Chapter 9

1.1K 46 6
                                    

Nandito ako sa labas ng kompaya nag aantay ng masasakyan, nagbabakasakaling meron pang dumaan na sasakyan. Ilang minuto na akong nag aantay dito ngunit wala pa rin na dumadaan, malapit na kasing maghating gabi kaya siguro gano’n.

Wala akong sariling sasakyan at ayaw ko din naman na mapasundo sa kaibigan ko, baka kasi natutulog na ‘yun at ma istorbo ko pa sa mahimbing na tulog. At paniguradong bubungangaan niya din ako kung bakit ganitong oras ako umuwi.

Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ng makitang wala na talagang pag asang dumaan pang sasakyan ay nag pasya akong maglakad na lng. Alam kung malayo pa ang bahay ko, anong magagawa natin? walang masasakyan kaya’t ito naglakad na lng kaysa naman na mag antay ako na wala naman ng dumaan at maabutan pa ako ng umaaga kakaantay sa wala.

Bakit naman kasi nagalit at pinupinit niya ‘yung ginawa kong report paper? Ayun tuloy na gabihan ako. Kasalanan ng lahat nang iyun ng boss.

Nagpapadyak padyak akong naglakad sa sobrang inis sa taong ‘yun. Napakasama talaga ng budhi no’n, sobra. Kainis. Hindi pa ako nakakabawi sa kaniya sa pag sagasa niya sa akin.

First day ko pa lng ta worst na ang mga nangyari, anong nangyari bakit ganito? Karma na ba ‘to sa pagsagot-sagot ko sa magulang ko? Sinipa ko ang isang maliit na bato sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Tumigil ako sa paglalakad ng maramdaman na may isang butil na tubig ang tumulo sa aking balikat, tinignan ko ito at tubig nga.

Tubig? Ibig sabihin, tumingala ako sa kalangitan, walang mga bituin akong nakikita, unti unting natatakpan ng mga ulap ang mga bituin, madalim ang kalangitan at mas lalong dumilim pa dahil sa mga ulap na maitim na bumabalot sa daigdig.

Isa lng ibig sabihin nito, uulan ng malakas. Patakbo akong umalis sa kinatatayuan ko ng malamang uulan ng malakas upang hindi maabutan o mabasa man lng ng ulan.


Habang tumatakbo ay siya din’ pag buhos ng napakalakas na patak ng ulan. Takbo lng ako ng takbo baka sakaling makakita ng masisilungan ko ngunit hanggang ngayon ay wala pa din akong nakita masisilungan.

Basang basa na ako, mukha na akong basang sisiw. Ang mga dala kung gamit at basa na din, kung meron man sigurong makakakita sa akin ngayon ay siguradong maawa sa akin sa lagay kung ito.

Tumigil ako sa pagtatakbo, dahil wala naman’ saysay ang aking pagtakabo kung basang basa na din naman ako. Napapikit ako sa sobrang inis na nararamdaman, ang malas ko talaga ngayon araw.

“Aaaaaahhhhh, ang malas. Bwesit.” Malakas na sigaw ko at pinagtatapon ko lahat ng gamit ko sa daan sa sobrang inis.


“Sh’t sh’t, kasalan niya ‘to lahat.” Kinapa ko ang aking bulsa upang kunin ang aking telipuno para sanang humingi ng tulong sa aking kaibigan na si Aikee.

Wala akong pakialam kung ma istorbo ko siya sa kaniyang pagtulog dahil alam ko naman na maiintidihan niya ako kung bakit ko inistorbo.

Padaskol kung inilabas ang cellphone, alam kung basa na ito ngunit susubukan ko pa din. In-open ko ito ngunit ayaw makisama dahil hindi na nabubuksan pa.

Padabog ko itong itinapan na lng basta basta. Wala akong pakialam kung walang pamalit doon, na iinis talaga ako ng sobra.


Inis na sinabunutan ko ang aking sariling buhok. Nakaupo ako sa sobrang panghihina, gusto ko ng umuwi, gusto ko ng magpahinga. Napahilamos ako sa sariling mukha ng dalawang palad ko, at umubob doon.

Nandito ako sa gitna nakaupo, wala naman sigurong makakasagasa sa akin ulit eh ano? Kasi wala naman na dumadaan na sasakyan.

Bakit ba kasi ang layo ng bahay ko? Humiga ako sa maputik, maduming kalsada. Tumingala ako tinitigan ang madilim na kalangitan, ganyan din ako no’ng mga panahong nakakulong sa madilim na apat na sulok, isang impyernong lungga. walang matakbuhan, mag isa sa buhay, puro paghihirap at pasakit ang aking buhay noon.

Hindi nagtagal ay nakarinig ako ng isang bosena nang sasakyan. Dali dali akong tumayo at tinignan, napapikit ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa paparating na sasakyan, Nang makitang na sa harapan ko na ito ay tumayo ako ng tuwid.

Isinilip ko ang na sa loob ng sasakyan, nang walang makita ay kumatok na lng ako dahil tinted ang salamin ng sasakyan na nasa harapan ko.

Tumigil ako sa pagkakatok ng makitang unti-unti itong nagbubukas, nang makitang naka bukas na ito ay agad akong yumuko upang tignan ang taong na sa loob ng sasakyan.

Paanong?

Paanong nandito siya? Ang akala ko ay umuwi na siya kanina pa? Dahil pagdating ko sa kaniyang opisina ay wala akong nakita doon na tao, o ni anino niya ay wala. Napakamot ako sa aking batok, tinitignan ko nitong maagi.

“Mabuti naman hindi mo ako sinagasaan, himala’t may mata ka ngayon na ginagamit.” Pagtataray na ani ko sa kaniya, kahit na giniginaw na ako ay nakuha ko pa siyang asarin.

Dapat lng na ganiyan ko siya hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa akin no’ng isang araw na muntik na niya akong masagasaan at ang mas malala pa, pinaiyak at pinunit niya lng ang aking ginawang pimagpaguran ko.

Aba malay ko bang mali, wala man lng siyang sinabing kung ano ba talaga ang mali sa ginawa ko, basta basta niya lng ito pinunit sa harapan ko at pinagsalitan pa masasakit na salita.

May lakas na loob ako ngayon na pagsalitan siya dahil wala naman kami sa trabaho kaya pwedeng pwede kung gawin ang gusto ko.

“What?” Takang tanong nito, inikutan ko ito ng dalawa kung mga mata.

Engot!!

“Gwapo sana, bingi naman.” Mahinang bulong ko para hindi niya marinig ang aking sinabi.

“I'm not deaf, you women.” Madilim na mukha ako nitong tinignan. Mahina na ngang boses ang pagkasabi ko, narinig niya. Grabe! Ibang klase. Mukhang ginagamit niya na nga ang five senses niya. Mabuti kung gano’n.


“Hindi ka naman pala bingi eh, eh bakit kapa nagtanong? Hayaan mo na ‘yun. Diyan ka lng eh! Sandali lng may kukunin lng ako.” Dali dali akong umalis sa kaniya harapan at tumakbo sa mga gamit kong nagkalat sa kalsada, isa isa ko itong pinulot, nang mapulot lahat ng gamit ko ay bumalik ako sa kaniyang harapan.


Hindi naman siguro siya magagalit kung sasabay ako sa kaniya, e ano? Kakapalan ko na talaga pagmumukha ko ngayon dahil kanina pa ako nilalamig ng husto.

Baka magkasakit nga ako nito kinabukasan eh. Napag pasyahan kong hindi ko mona siya babawian sa mga ginawa nito sa akin.

Binuksan ko ang pinto ng kaniyang sasakyan at dali daling pumasok. Hindi ko na ito pinansin pa sa kaniyang pagpipigil na pumasok ako sa kaniyang sasakyan, ang ingay naman nitong amo ko.

Kapag hinalikan ko ‘yan, siguradong mananahimik ‘yan bigla.

“Manahimik ka, ano ba? Huwag mo nga akong pigilan. Ilalagay ko lng mga gamit kung basa sa likod ko. Makikisakay lng eh!” Pinipilit ko itong hinahatak ang aking mga gamit sa kaniyang kamay, gano’n din ang kaniyang ginagawa.

Kaya ang ending naghihilahan kaming dalawa.

“Get out, basa ka, baka mabasa ang sasakyan ko ng dahil sa kagagawan mo.” Malakas na sigaw nito sa akin. Habang pilit na hinahatak ang mga gamit ko palabas.


Malamang mababasa ‘yung kotse niya dahil basa ako at umuulan. Dahil mas malakas siya sa akin ay nahatak nito sa akin ang mga gamit ko kaya walang pag alin-langan na itinipon nito sa labas ang gamit ko na siyang ikinanganga ko.

“Get out.” Seryuso ako nitong tinignan. Tinitigan ko din ito pabalik ng seryuso, nang makitang seryuso nga siya ay huminga ako ng malalim bago na pagpasiyahan na lumabas sa kaniyang kotse.


“Okay,” mahinang sabi ko sa kaniya at lumabas na sa kaniyang sasakyan. Isinara ko ang pintuan ng kaniyang kotse.

Hindi na ako muli pang tumingin sa kaniya, isa isa kung kinuha ang nagkalat na mga gamit ko sa lapag. Nang mapulot lahat ay agad akong naglakad paalis sa kaniyang harapan.

Bahala siya diyan, ang sama talaga nito. Ang akala ko papasakayin niya ako dahil sa aking lagay ‘yun pala hindi. Napa buntong hininga ako nagpatuloy sa paglalakad, nakita ko itong umalis na.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon