“Take a bath. You look like a shît.” Walang prenong saad nito. Itong taong ‘to walang filter ang bunganga kung makapag salita.
“Ikaw kanina pa ganiyan sa akin ah! Na mumuro kana sa akin, kaunti na lng mauubos na pasensya ko sa’yo, kinginang ‘to.” Nang gagalaiti kong sabi dito at sinabayan pang duruduruin ang kaniyang mukha.
Oo nagmumura ako lalo na kapag ginagalit ko. Gaya ng ganito. I look at him intently, his eyes makikita mo sa kaniyang mga mata ang pagka mangha.
Pagkamangha saan? Sa pagmura ko sa kaniya? Or sa pag sagot sagot ko sa kaniya? Baliw talaga ang isang ‘to, sarap ipatapon sa tubig.
“Wear this,” inabot nito sa akin ang hawak nitong mga gagamitin ko. Padarang ko itong kinuha ng hindi nagpapasalamat sa kaniya at nagtuloy tuloy sa paglalakad patungo sa cr.
Punyemas ‘to porket boss ko siya ginaganon ganon niya lng ako. Pasalamat siya may kaunting respeto pa ako sa kaniya kung hindi, ewan kona lng talaga.
Isang magandang dress ang kaniyang ibinigay sa akin, color black ito. Nasisiguro kung bagay na bagay sa akin ang dress ito.
May taste din pala ‘tong isa akala ko wala, magaling pala pumili kung anong na b’bagay sa akin. Sabagay lahat naman na pinapasuot o isinusuot ko ay bagay sa akin lahat. Hindi sa pagmamayabang pero parang gano’n na nga.
Nang matapos sa pag aayos sa aking sarili ay agad akong lumabas. Nadatnan kong naka upo ang aking amo sa isang sofa.
Inip na inip itong tumayo bago nagsalit. “Why you took so long?” Mahihimigan mo ang pagka walang emosyon sa kaniyang mga salita sabayan pa ng kaniyang mga tingin na kay talim.
“Ano ba pake mo? Nag sabi ba kasi akong hintayin mo ’ko.” Pagtataray ko sa kaniya. Inikutan ko ito ng dalawang mata ko. Wala akong pakialam sa kaniya, bahala siya sa buhay.
Aba’y kasalanan ko pang pinang antay ko siya. Wala naman akong sinabing hintayin niya ako sa labas.
Pero mukhang mali ata ang ginawa kong pag tataray sa kaniya ngayon dahil nakakamatay ang kaniyang mga titig na pinipukol sa akin, napalunok ako bigla dahil sa kabang nararamdaman.
“Pinang hintay mo ’kong tatlong oras, fucking three hours. Great.” Sarkastikong saad nito na siyang ikinangiwi ko.
Oo na kasalan ko na, may kasalanan naman talaga ako dahil ang tagal tagal kong maligo. Napanguso ako at humingi ng tawad sa kaniya.
“Tsk! Stupid.” Mga salitang narinig ko sa kaniya na lalong ikina haba ng nguso ko.
Gano’n naman talaga ako kapag naliligo eh! Kaya hindi na ako magtataka pati kaibigan ko ay galit na galit din sa akin.
“Woii! Nakaka ilan ka ng sabi ng ganiyan sa akin ah! Akala mo naman hindi kana nakakasakit ng dalawang ah.” Nagmamadali akong naglakad nang makitang lumabas na ito sa kwarto.
Gano’n din ang aking ginawa sinundan ko siya kasi sabi niya aalis daw kami pero hanggang ngayon ay hindi niya sinasabi sa akin kung saan, matanong nga para naman hindi ako mangapa niyan.
“Amo ko, saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kaniya.
“Teka nga lng kasi, pwedeng paki bagalan ang paglalakad mo. Ang bilis mong maglakad, pinapaala ko lng sa’yo na hindi tayo hinahabol ng kung ano kaya paki bagalan, please lng.” Muling saad ko sa kaniya, napatigil ito sa paglalakad at gano’n din ang ginawa ko muntik na nga akong mapa subsob sa kaniyang napakatigas sa likod mabuti na lng talaga napigilan ko ang sarili ko. Binalingan akong nagtatakang nakatingin.
Kunot noong nag tanong ito, “ what did you call me?”
Huh? Ang alin? Wala naman akong tinawag sa kaniya ah! Bukod sa boss ang palaging tinawag ko sa kaniya ay wala ng iba. Huwag mong sabihing,
“Amo ko?” Hindi siguradong tanong ko sa kaniya. Napatanga na lng ako ng mapagtanto ko kung anong naitwag ko sa kaniya.
Amo ko? Ko? Sa akin? Hala! Gagi ka talaga, Lara. Lagi kana lng napapahamak nang dahil sa mga kagagawan mong katangahan kaya hindi na ako magtataka kung sakaling mapahamak talaga.
Nag iinit ang aking magkabilang pisnge idamay mo rin ang dalawang taenga ko, paniguradong namula na ang buong mukha ko pero ayus lng nakapuntos naman ako sa kaniya kahit na walang effect sa kaniya. I bite my lower lip to stop my smile. Kinikilig ako sa sariling gawa kong banat kahit naman na hindi ‘yun tutuusin na banat.
“So, that's means is I'm yours right, Lara? Ayan ba ang ibig mong sabihin?” He smirked at me while looking at me intently.
Napaiwas ako ng tingin bago nagsalita. “Hindi ah! Kapal mo naman.” Kanda utal-utal na saad ko. Gusto ko sanang sabihin na “kung pwede sana, papayag ka ba?” kaso huwag na lng baka himatayin na ako sa kilig niyan.
Hindi ito umimik nanatiling nakatalikod lng ito sa akin.
“What? Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?” Mahigpit kong hinawakan ang aking sling bag dahil hindi ko kayang tagalan ang kaniyang presensya na parang kinakapos ako ng hininga. Parang kinukuha niya lahat ng lakas ko idagdag mo pa ang kaniyang mga titig na pinipukol sa’yo.
Hindi ito sumagot sa tanong ko bagkus ay tinalikuran na ako nito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa parking lot nitong bahay niya. Siguro.
Grabe ang laki pala nitong bahay ngayon ko lng napansin ang kabuohan. Sobrang ganda. Kailan kaya ako magkakaganitong bahay. Sira ka talaga, Lara makapagsabi ka naman na kailan e, meron ka naman na bahay ah! Pero hindi naman ‘yung ganitong kalaking bahay.
“Boss, na saan nga pala ang mga tao dito?” Nagtaka ako dahil kanina pang pag gising ko ay wala akong nakita tao bukod sa kaniya.
“Mga kasambahay mo or kaya bodyguard mo wala rin po edi ibig sabihin no’n ay mag isa ka lng dito?” Muling usisang tanong ko sa kaniya. Nagiging chismosa na yata ako ah!
Gusto ko lng naman kasi malaman kung anong dahilan kung bakit ni isang kasambahay ay wala siya sa yaman na taong ‘to imposimbleng wala kasi naman sa halos lahat na mayaman ay madaming kasamabahay at mga bodyguard kaya nakakapagtaka talaga kung bakit wala siya.
“Obviously, Lara.” Baliwalang sagot nito.
“Pero bakit wala ka? Ayaw mo ba no’n meron mag sisilbi sa’yo at wala ka nang p’problemahin sa gawaing bahay. At saka paano kung meron magnakaw dito wala magbabantay paano na ‘yung mga gamit mo dito na masyadong importante? At saka–” Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla itong nagsalita.
“Stop asking and stop talking nonsense thing. Get inside.” Pinagbuksan ako nito ng pinto. Nakangusong pumasok ako sa kaniyang sasakyan.
Hindi ko man lng na malayan na nandito na pala kami kanina pa. Nagtatanong lng naman e, masama bang magtanong? Amp! Bahala nga siya diyan. Huwag niya akong kakausapin nonsense pala ah! Tignan natin.