan ko naman sya dahil hindi pa sya okay sa natamo nya sa aksidente. Nagkaroon ksi ng crack sa bandang ribs nya.
Susubuan ko sana si Deanna ng kunin nya ang spoon and fork sa kamay ko. Medyo nalungkot ako sa part na ganito lang sya lagi. Walang emosyon at hindi nagsasalita.
Sumubo lang ng kakaunti si Deanna at ininom na nya ang gamot nya. Hihiga na sana sya ng nakita ko sa mukha nya may iniinda pa syang sakit sa kanyang tagiliran kaya naman agad akong lumapit para alalayan syang humiga.
"Bab---Deanna, aalis lang ako saglit. Bibili lang ako bg stocks mo dito sa condo mo." Pagpapaalam ko sa kanya kahit nakatalikod sya.
Kinuha ko ang susi ko sa isang maliit na lamesita sa sala ni Deanna. Nakita ko din doon ang picture frame na naglalaman ng picture ni Deanna at Ate Jovz.
"Ate, ibalik mo na sa amin si Deanna. Kahit tulungan mo nalang sana kami na maibalik namin si Deanna sa dati. Miss na miss ko na sya." Naiiyak na pagkausap ko sa larawan ni Ate Jovz.
----------
Deanna's POV"Love, sure ka na ba sa akin?" Napalingon ako kay Love. Parang tanga lang. Hindi ba nya halata. Tsss.
"Love naman, tinatanong pa ba yan?" Sagot ko sa kanya sabay tingin ulit sa kalsada.
"Alam mo love, I don't want to have a fancy proposal to you. Gusto ko if ever sa kasal natin, yun yung magiging pinaka special day sayo. Love, Deanna, are you willing to spend the rest of your life with me?" Tanong ni Jovz sa akin.
"Love? Are you asking me to marry you?" Panunukso ko dito.
"I want to take care of you. I want to have a kids na sayo magmamana. I want to build a family with you. Love, I love you. Please, will you marry me?" Hindi ako makapaniwala na sinasabi ni jovz. Kinikilig ako.
"Yes love! I would love to marry you. Hahaha. Pero seriously, totoo ba to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya kaya naman bigla syang lumingon ulit sa akin.
"Yes, love. Oh! My bad, the ring. Wait, I will get it here." Sabay yuko ni love habang may kinakapa sa ilalim ng manibela nya.
" I got it Love! " Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano nya ako kamahal. Hanggang sa may narinig akong busina papalapit sa amin.
"LOVE!!!!!!!"
Biglang bangon ko sa kama sabay hawak sa tagiliran ko dahil sumakit ito pero tulo pa din ng tulo ang luha sa pisngi ko."Deanna! Oh my God! What happened?" Biglang dating ni Jema. Agad ko naman syang niyakap.
BINABASA MO ANG
Start of Something New
Fanfiction"I know that somethings have changed never felt this way and right here tonight this could be the start of something new" Gaya nga ng sabi nila, ang buhay ay parang isang libro, bawat pahina ay nagbibigay ng mga bagong bagay na matututunan mo. At du...