Umalis ako sa kanilang harapan at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko alam kung saan ako papatungo ngayon kahit hindi ko kabisado ang mga daanan ay patuloy lng ako sa paglalakad basta ang alam ko lng ay gusto kong makalayo layo sa kanila.
Gusto kong magpahinga sa mga problema ko kahit sandali man lamang.
Hapon na nang makarating kami dito sa resort kanina dahil na rin sa sobrang napakalayo nitong resort ay natagalan kami sa pag byahe at ang daming mga taong naglalakad, na liligo may mga foreigner din naman nandito lahat sila ay masasaya sa kanilang kaniya kanjyang ginagawa.
Hindi na ako magtataka na ang daming pumupunta dito dahil isang sikat na resort ito at dahil na rin sa sikat sa larangan ng negosyante ang taong may ari nito, ang mga magulang ni Drake.
Naglalakad ako sa dalampasigan, ang ganda talaga ng karagatan ngayon sumasabay pa ang palubog na araw kasabay ng mga dalamhating nararamdaman ko, patuloy na umaagos ang aking luha.
Umupo ako dito sa buhangin at taimtim na tinitignan ang palubog na araw, kulay orange na pinaghalong red at yellow.
Ang ganda ng kinalabasan nakakabighani ang kanilang kagandahan.
Napaangat ako ng tingin ng may naramdaman na may tao sa aking likuran. Pinunasan ko mona ang aking luha bago nagsalita.
“What you want, Mr?” Masungit na saad ko, wala akong ganang makipag usap kahit na kanino man. Ang gusto ko lng mapag isa.
Oo Mr. Hindi ko kasi siya kilala at mukha din isang dayo, naka taas kilay nang binalingan ko ito ng tingin.
“Why are you crying?” He didn't answer my question but he asked me instead.
“It's none of your business, chopiie nga hindi ko kailangan ng kausap ngayon.” Pagtataboy ko sa kaniya, tinarayan ko ito.
Maka tanong ba naman kung bakit ako umiiyak ni hindi nga kami magkakilala, e. Ni hindi nga kami close, feeling close din si kuya, e. Pero unfairness ang pogi niya.
Hindi nito pinakinggan ang sinabi ko bagkus ay umupo ito sa aking tabi na siyang ikinatingin ko sa kaniya.
“Nagsabi ba akong umupo ka?” Taray na tanong ko sa kaniya, pinapaalis na nga, e ayaw pang umalis. Wala na naman akong sinabing maupo siya dito at samahan ako. Badtrip din ‘to.
Nakangiting nakatingin ito sa palubog na araw, napahanga ako sa kaniyang mukha, mas lalong naging gwapo siya sa paraan ng kaniyang pag ngiti. Jusko ba naman bakit ba may mga nilalang na ganito ka gwapo?
“Huwag mo ’ko tignan ng ganiyan at baka ako’y matunaw sa paraan ng iyung pagtingin.” Hindi ko na malayan na matagal na pala akong nakatitig sa kaniyang mukha.
“Ang pogi mo kasi kaya hindi ko maiwasan mapatitig sa mukha mo.” Wala sa sariling saad ko sa kaniya na siyang ikinangisi nito.
Namumulang umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa uri ng kaniyang pagtingin.
Pero sandali tama naman pagkarinig ko sa kaniyang sinabi, nagtatagalog siya? Aba ang akala ko pa naman ay hindi siya marunong magtalog dahil hindi halata sa kaniyang mukha, foreigner kasi ang datingan, e.
“Nagtatagalog ka?” Nagtatakang tanong sa kaniya, nakakagulat naman talaga na malaman mong nagtagalog siya.
Tumango ito sa aking tanong.
“Hindi kasi halata sa mukha mo at tsaka sa kisig ng iyung panangatawan.” Pinasadahan ko ito ng tingin, totoo naman na hinding hindi talaga halata. Ngumiwi ako dahil bigla itong tumawa ng napakalakas lakas.
“Foreigner ka ba?” Muling tanong ko sa kaniya ng hindi ito tumigil sa kakatawa. Mabulunan ka sana ng sarili mong laway.
