Chapter 8

479 22 6
                                    

Jema's POV

"Bes? Why? What are you doing here?"

Bigla naman akong napalingon sa taong nagsalita. Napatayo naman ako ako para yakapin sya.

"Bes kamusta ka? Okay ka ba? May nangyari bang masama sayo?" Tanong ko kay Deanna habang chinecheck buong katawan nya.

"What are you talking about? Syempre okay lang ako. Nasa bahay lang naman ako. Ikaw ang dapat kong tanungin. Anong ginagawa mo sa ganitong oras? Late na oh. Pano ka nakarating dito?" Deanna said.

"Kasi naman bes kanina pa kita tinetext hindi ka naman nagrereply. May itatanong lang naman ako sa assignment natin eh. " Sagot ko kay Deanna. Kita naman sa mukha nya na hindi sya makapaniwala sa dahilan ko kaya naman magkasalubong na naman ang dalawa nyang kilay.

"Oh kilay mo magkasalubong na naman." Hinawakan ko ang magkasalubong na kilay nya para paghiwalayin.

"Hay nako Jema. Tara na nga sa taas at sagutan na natin yang ipinunta mo dito." Nginitian ko lang sya at hi-nug.

"Thank you bes. Di mo talaga ako kayang matiis no. Hahaha. " Irap naman ang sinagot sa akin ni Deanna.

Paakyat na kami sa taas dahil nasa taas ang kwarto nya. Naitanong ko din kung sa bahay ba nila matutulog sila Jen. Napag-alaman ko na din na patulog na pala sila dapat kung hindi ako dumating.

Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ni Deanna ay biglang lingon naman sakin ni Jen na nakataas ang isang kilay. Ano ka ngayon? May masama kang balak sa bestfriend ko no. Hahahaha. Sige Jema, tawang kontrabida muna tayo ngayon.

"Bes, simulan na natin. Inaantok na ako eh." Sabi naman sa akin ni Deanna.

"Sige bes bukas nalang kung inaantok ka. Pwede bang dito na din ako matulog.?" Tanong ko kay Deanna ng biglang sumabat si Jen.

"Hey D, tara tabihan mo na kami. Matulog na tayo." Pag-iinarte ni Jen habang masama ang tingin sa akin.

"Ahm, Jema kayong apat nalang nila Jen sa kama. Tutal kasya naman ang apat dyan di ba Jen?"
Pareho naman kaming tumingin ng nakasimangot kay Deanna. Akala ko pa naman kami ang magkatabi.

"Ano? Dito nalang ako sa couch. Sige na matulog na kayo. May pasok pa tayo bukas." Sabi ni Deanna sabay higa sa couch nya.

Tinignan ko naman ng masama si Jen at ganon din sya sa akin. Humiga na nga ako sa tabi nya. Nagkumot din ako pero hinihila ito ni Jen. Aba sinusubukan ata ako ng babaeng to ah.

"Jen ano ba. Bakit ba hila ka ng hila sa kumot?!" Galit na bulong ko kay Jen.

"Kung hindi ka lang naman kasi pumunta dito, edi sana katabi ko si D!" Aba mapipikon ako ng babaeng to ah.

" Kung hindi ako pumunta dito, baka na-rape mo na si Deanna! "

" Tsk. Manahimik ka Galanza. Ang dumi ng utak mo! " Sagot naman ni Jen sa akin. Konting konti nalang talaga masasabunutan ko na tong babaeng to. Hindi ko nalang sya pinatulan. Sinilip ko nalang si Deanna mula sa pagkakahiga kung natutulog na ba sya. Agad naman akong napangiti noong mapansin kong malalim na ang paghinga nya.

" Goodnight bes. I love you. " Bulong ko sa isip ko hanggang sa dalawin na ako ng antok.

------

Isang buwan na din ang nakalipas noong nakitulog ako sa bahay nila Deanna. Binabantayan ko pa din sya palagi kay Jen. Si Jen naman ay tila inis na inis na sa pangbabakod ko sa bestfriend ko.

"Bes? Pwede mo ba akong samahan mamaya?" Tanong sa akin ni Deanna.

"Saan naman bes? Kainan ba yan? Tara!" Sagot ko naman sa kanya.

"Sa Uptown lang bes. Makikipagkita lang ako kay Ricci. May sasabihin daw kasi sya sa akin. Sama ka na bes please. " Pagpipilit ni Deanna sakin habang nakapout. Medyo hindi naman maganda ang kutob ko sa pwedeng mangyari.

"Sige sige. Samahan kita. "








Nandito na nga kami sa mall habang hinihintay si Ricci. Agad naman namin syang nakita ang yumakap agad kay Deanna. Napansin nya atang kasama ako kaya taka nyang tinignan si Deanna.

"Sorry Ricci, sinama ko nga pala si bes. Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong agad ni Deanna kay Ricci.

"Ahmmm. Kumain na muna tayo. Doon nalang tayo mag-usap. Quick catch up lang sa mga pangyayari sa buhay. You know dating gawi. " Bigla ko namang tinignan si Deanna at kita sa muka nya ang pamumula. Nacurious tuloy ako.

Habang naghihintay ng order ay biglang may tumawag sa amin.

" Jema? Ricci? Uy pare kayo nga. Anong ginagawa nyo dito? " Paglingon ko ay nakita ko si Ethan. We invite him naman to join us and he gladly accept it.

" Wow. Parang double date tayo ah. Mukang naamin mo na kay Deanna Ricci ah." Biglang sabi ni Ethan.

" Huh? Anong naamin? Anong aaminin mo Ricci? " Takang nilingon ni Deanna si Ricci na tila namumutla na sa biglang panlalaglag ni Ethan sa kanya. Sinamaan naman ng tingin ni Ricci si Ethan kaya kumain nalang si Ethan.

" Ah. Deanna, kasi. Ahm. Pwede ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang? " Tinignan naman ako ni Deanna para malaman kung anong gagawin nya. Nginitian ko lang sya bilang pagsang-ayon. Parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko ngayon.

Lumayo naman sila Deanna. Agad naman akong kinausap ni Ethan.

" Jema, may gusto ka ba kay Deanna? " Tanong ni Ethan sa akin. Bigla naman akong nagulat sa tanong nya. Wala sa isip ko kung bakit ako nagiging teritorial sa bestfriend ko. Ang gusto ko lang naman na ako lang ang nagpapasaya sa kanya. Gusto ko na sa akin lang ang atensyon nya. Pero never pumasok sa isip ko na may gusto ako sa kanya. Hello. Straight kaya ako.

"Nagpapatawa ka ba? Ako? May gusto kay Deanna? Hahahhahahhhaha. Baliw. Straight ako no. Binabantayan ko lang yun. Parang bata kasi yun sa sobrang inosente. Parang kailangan alagaan lagi. Hindi marunong makaramdam sa paligid. Hahaha. " Pagdedepensa ko naman sa aking sarili.

"Easy ka lang. Nagtatanong lang naman ako eh." Pagtawang sagot ni Ethan.
----------
No One's POV

Lingid sa kaalaman ni Jema ay nasa likuran lang pala nya si Deanna na kakatapos lang makipag-usap kay Ricci. Aminin man nya o hindi, she's badly hurt on what she heard. She smiled bitterly and humarap bigla kay Ricci.

















"Ricci, pumapayag na ako. I'll give you a chance."

Biglang napalingon si Jema kay Deanna.

" Chance of what bes? Saka kanina ka pa dyan? " Namutla si Jema ng marinig si Deanna na nagsalita sa may gawing likod nya.

The next scene broke Jema's heart unintentionally.

Ricci gave Deanna a tight hug and kissed Deanna's forehead.














" GUYS! PUMAYAG NA SI DEANNA! I CAN COURT HER NA!!! "

*******
So Jema paano na? Ano ng gagawin mo? Hahaha.

Hello. May nagbabasa ba? Anong masasabi nyo sa story?

Share ko lang guys. Ang saya saya ko kahapon kasi nakita ko si Deanna sa USANA Business Summit kagabi. Andon din si Ibyang. Kaloka ang fresh fresh talaga ni Boss D.

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon