Chapter 9

494 23 3
                                    

Deanna's POV

Nang umalis kami sa table namin ay agad naman akong kinausap ni Ricci. Lumipat lang kami ng table para lang makalayo sa kanila.

"Deanna, please listen to me. I don't know when pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Deanna, I like you. Please let me court you. I will do everything for you, just please let me. Deans, look, I am sincere here. Highschool palang tayo I know you are very special to me. I tried to hide this feelings pero lalo lang lumalalim eh. But please deanna, allow me to court you." Bakas sa mukha ni Ricci na seryoso sya sa sinasabi nya. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko.

Ricci is a basketball player when we are highschool palang. Everytime na nagkakasalubong kami, lagi nya akong binabati. Mabait si Ricci at hindi mapagkakailang gwapo. Yes, I am attracted to him pero hindi sa way na I will like him romantically. Hindi ako makasagot sa tanong nya but I need to answer him.

"Ricci, thank you but can I think of it first?" Yan agad ang nasabi ko. Gusto ko munang sabihin kay Jema ang tungkol dito. Si Jema kasi agad ang naisip ko kaya naman agad na din akong bumalik sa table namin hanggang sa narinig ko ang usapan nila Jema at Ethan.

" Jema, may gusto ka ba kay Deanna? " Tanong ni Ethan kay Jema. Hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako sa tanong ni Ethan. Mas nagulat naman ako sa naging sagot ni Jema.

"Nagpapatawa ka ba? Ako? May gusto kay Deanna? Hahahhahahhhaha. Baliw. Straight ako no. Binabantayan ko lang yun. Parang bata kasi yun sa sobrang inosente. Parang kailangan alagaan lagi. Hindi marunong makaramdam sa paligid. Hahaha. " Pagdedepensa ni Jema sa sarili nya. Bigla akong nakaramdam ng sakit. So ang tingin pala sa akin ni Jema ay parang bata na kailangang alagaan? Kaya ba sya ganito sa akin? Maalaga? Kaya ba lagi syang nandyan? Nagiging pabigat lang ata ako kay Jema. Akala ko kasi. Akala ko may iba syang gustong iparamdam sa akin. Akala ko kasi, parehas na kami ng nararamdaman. Bakit ganito ang sakit. Parang may nakabara sa lalamunan ko sa mga oras na to.

"Easy ka lang. Nagtatanong lang naman ako eh." Tumawa naman si Ethan na kapansin-pansin na nagkaroon ng pag-asa sa panliligaw nya kay Jema.

Bigla kong naalala si Ricci. Should I give him a chance? An opportunity to court me? Para ngayon palang mapigilan ko na kung ano man tong mabigat na nararamdaman ko towards Jema. I know this is wrong. And with this decision, hopefully I can make things right. (sana nga Deanna tama yang gagawin mo malay mo mas lalo mo lang marealize ang mga bagay-bagay. opps shut up na ulit si author)

And with that, I faced Ricci and said this words na magpapabago ng lahat sa amin ni Jema.

"Ricci, pumapayag na ako. I'll give you a chance."

.
.
..
....

" Chance of what bes? Saka kanina ka pa dyan? " Nakita ko ang biglang pamumutla ni Jema ng marinig nya ang sinabi ko. Bakas na bakas sa istura nya ang pagkabigla sa biglaang pagbabalik ng presensya ko. Bakas din sa kanya ang pangangambang narinig ko ang mga sinabi nya.

Tinignan ko naman si Ricci. Sa itsura nya ay hindi sya makapaniwala sa naging sagot ko. Sino nga naman ang hindi magugulat. Kanina lang ay sinabi kong pag-iisipan ko muna ang mga bagay-bagay tapos I suddenly change my mind naman ngayon.

Nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit at halikan sa may noo. A show of respect. How I wish na tama ang naging desisyon ko.

" GUYS! PUMAYAG NA SI DEANNA! I CAN COURT HER NA!!! "

Biglang sigaw ni Ricci na nagpatulala naman kay Jema. Nagkatinginan lang kami ni Jema and we smiled weakly to each other.

"Wow pare goodluck! Deanna wag mo ng pahirapan tong tropa ko! Mabait yan!" Bati naman sa amin ni Ethan.

Tahimik lang si Jema ng makabalik na kami sa upuan namin. Ni hindi na nya ginagalaw ang pagkain nya. Hindi ko naman sya matiis kaya kinausap ko na sya.

"Bes? Are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong ko kay Jema na ikinaangat naman ng ulo nya para harapin ako.

--------
Jema's PoV

"Bes? Are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong ni Deanna sa akin.

Kung alam mo lang Deanna. Sobrang sakit na ng dibdib ko. Gusto ko ng maiyak. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko simula kanina noong pinayagan ni Deanna si Ricci na manligaw sa kanya. Parang pakiramdam ko nawalan ako ng isang taong sobrang halaga sa akin. Pakiramdam ko sa mga oras na yun mawawala na sa akin si Deanna. Ang bestfriend ko. Gusto kong tutulan yung naging desisyon ni Deanna pero sino lang ba ako. Wala akong magawa kundi kimkimin yung sakit na nararamdaman ko. Natatakot ako na baka bukas, hindi na ako yung kailanganin ni Deanna.

" Huy! Bes? Are you with me? Sabi ko may masakit ba sayo? " Muling tanong sa akin ni Deanna.

" Parang nahihilo lang ako bes. Pwede bang umuwi na tayo? " Mahinahong salaysay ko kay Deanna.

" Ahmmmm. Jema, okay lang ba ako na ang maghatid kay Deanna? I think Ethan will accompany you naman. Am I right Ethan? "
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ngayon palang feel ko magkakaron na kami ng harang ni Deanna. Ugh. Gusto ko na umiyak. Hindi na ata kaya ng mata kong pigilan ang mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Oo naman Ricci. Hahaha. Grabe ka pare sinusulit mo agad unang araw ng panliligaw mo. Don't worry ako na bahala kay Jema magkapitbahay lang naman kami halos. Tara na Jema." Sabay akbay sa akin ni Ethan. Nakita ko naman na nakatingin lang sa akin si Deanna. Maya-maya ay inakbayan din sya ni Ricci.

"Ahm. Paano bes? Ingat kayo ah. Ethan ikaw ba bahala kay Jema. Bye bes." Sabay beso naman sa akin ni Deanna.

"Hoy Ricci, baka naman magfirst base ka agad kay Deanna ah. Nanliligaw ka palang remember?" Biglang sabi ni Ethan. Palihim kong naikuyom ang mga kamay ko sa sinabi ni Ethan. Tinignan ko naman si Deanna na natawa lang sa sinabi ni Ethan.

"Gago ka Ethan! May respeto ako kay Deanna! Oh sige na, ingat kayong dalawa. " Nagwave naman si Deanna at ganon din ako sa kanya. Mabigat ang bawat hakbang ko papuntang parking area. Pinagbuksan naman ako ni Ethan ng pinto ng kotse nya.

Tahimik lang ako habang nasa byahe. Sinabi ko nalang kay Ethan na nahihilo ako kaya hindi na sya nangulit sa akin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang binabaybay namin ang daan pauwi sa amin.

Nang makarating ako ng bahay ay agad akong pumasok ng room and from that, the tears that I was trying to stopped before are now flowing nonstop. Humihikbi na din ako sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. Basta ang alam ko lang, sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Humiga ako sa kama kahit hindi pa ako nagpapalit ng damit. Pilit kong pinagkasya ang sarili ko sa kumot habang sinisiksik ang aking mukha sa unan ko. Hindi ko mapigilan ang bawat pagpatak ng luha ko.





"Deanna......ang sakit."
Huling nabanggit ni Jema bago sya dalawin ng antok.

*******
Last update for today. Magbabasa muna si author. Biglaang author lang naman kasi ako. Shout-out po kay KakashiSensei_07. Kakahintay ko lang talaga sa update nya kaya ako napagawa ng story eh. Hahaha.

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon