"Hello, bakit ka na patawag ma?" Pag bungad na salita ko dito. Nagmamadali akong inaayos ang aking sarili.
Tinignan ko ang kabuohan sa salamin nang makitang maayos na ang aking sarili ay nagmamadali akong umalis sa bahay.
"Pumunta ka dito mamayang alas s'yete nang gabi, may importante akong sasabihin." Saad nito sa kabilang linya.
Nandito na ako sa labas nang bahay nag aantay nang masasakyan patungo sa pupuntahan ko.
Nang makakita nang taxi ay ay agad ko itong ipinara at sumakay.
"Ma! Alam mo naman na mas'yado akong busy. Bakit kailan ko pang pumunta d'yan kung pwede naman na sabihin mo na ngayon." Nagsisimula na akong mairiti sa magulang ko.
"Hindi pwede, basta aasahan kung pupunta ka mamaya, at saka matagal ka nang hindi dumadalaw dito sa'min, na missed ka na din nang daddy mo."
"Fine, Tsk! may magagawa pa ba ako?"
Napabuntong hininga ako dahil kahit na anong idahilan ko ay wala akong magagawa. Hindi kami in a good terms nang pamilya ko.
Simula no'ng kabataan ko ay umalis ako sa bahay nang sa kadahilanan na ang higpit nila sa'kin sa lahat nang bagay, ang kilos mo dapat ay desinte ultimo pagkakaroon nang kaibigan ay pinagbabawalan nila at paglabas nang bahay at unfair din ang trato nila sa'kin kaysa sa kapatid ko.
Halos lahat na hilingin nang kapatid ko ay agad agad ibinibigay samantalang ako ay kailangan pang umiyak at magkamaawa sa kanila bago ibigay ang hinihiling ko kaya simula noon ay umalis ako nang walang nakakaalam at doon na din nagsimulang lumayo ang loob ko sa kanila.
"Ma'am pasensya na po nagkaroon po nang aberya ang sasakyan. Hanggang dito na lng po ako ma'am." Napapikit ako nang mariin nang biglang magsalita ang driver na nasa unahan ko.
Nag abot ako sa kan'ya nang pera bago bumaba sa kaniyang sasakyan.
Sh*t ang malas! Paano nato? Late na ako.
Naiiyak kung tinignan ang relo. Sh*t five minutes late na ako. Ipinakalma ko ang sarili ko bago tuluyan na naglakad, siguro kailangan ko mo nang maghanap nang sasakyan.
Tatawid na sa na ako nang biglang may sasakyan na muntikan na akong mabundol. Napatulala ako bigla at napahawak sa aking bandang dibdib ang lakas nang tibok nang puso ko.
Nabitawan ko na din lahat nang mga dala kung papeles na kailangan sa pag apply nang trabaho.
Aba! G*gong 'yun ah!
Huminto ang sasakyan sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, nagmamadali kung pinulot lahat nang papel na nalaglag nang matapos sa pagpupulot ay nagmamadali akong nagtungo sa taong hindi marunong tumingin sa dinadaanan.
"Hoy! Kung sino ka naman lumabas ka. Kausapin mo ako. Hindi ka ba marunong magmaneho ha?!!" Galit na galit na sigaw ko habang pinaghahampas ang kaniyang magarang sasakyan.
Aba! Kahit sino man s'ya ay hindi ko s'ya uurungan dahil unang una sa lahat s'ya 'yung may kasalanan.
Napatigil ako sa pagkakalampag sa kaniyang sasakyan nang biglang bumakas ang bintana nang kotse sa harapan ko kaya medyo napa atras ako dahil sa gulat.
Nang matauhan sa pagkagulat ay agad ko itong binungangaan. Wala akong pakialam kung nakakaabala kami sa ibang sasakyan na dadaan pa.
"Hoy! mister na kung sino ka man, papatayin mo ba, Huh! Ang laki laki nang daanan nakuha mo pa akong bundulin. Bulag ka ba Huh?" Pagtataray na saad ko dito at sinabayan pang duruduruin.
Hindi ko makita ang kabuohan nang kaniyang mukha dahil bukod sa naka shade ito ay naka mask pa ito.
Bigla akong napatigil sa pagtatalak nang hubarin n'ya ang kaniyang mask at shade na siyang ikinanganga ko.
⊙_⊙
Oh sh*t ang gwapo. Na sa heaven na ba ako? Lord kung s'ya ang itusan mo para sunduin ako sa na naman ay noon mo pa ako kinuha, willing po akong sumama agad sa kaniya.
Napailing-iling ako dahil sa kung ano-ano bigla ang pumasok sa isipan ko.
"Ano wala kang sasabihin? Hindi ka hihingi nang sorry sa'kin? Ikaw na 'yung muntik na makasagasa sa'kin. "
"No, why would I?" Nakangising ani nito sa'kin na siyang ikinanganga ko.
Ang hot pa ng boses, owsh't kaso tar*ntado.
"Aba't hoy! Mister who you are. Ikaw na nga 'yung muntik nang makasagasa sa'kin tapos hindi kapa hihingi nang sorry sa'kin, aba'y napaka bait mo naman na nilalang. " sarkastikong ani ko sa kaniya.
Sa sobrang bait n'ya pwede na siyang kunin ni lord.
"Can you please shut up? I'm getting annoyed here. Oh sh't I'm dead." Bigla nitong ibinuhay ang makina nang sasakyan.
Nakatingin ito sa kaniyang cellphone na bigla na lang tumunog.
"I'm late, this is your all fault." Panunumbat nito sa'kin at sinabayan pang duruin ang mukha ko na siyang ikina atras ko.
"Aba't woi ako pa ngayon ang may kasalanan pagkatapos mo akong muntik na ma bundol." Galit na tumingin ako dito kahit na gwapo s'ya ay talagang hindi ako mananahimik dito nang dahil sa kaniyang ginawa.
"Antip*tiko, hoy bumalik ka dito." Tawag ko dito nang bigla nitong ipinaharorot ang kaniyang sasakyan. "Bwes't nakakabanas. Babawi ako kapag nagkita man tayong muli."