"Lara!!" Malakas na pagtawag ng kong sino sa pangalan ko. Nilingonin ko ito."Bakit?" Takang tanong ko sa kan'ya nang makalapit ito sa 'kin. Siya si Justine. Ka co-workers ko dito sa company na pinagtatrabahuhan ko.
Napakamot ito sa kan'yang batok, nahihiya ako nitong tinignan bago nagsalita. "Uhm ano kasi! Gusto lng kitang ayain lumabas mamaya, kung p'wede lng sa'yo."
"Sure. It would be my pleasure." Walang pag alin-langan na ani ko sa kan'ya na agad naman nitong ikinangiti ng mawalak.
Kaya ako pumayag dahil wala naman akong gagawin mamayang pag uwian. Nagpaalam na si Justine sa'kin na babalik na sa kan'yang ginagawa. Magkita na lng daw kami mamaya.
Naglakad ako pabalik sa office ni Boss dala-dala ang kapeng hawak ko. Medyo natagalan ako pagkuha ng kape dahil kay Justine.
Baka pagdating ko pagalitan at bungangaan ang matanggap ko sa masungit na pinaglihi sa kung ewan na boss ko. Araw araw ba naman galit, kulang ata sa lambing.
"Lara! Tinatawag ka ni Boss. Mukhang galit na naman ata." Pagtatawag pansin ni Ellaine sa'kin habang naglalakad. Oh! Kita mo na galit na naman.
sh't, lagot ka, Lara! Mukhang makakatanggap ka na naman ng word of wisdom galing sa hot, at pogi mong Boss. Sa tuwing na aalala ko ang kan'yang yummy na pandesal ay hindi ko mapigilan mag laway.
Ikaw ba naman makakita nang anim na abs, hindi ka ba maglalaway.
Binilisan ko ang paglalakad patungo sa office ng Boss ko.
"Sir! Tinatawag n'yo daw po ako?" Tanong ko ng makarating ako. Napalunok ako dahil sa kan'yang matalim na titig.
"Where's my coffee?" Malamig na ani nito sa'kin habang hindi inaalis ang kan'yang matalim na titig sa'kin.
Napakamot ako sa aking batok, wala naman akong nagawang kasalan para tignan n'ya akong nakakamatay na tingin, maliban na lng natagalan ako dahil kinausap pa 'ko ni Justine.
Sa paraan ng pagtingin n'ya parang may krimen akong ginawa. Dali dali kong inilapag ang tasa na dala ko sa kan'yang table.
"Ito na po, sir. Pasensya kong natagalan." Pagpahingi ng pasensya ko sa kan'ya. Hindi ito nagsalita, nakatitig lng ito sa'kin habang iniinom ang kapeng dala ko.
⊙_⊙
Napalaki bigla ang aking mata sa kan'yang ginawa. Mainit pa 'yung kape, bakit ininom n'ya ng biglaan? Hala! Hindi ko pa naman nilagyan ng kunting tubig.
Patay!!!
"F*ck, sh*t." Malutong na mura nito. I bite my lower lip to stop my laughing.
Kahit medyo kinakabahan ay nagawa ko pang tumawa.
"Give me a cold water, faster!!!" Malakas na sigaw nito kaya dali dali akong nagtungo sa water dispenser sa loob nang office ng amo ko.
Napakamot ako sa batok ko dahil sa kag*gahan ko, ay katang*han pala ni boss.
May water dispenser pala dito bakit sa labas pa ako pinatimpla ng kape? Ang sarap magdabog at bigwasan ang amo ko. Deserve n'yang mapaso.
Napangisi ako ng biglang may pumasok na kalokohan sa utak ko.
"ito na po, Boss." malawak na ngiting ani ko sa kan'ya. Tinignan n'ya lng ako ng matalim na tingin.
I secretly rolled my eyes on him para hindi n'ya ako mahuling tinatarayan ko siya. . Attitude, s'ya na nga 'yung pinagsisilbihan.
"F*ck," nagtataka kong tinignan ito dahil sa pag mumura n'ya ulit.
Mas naging matalim ako nitong tinignan, kung nakakamatay lng mga titig siguradong pinaglalamayan na ako ngayon.
Kinabahan ako dahil sa titig na pinipukol nito sa'kin.
"Ang sabi ko malamig na tubig, hindi mainit. Nakakaintindi ka ba nang english, Lara?" Malamig na tanong nito sa'kin habang hindi pinuputol ang matalim na tingin nito sa'kin.
Napalunok ako bigla sa sariling laway.
"Ay mainit po pala ang nakuha ko, hindi ko na pansin eh!, hehehe!!" nagpa piece sign ako sa kan'ya.
Napahilot ito sa kan'yang sintido na para bang problemado sa'kin.
Nagpakawala ito ng malalim na hininga nagpapahiwatig na kinakalma n'ya ang kan'yang sarili.
"Get out, sumasakit ulo ko sa'yo." Malakas na sigaw nito sa'kin habang hindi ako tinitignan.
"Ako na ho! Ang hihilot sainyo para hindi na ho! kayo mapagod."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. I SAID GET OUT."
"Bakit ka ba sumigaw? Hindi naman ako bingi ah!" Malakas din na sigaw ko sa kaniya na ikinatingin nito sa'kin.
Gulat ang rumehistro sa kaniyang mukha na nakatingin sa'kin. Matalim ang pinukol ko sa kan'ya. Kanina pang sigaw ng sigaw, hindi naman ako bingi. Kanina pa ako nagtitimpi dito dahil utos ng utos.
Aba! na mumuro na s'ya sa'kin.
"Ikaw na nga 'yung pinagsisilbihan, ikaw pa 'yung galit. Baka nakakalimutan mo hindi mo ako alipin, ASAWA mo 'ko. Sa labas ka matutulog mamayang gabi. Letsë ka!" Inis na inis na saad ko dito at padabog na umalis sa kan'yang opisina.
Narinig ko pa 'tong sumisigaw pero hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.