“Yeah I'm a foreigner, actually matagal na ako dito. Almost two years na ako dito.” Grabe ang tagal na niya nga dito. Two years? Parang ginawa na niya ‘tong bahay ah!
Hindi na ako magtataka alam kung mayaman siya, madami siyang pera dahil halata sa kaniyang mukha.
Istitik ba naman kung manamit siya. Pwede ko ba siyang gawin sugar daddy? Total wala ako no’n.
Ay huwag mo na pala tatanongin ko mona si boss kung pwede siya kung hindi papayag ang isang ‘yun ay kay ano na lng.
Napanguso ako dahil naalala ko naman ang nangyari kanina. Naalala ko siya dahil kaninang pag sabi ni mommy na ikakasal kami ay wala man lng siyang violent reaction.
Sandali nga kanina pa kami nag uusap dito ng katabi ko tapos hindi pa kami nagpapakilala sa isat isa.
“I'm Lara nga pala”
“By the way I'm Ark”
Sabay na saad namin, sabay din na inilahad ang kamay sa isa’t isa. Nagkatinginan kaming dalawa ay pareho kaming natawa dahil sa nangyari.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaniya, ang sarap niya palang kausap at kasama. Tumigil ito sa pagtawa gano’n din ang aking ginawa. Inilahad nito muli ang kaniyang kamay, nagpapahiwatig na nakikipag kamay.
“Nice to meeting you, Lara.” Nakakatunaw talaga ang kaniyang mga ngiti. Pambihirang ngiting ‘yan nakakatulog ng damdamin, paniguradong ang daming nagkakandarapa sa kaniya.
Nakangiting tinanggap ko ang kaniyang kamay. “It's my pleasure to meet you, Ark.”
Tinanong ko din siya kung bakit napadpad siya dito sa lugar na ‘to ang sabi niya ay nirecommend lng daw ito ng kaniyang kaibagan, hindi ko na tinanong kong anong pangalan.
Madami din kaming pinang usapan tungkol sa mga kaganapan sa aming buhay, na banggit ko din sa kaniya ‘yung tungkol sa pagpapakasal na magaganap.
Na banggit din naman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito. Meron daw siyang hinahanap na matagal na niyang hindi nakikita. Binanggit niya din na girlfriend niya ang ipinunta niya dito. Nagbabakasakaling matagpuan niya ang taong hinahanap niya.
Naawa ako sa aking dalawa dahil ang laking problemang kinakaharap namin ngayon pero na niniwala akong malalampasan din namin ‘to.
“Mahahanap mo din siya, tiwala lng. Huwag kang pang hihinaan ng loob.” Tinapik tapik ko ang kaniyang balikat. Nakangiting saad ko bakasakaling gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Sana nga mahanap na niya ang taong matagal na niyang hinahanap at sana magkaroon sila ng masayang ending.
“Sana nga mahanap ko na siya, sana.” Mapait itong ngumiti sa akin at hinawakan ang aking kamay na nasa kaniyang balikat.
Ang lambot ng kaniyang kamay hindi halatang lalaki siya.
“At sana sa’yo din kung ano man ang iyung magiging desisyon ay sana masaya ka.” Marahan nitong hinawakan ang aking kamay. Ngumiti lng ako sa kaniyang tinuran. Nanahimik kami ng ilang sandali bago namin napag pasyahan na umalis na.
“Paano ba ‘yan hanggang sa muli nating pagkikita, Lara.” Tumayo ito sa pagkaka upo sa buhangin gano’n din ang aking ginawa, tinulungan ako nitong makatayo, nagpasalamat din ako sa kaniya.
“Masaya akong makilala ka, Ark. Hanggang sa muli.” Masayang saad ko sa kaniya.
Nagpaalam na itong aalis na, masayang kumakaway ako sa kaniya, kumaway din ito pabalik. Nang makitang malayo na ito sa aking ikinatatayuan ay napa buntong hininga ako bago nagpag pas’yahan bumalik kung saan ako galing.