Chapter 7

992 42 0
                                    

“Lara, sabay na tayong uuwi mamaya ah.” Saad ni Justine sa akin. Tumango ako sa kaniyang sinabi.

“Sige, total wala naman akong kasamang umuwi mamaya.” Tumango na din ito sa akin ay umalis na sa aking harapan.

Nagpatuloy ako sa aking pagtitipa sa computer dahil ang daming inuutos sa akin ng magaling kung amo.

Nang na sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay biglang may sumulpot sa harapan ko. Inangat ko ang aking paningin sa kaniya at nagtanong.

“Ah! Hello. Anong kailangan mo?” Nakangiti man ngunit nagtatakang ani ko sa kaniya.

Ngumiti din ito pabalik bago nagsalita. “Ikaw si  Lara diba?” Tanong nito. Tumango ako sa kaniya bilang tugon.

“Ako nga si Lara, bakit?”

“Wala, pinapatawag ka lng ni boss. Pinapatong kong tapos na ba ‘yung pinag uutos niya sa’yo at kung tapos na daw ay paki dala na sa kaniya.”

“Ah, hindi pa eh! Patapos pa lng. Dadalhin ko na lng mamaya kapag tapos na ako.” Tumango ito sa aking sinabi.

Ang dami daming pinapagawa niya sa akin, natural hindi ko ‘yun matatapos kaagad. Anong akala niya sa akin may powers na kayang gawin lahat ng madalian ang lahat ng bagay?

“O siya, alis na ako, ‘yun lng pinunta ko dito.” Pagpaalam nito na siyang ikinatango ko ng marahan. Nagpasalamat na din ako sa kaniya bago ito umalis sa harap ko.

Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa at minadalian sa pagtatrabaho baka kasi kailangan na talaga ‘yun at mapagalitan pa ako ng wala sa oras, edi lagot na.

Nang makalipas ang ilang oras ay hindi ko na malayan na pagabi na pala. Nang matapos sa aking ginagawa ay tumayo na ako at naglakad dala ang mga papel na ipapasa sa boss ko.

Nasa daan na ako patungo sa elevator ng makita si Justine patungo sa kinaruruonan ko.

“Lara, ano tara na?”

“Ah! Justine hindi ako makakasabay sa‘yo eh, pupuntahan ko pa kasi si Boss para ipasa ito.” Pinakita ko sa kaniya ang mga dala kung papel.

“Mauna ka na sa susunod na lng tayo magsabay umuwi.”Dagdag na saad ko sa kaniya. Nalulungkot na ani ko sa kaniya.

Huminga ako ng malalim bago humingi ng paumanhin sa kaniya dahil na ngako ako sa kaniya tapos hindi ko lng pala matutupad ang pangako ko sa kaniya na sasabay kami sa pag uwi.

“Ano ka ba naman, ayus lng ‘yun, naiintindihan ko naman. Sa susunod na lng labas tayo para pambawi mo na rin.” Nakangising turan nito na siyang ikingiti ko.

“Libre mo ako ah!” Tumango ako sa kaniya para naman makabawi ako. Kahit na kakakilala pa lng namin kanina ay naging magkaibigan na kami at close na namin ang isa’t isa.

“O sige na aalis na ako. Mukhang uulan pa ata eh, madilim ang kalangitan eh. Bilisan mo na din baka abutan ka ng ulan.”


“Hindi naman siguro uulan. Ipinig dadasal mo kasing umulan.” Inikutan ko ito ng dalawang mata ko. “Aalis na ako. Kita na lng tayo bukas.” Dagdag na saad ko dito at nagsimula ng maglakad.

“Good bye, ingat sa pag uwi.”

“Ikaw din. Ingat sa pag uwi.” Pahabol na saad ko sa kaniya at kumaway ng nakangiti. Kahit kakakilala pa lng namin ni Justine ay may na papansin ako sa kaniya parang ang weird nga kilos at pananalita niya kapag kausap ako at ang mga galaw ay pinung-pino.

Bakla ba ‘yun? Nagtataka ako kung bakla nga ba ‘yun? O gano’n lng talaga ang kilos niya.

Baka mas’yado lng akong praning at mapanghusga. Kumprontahin ko nga sa susunod na araw, wala namang kaso sa akin ang pagiging isang bakla mas masarap nga sila kasama eh, kaysa sa ibang mga taong plastic.

I'M HIS WIFE NOT A SECRETARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon