Chapter 33

533 22 9
                                    

JEMA'S POV

Sobrang daming nangyari sa mga nakalipas na buwan. Hindi ko alam kung paano namin nakayanan ni Deanna lahat ng pagsubok na dumating. Sadyang naging sandigan lang namin ang isa't isa sa mga panahong 'yon.

"Byyyy! Si Jaydee umiiyak na. Nasa loob ako ng CR, can you please get him?" Rinig kong sigaw ni Deanna mula sa CE.

Jaydee Anthony G. Wong, baby ni Athena and Deanna. Sadly, hindi talaga na-save ng mga doctor si Athena. Sadyang hindi na kaya ni Athena yung impact ng nangyari sa kanya kaya naman pinilit ng mga doctor ma-save yung baby nila.

Hindi naging madali lahat para sa amin ni Deanna. Parehas kaming walang idea kung paano mag-alaga ng bata. Ilang buwan din kaming puyat dalawa. Pero napapangiti nalang ako kapag nakikita ko ang pagiging mabuting mama ni Deanna sa anak namin. Yes, anak namin. Ako na ang naging partner ni Deanna sa pagpapalaki kay Jaydee. Hindi mahirap mahalin si Jaydee kahit hindi sya galing sa akin. Paano ba naman, kuhang kuha nya ang features ni Deanna, mula kilay, mga mata pati na din lips. Ilong lang ata ang hindi.

"Bakit umiiyak ang baby namin? Gutom na ikaw?" Sabi ko habang dahan-dahang kinakarga si Jaydee para ihele. Tumahimik naman agad si Jaydee ng kargahin ko sya at biglang ngumiti.

"Hay nako. Manang mana ka sa mama mo, gustong gusto na nakadikit sakin" sabi ko habang nakangiti sa kanya.

Nagulat nalang ako ng may yumakap sa may bewang ko. Shocks, ang bango naman ng baby damulag ko.

"Bakit? Ayaw mo na ba sa first baby mo ah?" Bulong ni Deanna sa tenga ko habang nakapatong sa balikat ko yung chin nya.

"Ang selosa mo po" natawa naman sya at ganon na din si Jaydee.

"Hi baby ko, anong nginingiti mo dyan ah? Naiintindihan mo na ba pinag-uusapan namin ni mommy mo ah" Pagbibiro ni Deanna kay Jaydee.

"Jema, baby, akin na si Jaydee, you must take a shower na. Kanina pa hinihintay nila mama si Jaydee." Sabi ni Deanna kaya naman agad kong ibinigay si Jaydee sa kanya.







.
.
.
.
.

Deanna's POV

Nandito na kami sa bahay nila mama para iwan muna si Jaydee sa kanila. Mga ilang araw din kasi kaming mawawala ni Jema dahil sa project na kailangan naming puntahan sa Japan. Magandang opportunity ito para sa akin. Kahit na magkaiba kami ni Jema ng natapos na course, nagiging katulong ko naman sya sa mga ilang bagay kaya syempre hindi ko sya iiwan dito sa Pilipinas..

"Ma, kumpleto na gamit ni Jaydee dito. Kapag may kailangan kayo don't hesitate to call me po. Wag nyo po sya ilalabas sa gabi ma ah. Baka makagat sya ng lamok. Yung gatas nya Ma laging bago dapat ah. Saka---Ahhhray!" natigil naman ako sa pagsasalita ng kurutin ni mama ang tagiliran ko.

"Ako nagpalaki sayo Deanna baka nakakalimutan mo! "
Sigaw ni mama.

" hehehhehe oo nga po sabi ko nga . Oh paano po Mam, alis na po kami ni Jema ah" nagmano naman ako bilang pag galang.

.
.
.
.
.
.
.
(AIRPORT)

Nandito na kami sa airport at hinihintay tawagin yung flight namin. Habang nakaupo kami sa bench ay may isang FA na panay tingin sa akin. Nagkataon naman na tinignan ko na din sya at nagsalubong ang mga mata namin. Nakita ko nalang na biglang namula yung pisngi nung FA saka umiwas ng tingin.

" Aray!!!!! " sigaw ko ng kurutin ako ni Jema sa tagiliran ng pinong pino. Maiiyak na ata ako sa sakit dahil para bang nalapnos yung balat ko sa pino ng kurot nya.

" Ang harot mo Deanna Wong! Akala mo hindi ko nakita yun ah? " namumulang sabi ni Jema.

" Wala naman akong ginagawa ah! " pagtatanggol ko sa sarili ko.

" Wag kang malandi! May anak ka na baka nakakalimutan mo ah! " sabay irap sa akin ni Jema.

Buong byahe namin ay hindi ako kinikibo ni Jema. Maya-maya lang ay nakita kong papalapit yung FA na nakita ko kanina.

" Good-evening Miss. Do you need something?" Tanong ng FA sa akin. Sa pagkakabasa ko sa nameplate nya, her name is Katrine.

" Ohhh I-"

" None! We just want to sleep okay?! " mataray na sabat ni Jema kaya naman tinaasan na din sya ni FA girl ng kilay.

"Hehehe we're okay miss. Thank you." Nakangiwi kong saad sa FA.

Umalis na si Miss Katrine sa tabi namin ni Jema kaya naman itong katabi ko ay nakasimangot pa din hanggang ngayon. Mukang matagal tagal akong manunuyo.
























JEMA'S POV

Nandito na kami sa room namin. Hindi ko pinapansin si Deanna kanina pa. Tumahimik na din sya kaya naman mas nagtatampo ako. Sinukuan ba naman ako bigla. Nandito ako sa couch habang sya naman ay nakahiga na sa kama. Gabi na din pala at hindi pa kami nagdidinner.

"Hindi ba tayo kakain ah?" Sigaw ko mula sa couch.

Walang sumasagot na Deanna. Naiinis na talaga ako. Agad akong tumayo para puntahan sya pero I found her under the comforter.

"Aba! Sarap na sarap buhay mo kahit nagtatampo ako ah!" Sigaw ko kay Deanna.

Hindi ko na napagilan at hinila ko na yung comforter na nakabalot kay Deanna.

"Deanna ano ba! Gabi na hindi ba--" natigil ako sa pagsigaw ko when I felt something hot. Omg. Ang taas ng lagnat ni Deanna.

"Baby! Bat naman hindi mo sinabing masama pakiramdam mo! " Nag aalalang saad ko kay Deanna habang sinasalat ang noo at leeg nya.

" Hindi mo naman kasi ako pinapansin" nanginginig na sagot nya kaya naman naguilty ako sa ginawa ko.

" Hay nako Deanna, dumayo ka pa talaga ng lagnat dito sa Japan. "


Papalitan ko na sana ng damit si Deanna when I felt something on her pocket. It's like a box.

" Jema, don't. Don't get it pls baby. " mahinang bulong ni Deanna kaya naman napataas nalang ako ng kilay. Syempre bilang si Jema, hindi ko sya sinunod kaya hinugot ko sa bulsa nya yung nakapa kong box.




" OMG! "
Sigaw ko ng makita ko kung anong box yung hawak ko.

" Haiyyytsttt! Aching! Ehem! " Napatingin ako kay Deanna na ngayon ay magkasalubong na ang kilay.

" This is not what I expected. Why are you so kulit Jema! " Disappointed na sabi ni Deanna sabay agaw sakin nung box na hawak ko.



" Anyway, Jema, alam ko naman na madami ba tayong pinagdaanan, I just want to ask you, ----+++"

" YES BABY! YES! YES! YES! " hindi ko na pinatapos si Deanna at pinaulanan sya ng halik.

" Jema naman eh, hindi mo na ako pinatapos." Natatawang saad ng baby ko kaya naman kiniss ko na sya sa lips.

"I love you Deanna Wong. " Sabay tingin ko sa mga mata nya kaya naman hinila nya ako para sa isang mahigpit na yakap.













"I LOVE YOU JEMA, MY FUTURE WIFE."


**************
HI. KAMUSTA KAYO? :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Start of Something NewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon