"What is this?" Tanong nito habang sinusuri ang dala kung pagkain.
"Pagkain malamang," mahinang bulong para hindi niya marinig ang pagkapilosopohan ko sa kaniya.
Baka mayari naman tayo sa kaniya at baka kung anong gawin niya, edi lagot tayo.
"Pagkain po." Nakatungo kung ani sa kaniya.
"Para po kasi sainyo 'yan dahil na pansin kung hindi ka kumakain kapag lunch time na, lagi ka na lng daw na sa loob ng iyung opisina, pati pagkain mo na papabayaan mo na." Nag alalang ani ko sa kaniya, ayaw kung tignan ang kaniyang mukha dahil na hihiya ako at baka kung ano pa isipin niya ng dahil sa pagdala ko ng pagkain sa kaniya at pag alala na rin.
I bite my lower lip to stop from my trembling.
"You brought this for me?" Tanong nito. Napapikit ako ng dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ba halata?
"Ay hindi po, para po talaga 'yan sa'kin, akin na po at kakainin ko na dito. Dinala ko lng talaga 'yan dito upang inggitin ka habang kumakain ako." Mahabang salaysay ko habang pilit na inaagaw sa kaniya ang hawak nitong pagkain. Kita naman na sa kaniya 'yan na binili ko, inulit pang magtanong.
"No, you brought this for me, kaya ako ang kakain." Napatigil ako bigla sa pag aagaw sa kaniya ng bigla itong magsalita ng kunting tagalog, ay lagi naman palang nagsasalita si boss ng tagalog pero hindi ko pa din maiwasan mapahanga sa kaniya.
Napanganga ako dahil ang hot niya talagang magsalita ng tagalog, kahit na medyo nauutal at may pagka slang pa sa kaniyang pananalita ay hindi ko mapigilan ang paghanga sa kaniya. Grabe nakaka in love.
Napalunok ako dahil sa sobrang lapit na ng ang mukha. Isang dangkal na lng mahahalikan na namin ang isat isa.
Napapikit ako ng tumatama ang kaniyang hininga sa aking mukha. Ang bango ng kaniyang hiningi, tinitigan ko bawat anggulo ng kaniyang mukha. Meron siyang makapal na kilay at pilik mata na bumabagay sa kaniyang mata.
Ang kulay ng kaniyang mata at ash gray. Matangos ang ilong at maganda din ang shape ng kaniyang mukha bumabagay sa lahat, nagmumukhang isang greek god. Bumaba ang aking paningin sa kaniyang magandang hugis na labi, mapupula ito at parang ang sarap halikan.
Anong lasa kaya niyan? siguro matamis na masarap. Napalunok ako sa sariling laway dahil sa pumapasok sa aking isipan, bakit parang hinahalay ko na siya sa aking isipan?
Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa paraan ng kaniyang pagtingin. Nang matauhan sa aming position ay agad akong lumayo sa kaniyang pwesto.
Lumunok mo na ako bago humingi ng paumanhin sa kaniya. "Sorry, hindi ko sinasadya." Kagat labi kung ani
sa kaniya habang nakayuko."It's okay, join me." Napaangat ako ng tingin ng dahil sa kaniyang sinabi. Itinuro nito ang kaniyang hawak na pagkain.
Huminga ako ng malalim ng mapagtantong hindi siya nagalit. Akala ko mag aalburoto na naman siya, ayaw niya kasing hinahawakan siya sa kahit anong parte ng kaniyang katawan, hindi ko lng alam kung bakit.
"Pero kumain na po ako bago pumunta dito."
"Then eat again, para naman tumaba ka." Naka ngisi nitong sabi sa akin.
Aba't ang bastos na lalaking 'to, hindi ako payatot, sexy lng ako. Inirapan ko ito dahil sa kaniyang sinabi.
"Sexy ang tawag dito." Pagtataray na ani ko sa kaniya.
"Ako na nga maghahain niyan, maupo ka na lng diyan." Saad ko dito na siyang sinusunod din nito ang utos ko. Inilabas ko lahat ng pagkain na nasa loob ng plastic.
Isa isa ko itong inilalapag sa lamesa niya. Nang matapos sa pag aayos ay umupo na din ako para sa na simulan ng kumain.
"What is this? Is this a food?" Nandidiring ani nito sa isang pagkain, nakangiwing tinitigan nito ang bawat anggulo ng isaw.
"Isaw ang tawag d'yan, malamang pagkain iyan." Kinuha ko ang hawak nitong isaw at kumagat.
"Ahmm, ang sarap. Oh tikman mo, nganga masarap 'to." Inilipat ko sa kaniyang bibig ang hawak kung isaw. 'yung kinagatan ko, wala naman akong rabis kaya walang problema at saka nagsisipilyo din naman ako kaya alam kung malinis ang kinainan kong parte ng isaw.
Umiling ito na siyang ikina ikot ng aking mga mata. Ngayon lng ba siya nakakita ng isaw? Aba mayaman talaga 'tong lalaking ito.
"No, thanks. I take another dish." Kinuha nito ang adabo at nagsalin sa kaniyang plato.
Ang arte talaga nitong gonggong na ito. Hindi ko na ito kinulit pa at hinayaan sa kung anong kakain niya. Wala kaming imikan at nagsimula ng kumain pa.
Nang matapos sa pagkain ay iniligpit ko na lahat ng kalat namin sa pagkain, nang matapos ay agad akong nagpaalam sa kaniya.
"Aalis na ako sir. Thank you I enjoyed the lunch with you." Malawak na ngiting ani ko sa kaniya. Hindi ko na inantay pang magsalita ito der'retso akong lumakad palabas ng kaniyang opisina.